A. Natutukoy ang depinisyon ng pagsasalita sa loob ng klasrum at ang mga dapat isaalang-alang sa pagsasalita.
B. Napahahalagahan ang kasanayang pampagsasalitaan at mga Tungkulin ng wika at Tungkulin ng komunikasyon.
C. Nakagagawa ng maikling dula-dulaan batay sa tungkulin ng wika at tungkuling komunikasyon.
Ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan na ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.
Kaalaman
Kailangan alam mo ang paksa sa isang usapan.
Hindi mo malilinlang ang iyong tagapakinig.
Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika.
May sapat na kaalaman sa kultura, at maging sa kultura ng iyong kausap.
Kasanayan
Kailangan may sapat na kasanayan sa pag- iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon.
Tiwala sa sarili
Tinig-Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Kaakibat ng tinig ay ang himig.
Bigkas-Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita.
Tindig– Kailangang may tikas.
Kumpas-ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas kasabay ng kumpas.
Kilos– Ang mga mata, balikat, paa at ulo – ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita.
Talumpati– ay masining na pagpapahayag ng kaisipan,damdamin,kaalaman tungkol sa tiyak na paksa sa tiyak na tagapakinig. Ito ay magalang na pananalita sa harap ng publiko hinggil sa mahalaga at napapanahong paksa na nagbibigay kaalaman,nagtuturo,naghihikayat, nagpapagan apo nanlilibang.
Layunin ng Talumpati
Mapabatid ang mga mahalagang ideyatungkol sa paksa
Pukawain ang madla
Makapagpanatili ng antensyon,interes at makapagpakilala sa isang hinagap Makapagbigay ng kasiyahan sa madla
Makapagpaniwala sa mga tagapakinig sa mgapaksang binabangit
Anyo ng Talumpati
Impromtu
Maluwag o Daglian
Handa
Sanggunian:
https://jlazarte.wordpress.com/2016/11/21/first-blog-post/
https://scribd.vdownloaders.com/document/447588979/BANGHAY-ARALIN-PAGSASALITA-docx