"Kaya pa ba?"
Ang paboritong sagot ng maraming estudyante: "Okay lang 😌"
...kahit 6 performance tasks, 7 tests, tapos may recitation pa sa next subject 😭
Pero alam mo ba?
Sa Sikolohiyang Pilipino, may konsepto ng kapwa—makikita ito sa paraan ng pagmamalasakit natin sa isa't isa. Ibig sabihin, hindi mo kailangang dalhin ang lahat nang mag-isa. Hindi kahinaan ang humingi ng tulong. Minsan, ang pinakamalakas na tao ay yung marunong magsabi ng:
"Pwede mo ba akong samahan?"
"Pwede ba kitang makausap?"
"Medyo nahihirapan na ako."
Hindi kailangang laging "okay lang ako" ang sagot kung hindi naman talaga.
Ngayong Buwan ng Wika, gamitin natin ang ating mga salita hindi lang para sumagot sa recitation (o umiwas dito 😅), kung hindi para magbigay ng lakas sa isa't isa.
💚 Maging mabuting kapwa.
💚 Makinig nang walang panghuhusga.
💚 At laging tandaan: Hindi mo kailangang maging "strong independent student" 24/7!
Nandito ang School Counseling Office kung kailangan mo ng makakausap. Hindi man namin gagawin ang assignment mo para sa iyo...kaya ka naman naming samahan habang hinaharap mo ang mga hamon nito. 😊
#BuwanNgWika #SikolohiyangPilipino #Kapwa #DLSZSAFE #BeASPARK #TakeTheLEAD