Panawagan

Panawagan para sa Presentasyon ng Pananaliksik

Rasyonale at Paksa

Layunin ng Salindunong 2024: Ika-16 Pambansang Kumperensiya sa Filipino, Panitikan, at Pananaliksik na matalakay ang puwang ng Filipino at Panitikan sa panahong digital at ang halaga, mga isyu, kagawian at estratehiya ng pananaliksik sa wika, at panitikang Filipino. Ang tema ngayong taon ay Mekus Mekus Mo na 'Yan: Ang Pagtitimpla ng Karanasang Pagtuturo-Pagkatuto sa Wika, Panitikan, at Pananaliksik sa Panahong Digital.

Kaugnay nito, hinihikayat ang mga iskolar sa wika, panitikan at kulturang Pilipino na magsumite ng papel pananaliksik na maaaring nakasulat sa wikang Filipino o Ingles sa mga paksang nasa ibaba, ngunit hindi limitado rito hangga’t tumutugon sa tema ng kumperensiya:



Mga Gabay sa Pagsumite ng Abstrak 

ng Pananaliksik


HULING ARAW NG PAGSUSUMITE:

MARSO 31, 2024