Mga Layuning Pangkalidad na Patakaran
Mga Layuning Pangkalidad na Patakaran
1. Manguna sa pagsasagawa ng mga interbensiyong may kinalaman sa wika at kultura na nagtatampok sa mga lokal na identidad, alinsunod sa layuning mapalalim ang kamalayan sa mga rehiyonal at lokal na kultura.
2. Magtaguyod ng mga sistematikong pag-aaral at pananaliksik tungkol sa lokal na wika at kultura katuwang ang iba pang institusyon upang mas lalong mapalawak ang mga inisyatibang pangwika.
3. Magsagawa ng mga mekanismo tungkol sa ipatutupad na patakaran at alituntunin upang epektibong maihatid ang mga programang pangwika nang matulungan ang mga guro at mag-aaral sa lebel ng kamalayan bilang mamamayang Pilipino.
4. Makapagbigay ng mga teknikal at administratibong suporta katuwang ang proyektong pambansa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang maihanay ang mga gawaing panrehiyon at pambansa.
5. Manguna sa pag-oorganisa ng mga kultural na pagdiriwang at kumperensiya upang mapangasiwaan ang mga taunang pagdiriwang, at magsilbing kinatawan ng KWF sa pambansang kumperensiya at forum hinggil sa wika at kultura.
6. Magtatag ng sentralisadong aklatan na magsisilbing repositoryo ng mga publikasyon at koleksiyon ng mga wikang katutubo, Kasama ang mga sangguniang materyal ng KWF para sa akademiko at pananaliksik.