DRMD's Information, Education and Communication Materials
Pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD NCR) ang kahandaan ng mga kawani nito sa pagtugon sa sakuna sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Quick Response Team (QRT) Training, na layong ihanda ang mga personnel para sa mabilis, organisado, at makataong disaster response operations.
Ang naturang pagsasanay ay nakatuon sa pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan ng mga miyembro ng QRT na siyang unang rumeresponde sa mga emergency situations tulad ng lindol, baha, sunog, at iba pang kalamidad. Tinalakay sa training ang disaster risk reduction and management system, mga tungkulin at responsibilidad ng QRT, tamang deployment procedures, relief and camp management, at disaster reporting mechanisms gaya ng DROMIC.
Bahagi rin ng pagsasanay ang mga practical exercises at scenario-based discussions upang mas mapahusay ang koordinasyon, disiplina, at teamwork ng mga responders sa aktwal na operasyon sa field. Binibigyang-diin ng DSWD NCR ang kahalagahan ng maagap at maayos na pagtugon upang matiyak ang kaligtasan, dignidad, at kapakanan ng mga apektadong indibidwal at pamilya.
Ang QRT Training ay bahagi ng patuloy na commitment ng DSWD NCR na palakasin ang institutional readiness at suportahan ang national disaster response efforts, alinsunod sa mandato ng ahensya bilang pangunahing tagapaghatid ng social protection at humanitarian assistance sa panahon ng sakuna.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Ang DSWD Family Food Pack (FFP) ay tulong na ipinagkakaloob ng ahensya sa mga indibidwal at pamilyang naapektuhan ng kalamidad. Alamin kung anu-ano ang mga pangunahing laman nito na nakatutulong upang matugunan ang agarang pangangailangan sa panahon ng sakuna.
Naglalaman ito ng mga sumusunod:
- 6kg rice
- 2 cans of sardines
- 4 cans of tuna flakes
- 4 cans of corned beef
- 5 sachets of instant coffee
- 5 sachets of instant powder cereal drink
Gayunpaman, panawagan ng DSWD Field Office - NCR sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagre-repack, pagbenta, pagpapalit ng laman o paglalagay ng ibang label sa mga food pack na nagmula sa DSWD, base sa Section 19 ng Republic Act No. 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
Posibleng maharap sa kaso ang sinumang lalabag dito.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
The MMDRRMC has a contingency plan in place to prepare for and respond to high-intensity earthquakes in Metro Manila, particularly those reaching Intensity VII and above. The plan focuses on minimizing loss of life and ensuring a coordinated response through the activation of the Incident Command System and the MMDRRMC Emergency Operations Center, even amid possible communication disruptions. As part of the plan’s development and presentation, the DSWD National Capital Region – Disaster Response Management Division (DSWD NCR–DRMD) was tasked to craft and create the cover design of the contingency plan document.
During the first 72 hours following a major earthquake, priority is given to life-saving operations such as search and rescue, emergency medical response, fire suppression, and the conduct of rapid damage and needs assessments. As response operations continue, the plan provides for the establishment of evacuation centers and temporary shelters, the distribution of relief assistance, and the delivery of health and protection services, with special attention to vulnerable groups.
Early recovery efforts outlined in the plan include debris clearing, restoration of basic services, and emergency livelihood support. Continuous public information and risk communication are also emphasized to keep communities informed and prevent the spread of misinformation. Regular reviews, drills, and evaluations ensure that the contingency plan remains updated, responsive, and effective in strengthening Metro Manila’s resilience to high-intensity earthquakes.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Ang DSWD Field Office NCR – Disaster Response Management Division (DRMD) ay gumawa ng isang audio-visual presentation (avp) kung saan itatampok ang proseso ng pagre-repack ng mga Family Food Packs na ipinamamahagi ng Kagawaran sa 17-lokal na pamahalaan na sakop ng National Capital Region bilang suporta sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga taong lubos na nangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad o sakuna.
