Lupon sa Wika at Kultura (LWK)
Lupon sa Wika at Kultura (LWK)
Bilang tugon sa adhikain ng Isabela State University–Sentro ng Wika at Kultura (ISU–SWK) na higit pang mapalawig ang mga programang pangwika at pangkultura sa bawat kampus, binubuo ang ISU SWK Direktoryo ng mga Samahang Pangkampus na Tagapagtaguyod ng Wika, Panitikan, at Kulturang Pilipino.
Layunin ng direktoryong ito na magsilbing ugnayang daluyan sa pagitan ng SWK at ng iba't ibang organisasyong pangwika, pampanitikan, at pangkultura sa unibersidad. Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapagtitibay ang kolektibong pagkilos tungo sa paglinang at pagtataguyod ng ating pambansang pagkakakilanlan.
Inaanyayahan namin ang inyong samahan na makiisa, makipag-ugnayan, at maging katuwang ng ISU–Sentro ng Wika at Kultura sa pagsusulong ng isang makabuluhang adhikain para sa akademya at lipunan. Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng mas malawak na kilusang pangwika at pangkultura!
Magpatala na sa pamamagitan ng sumusunod na kawing:
https://forms.gle/hCJoRy7LTNbSdWWCA
Bukás ang rehistrasyon hanggang sa 30 Hunyo 2025!