Pagsasalita, Pagsulat, Pagbabasa, Panonood at Pakikinig
Layunin:
Ang anyong berbal o sa anyong di-berbal sa pakikipagkomunikasyon, ito ay kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ang laging nasasangkot. Sa pagiging mahusay sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa. Nararapat na paunlarin ang kasanayang pangwika upang magkaroon ng matagumpay na pagpapahayag. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.