Ipinasilay naman ni DRMD Social Welfare Officer II, Ms. Kristel Anne Panganiban, ang ilang bahagi ng DSWD NCR Warehouse sa Chapel Road, Pasay City, na syang tumatayong repacking hub at imbakan ng Food and Non Food Items (FNFIs) ng DSWD Field Office NCR.
Makikita rin sa nasabing avp ang manual na pagre-repack ng mga Family Food Packs sa tulong ng mga volunteers ng Kagawaran. Mula sa mga raw materials, inihahanda ng mga volunteer ang bawat laman ng Family Food Packs sa apat na istasyon: paghahanda ng mga kahon; pagbabalot sa 6-kilo ng bigas; paglalagay sa kahon ng ni-repack na 6-kilo ng bigas 10-canned goods at 10-pakete ng coffee o cereal drink; at huli ang pag sealed sa mga kahon at paglagay nito sa storage area.
Nagbahagi naman ng kanilang mga personal na kuwento sina Ms. Edzel Camacho at Mr. Richard Orence patungkol sa kanilang karanasan bilang mga volunteers ng Kagawaran.
“Naranasan ko na din pong maging volunteer. Hindi madali ang pagiging isang volunteer dahil nandoon yung pagod – bilang volunteer masaya kaming nakatutulong sa Bayan”. – pahayag ni Ms. Edzel Camacho.
“Bilang staff ng DSWD, pilit kaming bumabangon para sa laban ng Bayan”. – sambit naman ni Mr. Richard Orence.
Ang mga pahayag na ito ng mga kawani ng Kagawaran ay sumasalamin sa kanilang adhikain na makapagbigay ng tapat,maagap, mapagkalinga at walang puwang na serbisyo sa bayan.
Kaya naman upang patuloy na maihatid ng Kagawaran ang mga mandato nito sa publiko, ay nakipag-ugnayan sina DSWD NCR Regional Director Vicente Gregorio B. Tomas at DRMD Head Bienvenido V. Barbosa, Jr. sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) NCR upang makausap si DPWH NCR Regional Director Eric A. Ayapana patungkol sa posibilidad na pagpapagawa ng isang warehouse na itatayo sa Chapel Road, Pasay City na syang gagamitin ng DSWD Field Office NCR. Ang nasabing ipapatayong warehouse ay magsisilbing imbakan ng mga Food and Non-Food Items (FNFIs) na ihahanda ng Kagawaran upang makapag hatid ng agarang suporta sa mga Lokal na Pamahalaan sa National Capital Region (NCR) lalo’t higit sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Sa kasalukuyan ay naihanda na ng Kagawaran katuwang ang DPWH-NCR ang unang draft ng Site Development Plan para sa pagpapatayo ng nasabing warehouse. Inaasahang sa susunod na taon (2022) ay masisimulan na ang pagpapagawa nito pagkatapos maihanda ang mga kinakailangang dokumento at pondo para dito.
Ang Kagawaran katuwang ang iba’t ibang sangay ng Pamahalaan ay patuloy na gagawa ng mga inisyatibong makatutulong sa paghahatid ng maagap at mapagkalingang serbisyo sa bawat Pilipino. ###
Maging maagap!
#HANDA ka na ba at ang iyong pamilya pagdating ng iba’t ibang uri ng kalamidad tulad ng BAHA, SUNOG, at LINDOL?
Ang DSWD Field Office NCR – Disaster Response Management Division ay nag #HANDA ng isang leaflet na naglalayong makapag-bigay ng dagdag kaalaman patungkol sa mga paghahanda na maaaring gawin ng isang indibiduwal o ng buong pamilya pagdating ng anumang kalamidad o sakuna.
Sa brochure na ito mababasa ang mga dapat gawin bago, habang nangyayari, at matapos mangyari ang isang kalamidad o sakuna.
Para sa kabuuang detalye, i-click lamang ang link na ito: https://bit.ly/3gsVjwD o i-scan lamang ang QR code na nasa larawan sa pag-access ng nasabing brochure.
Maaari ring i-download ang actual size at design ng leaflet sa link na ito: https://bit.ly/3ygWLbv
#DSWDMayMalasakit
DRMD MANUAL OF OPERATION 2019