Mga Ispiker

Ramon C. Guillermo, PhD

Digital na Humanidades: Pambungad, Pananaliksik, 

at Hinaharap


Si Ramon Guillermo ay kasalukuyang direktor ng Center for International Studies sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman. Nakatuon ang kanyang mga pananaliksik sa pag-aaral ng diseminasyon ng mga pampulitikang kaisipan at ideolohiya sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya gamit ang mga teknika at lapit mula sa Digital Humanities at Translation Studies. Kasalukuyang faculty affiliate siya ng Center for Intelligent Systems ng UP System at fellow ng UP Creative Writing Center. Dati siyang Rehente ng Kaguruan  ng Unibersidad ng Pilipinas.

Eunice Barbara C. Novio

Pamamahayag sa Digital sa Panahon ng Fake News

Si Eunice Barbara C. Novio ay mamamahayag na nakabase sa Thailand sa loob ng mahigit sampung taon. Nagsusulat siya para sa Inquirer.net, at lumabas din ang kanyang mga artikulo sa Asia Focus segment ng Bangkok Post, Thai Enquirer, Asia Times, America Media, at The Nation at iba pa. Dalawang beses siyang ginawaran Plaridel Award winner ng Philippine American Press Club para sa mga feature/profile stories. Madalas din syang anyayahan ng mga progresibong organisasyon sa Thailand at Myanmar upang magsalita tungkol sa mga kinakaharap ng mga mamamahayag dahil sa paglaganap nga mga disinformation at misinformation at karapatang pantao.

Nagtuturo siya bilang EFL (English as Foreign Language) lecturer sa Vongchavalitkul University sa Nakhon Ratchasima mula pa noong 2014. Bukod sa pagiging mamamahayag at guro, nagsusulat din siya ng mga tula at nagrerebyu ng mga aklat.  Nailathala din ang kanyang mga tula sa Philippines Graphic, Sunday Times Magazine, Dimes Show Review, Blue Mountain Arts, at iba pa. Ang kanyang unang koleksyon ng tula na isinalin sa wikang Thai, O Matter, ay inilathala sa Thailand noong Pebrero 2020.

Si Bb Novio ay Associate Editor ng Media Asia Journal, isa sa mga dyornal na inilalathala ng Taylor & Francis. Nagsisilbi rin siyang editor at reviewer ng iba’t ibang dyornals sa Thailand. 

Nagtapos siya ng Master of Arts in Women and Development sa UP Diliman sa ilalim ng Women Leadership Scholarship ng Chanel Foundation, Seattle, USA. Nagkaroon din siya ng iba’t ibang scholarship grants mula sa mga pangkababaihang organisasyon sa Asya.



Arjohn V. Gime, PhD

Bakit Kailangang maging Matatag sa Matatag Kurikulum sa Filipino? Paghahanda at Pagsasadireksyon

Nagtapos ng Doktor ng Pilosopiya (Ph.D) sa Filipino sa Philippine Normal University-Manila na nagbigay pokus sa mga programang pagsasanay pangguro sa Philippine Normal University-Manila, National Center for Teacher Education. Nakapagturo bilang grade school teacher sa St. Scholastica’s College-Manila at sa pampublikong elementarya sa Maynila. Naging full-time at part-time na propesor sa undergraduate at graduate programs sa mga mga prestihiyosong mga unibersidad sa Maynila tulad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Unibersidad ng Santo Tomas, National University, Technological Institute of the Philippines, City Malabon University, De La Salle College of Saint Benilde, San Beda University-Manila, De La Salle University-Manila (kasalukuyang part-time na fakulti), at Philippine Normal University-Manila(kasalukuyang part-time na fakulti). Ngayon siya ay may hawak na Master Teacher II at Guidance Advocate sa Senior High School Department sa Manila Science High School. 


Tinaguriang Ten Inspiring Educators of the Philippines, Gawad Kabiasnan, at Outstanding NPRE Officer. Siya ay honorary member ng Lumina Foundation Inc. 


Sa kasalukuyan ay nagiging pandaigdigan at pambansang tagapagsalita, tagapagsanay, tagapayo, mananaliksik, manunulat (ng aklat at naging bahagi ng MATATAG Kurikulum sa Draft), ebalweytor, at tagasalin ng mga instrumento sa pagtatayang pananaliksik, pagsusulit, at iba pang may kinalaman sa pagtuturo ng Wika at Pagbasa, Filipinolohiya, Araling Pilipinas at Pamamahalang Edukasyonal ng pampubliko (Kagawaran ng Edukasyon) at mga pribadong edukasyon.  Naglalahad siya sa mga pambansa at pandaigdigang kumperensiya at naglilimbag din ng kaniyang mga papel-pananaliksik sa mga referred journal sa bansa at karatig-bansa. 

