Salindunong 2024: 

Ika-16 Pambansang Kumperensiya sa Filipino, Panitikan, at Pananaliksik

Abril 24-26, 2024 MSU-IIT Gymnasium, MSU-IIT, Iligan City

SALINDUNONG 2024

Ika-16 Pambansang Kumperensiya sa Filipino, Panitikan, at Pananaliksik


Ang pagsasalin ng dunong ang isa sa mga tinitingnang priyoridad ng SALINDUNONG na taon-taong inoorganisa ng Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng MSU-IIT. Yumayabong ang tuntunin ng Departamento sa pagsasakatuparang bigyang-pansin ang mga napapanahong isyu sa konteksto ng pananaliksik pangwika at pampanitikan. Dumarami rin ang mga naging kalahok ng kumperensiya. Taong 2008 nang sinimulan ng Departamento ang pag-oorganisa ng ganitong gawain hindi lamang upang paunlarin ang dunong ng mga kalahok ngunit upang mailatag sa mga guro, mag-aaral, at mga mananaliksik sa buong bansa ang mga makabagong paksa para sa kaunlaran ng pagtuturo at pagkatuto.


Sa taong ito, muling hinihikayat ang lahat ng mga tagapagsulong ng wika at panitikan para sa SALINDUNONG 2024: IKA-16 Pambansang Kumperensiya sa Filipino, Panitikan at Pananaliksik na may temang "Mekus Mekus Mo na ‘Yan: Ang Pagtitimpla sa Pagtuturo-Pagkatuto ng Wika, Panitikan, at Pananaliksik sa Panahong Digital" .  Layunin nitong matugunan ang puwang ng Filipino at Panitikan sa panahong digital at mabigyang halaga ang mga isyu, kagawian at estratehiya  ng pananaliksik sa wika, at panitikang Filipino.

Makikita ang dedikasyon ng Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika bilang tagapangasiwa sa gawaing ito dahil mula noon hanggang ngayon ay patuloy itong nangunguna at nakikiisa upang ipakilala ang saysay ng wika at panitikan. Sa pagdaraos ng Kumperensiya sa taong ito, palulutangin ng mga tatalakaying paksa ang pakikipagsabayan ng disiplinang Filipino at Panitikan sa panahong digital. Mula sa mga imbitadong panauhin na eksperto sa kani-kanilang larang, hangarin ng Departamento na mapanatili ang kahusayan sa pagpapatatag ng halaga ng pagtuturo at pananaliksik sa buong bansa.


Serye ng Salindunong

Salindunong 2023 

Being one of the top-performing universities in the Philippines, Mindanao State University – Iligan Institute of Technology is highly renowned for its excellence in research, extension, and its pursuit of socially valuable activities. Along with the College of Arts and Social Sciences, they continue to build relevant scholars in different disciplines. Hence, the Department of Filipino and Other Languages, as a Center of Development by CHED is committed to do so.

Since 2008, it has been a culture of the Department of Filipino and Other Languages to organize national conference. It was year 2018 when the term SALINDUNONG was first used. It comes from the compound Filipino word salin, which means 'transfer,' and dunong, which means 'knowledge,' 'transfer of knowledge. The conference's main objective is to continuously provide a platform and opportunity to trade-off knowledge and an arena to discuss current issues about language, literature, culture and multidisciplinary research. It also aims to expand the knowledge of teachers and students in research by providing a space to present their research papers in various disciplines related to language and literature.

Amidst the crisis of the pandemic, the Department of Filipino and Other Languages of MSU-IIT, in collaboration with the Filipino Studies Program of the University of Hawaii, Hilo, USA brings you again on February 22-24, 2023, the 2nd SALINDUNONG: An International Conference on Language and Literature and its 15th National Conference in Filipino and Research with the theme "Research Issues and Developments in Language and Literary Studies." The conference seeks to address current issues in Language and Literary Studies and new research trends that are significantly relevant across academic settings.

Salindunong 2022 

Bilang isa sa nangungunang Institusyon sa buong Pilipinas, kinikilala ang kahusayan ng MSU-IIT sa pananaliksik, ekstensyon at mga gawaing kapaki-pakinabang sa lipunan. Kaagapay nito ang Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan sa paghubog sa mga  iskolar na kapaki-pakinabang sa iba’t ibang disiplina. Marapat lamang na bilang Sentro ng Pagpapahusay sa Filipino ng CHEd, kaisa ang Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika sa pagsasakatuparan ng mga adhikain ng kolehiyo at ng Institusyon.

Taon-taong nag-oorganisa ng Pambansang Kumperensiya ang Departamento ng Filipino simula pa noong 2008. Taong 2018, unang ginamit ang terminong SALINDUNONG, mula sa dalawang salitang ‘salin’ at ‘dunong’ na nangangahulugang “transfer of knowledge”.  Pangunahing layunin nito ang makapaglaan ng espasyo at pagkakataong makapagbahaginan ng mga kaalaman at matugunan ang mga hamon tungkol sa wika, panitikan, kultura at multidisiplinaryong pananaliksik. Naglalayon din itong palawakin ang kaalaman ng mga guro at estudyante sa pananaliksik sa pamamagitan ng paglalahad ng kanilang mga papel-pananaliksik sa iba't ibang disiplinang may kaugnayan sa wika at panitikan.

Sa kabila ng pandemya, magdaraos pa rin ang Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika ng Salindunong 2022 sa Abril 20-22, 2022 sa pamamagitan ng online platform, na may temang Ang Pananaliksik at Publikasyon sa “New Normal”: Pagharap sa mga Hamon, Paglalatag ng Solusyon. Hangarin nitong matalakay ang kinakaharap na mga hamon ng mga guro at estudyante sa pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa wika, Literatura, at kultura sa panahon ng bagong normal. Nilalayon din ng kumperensiyang maihain at matalakay ang mga solusyon upang maipagpatuloy ang pananaliksik at publikasyon sa kabila ng pandemya.

Salindunong 2022 Teaser.mp4

Salindunong 2020

Bago ang pandemya, idinaos ng Departamento ang Salindunong 2020 : Ika-13 Pambansang Kumperensiya sa Filipino noong Pebrero 26-28 sa CASSalida Theater, CASS, MSU-IIT. Sa loob ng tatlong araw, naging hamon sa lahat na tingnan ang “Mga Hamon at Bisyon sa Posisyon ng Wikang Filipino at Panitikan sa Ika-21 Siglong Edukasyon”. Layunin ng Pambansang Kumperensiya na mabigyan ng espasyo ang mga guro at mananaliksik upang talakayin ang iba’t ibang papel-pananaliksik sa pamamagitan ng mga sesyong paralel. Ang mga isyu sa wikang Filipino at panitikan sa kasalukuyang panahon ay natugunan sa pamamagitan ng mga paksang tinalakay ng mga dalubhasang tagapanayam.