Vladimeir B. Gonzales, PhD

Online na Teatro bilang Muling Sulat, Pagliligtas, 

at Pagtatanghal ng Ahensya

Si Vlad Gonzales ay Propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan siya nagtuturo ng malikhaing pagsulat, panitikan at kulturang popular. Nakapaglimbag siya ng dalawang libro sa Milflores Publishing House—Isang Napakalaking Kaastigan at A-side/B-side: ang mga Piso sa Jukebox ng Buhay Mo.  Inilimbag naman ng University of the Philippines Press ang kanyang mga librong Lab: mga Adaptasyon at iba pang Laro para sa mga Klaseng Panlaboratoryo (2018), Mga Tala ng Isang Superfan: Fan Poetry at Fan Fiction (2019), at Sa Kanto ng Makabud at Mangga, May Eskuwela (2020), at Ang Paglalakbay ni Prinsipe Bahaghari (kasamang isinulat ni Aina Ysabel Ramolete, 2023). Ang interes, malikhaing produksyon, at mga pag-aaral niya’y nakatutok sa pagsasalin, fan studies, videogames, at dula. Makikita ang kanyang mga sulatin at larawan sa kanyang Website na vladgonzales.net.

Delfin H. Mundala Jr., MA

Malikhainternet: Ang Digitalisasyon ng Paglikha

Kasalukuyang nagtuturo ng Filipino at Panitikan sa Mindanao State University - Iligan Institute of Technology. Nakatira sa Lungsod ng Iligan at dito humuhugot ng mga paksang isinusulat. Miyembro ng Bathalad Mindanao (Bathalan-ong Halad sa Dagang) 2016 at LUDABI (Lubas sa Dagang Bisaya) 2017. Naging Fellow sa 24th Iligan National Writers Workshop 2017 sa kasagsagan ng Martial Law sa Mindanao at giyera sa Marawi. Sumusulat siya ng mga tula, maikling kwento, dagli, at dula tungkol sa nangyayari sa Mindanao partikular sa Iligan gamit ang wikang Cebuano at Filipino. Nakapag-aral ng doktorado sa Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas noong 2016 - 2019.

 Rhoderick V. Nuncio, PhD

Mga Ilang Pagninilay sa Daigdig na Digital: Implikasyon sa Sining, Wika at Edukasyon


Si Rhoderick  V. Nuncio ay Full Professor ng Araling Filipino ng Departamento ng Filipino at kasalukuyang Dekano ng Kolehiyo ng Malalayang Sining sa De La Salle University. Awtor siya ng humigit-kumulang na 50 publikasyon (iskolarling aklat, ebook, Scopus/ISI journals, magazines, textbooks) tungkol sa Araling Filipino, Internet Studies at pilosopiya. Pangunahin sa mga nailimbag niya ang Sanghiyang sa Mundo ng Internet ng DLSU at Vee Press (2010) na ginawaran ng National Book Award sa kategoryang Social Science noong 2011 at ang kanyang unang suspense political thriller na nobelang Ang Lihim ng Ultramar (2013) na inilimbag ng UST Publishing House na naging Finalist sa kategoryang Philippine Novel sa National Book Awards noong 2014. Naging Research grantee siya ng Sumitomo Foundation Japan, writing fellow ng 54th UP National Writers Workshop noong 2015, Visiting Research fellow ng Mahidol University sa Thailand noong 2014, at Graduate fellow ng Cultural Studies Workshop sa India noong 2004. Nagtapos siya ng PhD at MA Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas at ng AB Philosophy & Human Resource Development sa San Beda College, Manila.  Dati siyang tagapangulo ng Departamento ng Filipino at naging direktor ng Research & Publications Office at Vice Dean ng Kolehiyo ng Malalayang Sining ng DLSU. Kasalukuyan siyang Project co-leader ng AI, Platforms and Society, isang thematic research cluster ng kanilang kolehiyo.


Aurelio P. Vilbar, PhD

Action Research to Develop and Use Culturally-Appropriate Digital Materials in Language Teaching


Dr. Aurelio Vilbar is a Professor at the College of Social Sciences, University of the Philippines Cebu where he serves as the Director of Ugnayan ng Pahinungod, the Volunteer Service Program. He finished PhD at UP Diliman with further studies on sustainable development from UNESCO Asia Pacific. A DepEd Central Resource Person for Curriculum Development and CHED-commissioned author, Sir Au has conducted research on service learning, language and technology, curriculum and software production which received the UP International Publication Awards and TESOL Awards in Philadelphia, USA. He has worked with UNESCO Bangkok and UNESCO Seoul on sustainability and global citizenship education. Sir Au was a Visiting Professor in Japan. He received the UP Cebu’s Most Outstanding Professor in Public Service and the UP System One Professorial Chair Award.