EDITORYAL
EDITORYAL
Ang Pahayagang Plaridel
Higit sa mga aral na ipinauunawa sa loob ng silid-aralan, nasusukat ang tindig ng institusyon sa mga tinig na pinipili nitong bigyan ng puwang at sa mga kapangyarihang hinahayaan nitong managot.
Nitong Hulyo 30, binuksan ng Jesse M. Robredo Institute of Governance ng De La Salle University (DLSU) ang espasyo nito para sa Open Government Partnership: A Forum on Localization and the Role of Universities sa Natividad Fajardo–Rosario Gonzalez ng Br. Andrew Gonzalez Hall. Tampok sa programa si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla para talakayin ang lokal na pamamahala at papel ng mga pamantasan sa lipunan. Sa naturang forum, hinimok pa ni Remulla ang kabataan na kuwestiyunin ang pamahalaan at maningil ng pananagutan, at iginiit na kailangang marinig ang kanilang tinig upang magkaroon ng pagbabago.
Ang Pahayagang Plaridel
Hindi maikukubli ng anumang kinang ng mga natatanging personalidad ang masalimuot na kalakaran ng isang larong buhay, pangarap, at kinabukasan ang itinataya. Naglipana sa social media, telebisyon, at maski sa lansangan ang kaliwa’t kanang patalastas ng mga naglalakihang artistang ibinibida ang kani-kanilang ineendosong online gambling apps. Sa bawat post, sukbit nito ang mga paanyayang himukin ang masang Pilipino upang malasap ang tamis ng tagumpay nang daglian at walang kahirap-hirap.
CONTACT US
app@dlsu.edu.ph
(02) 524-4611 loc. 701
503 Bulwagang Br. Connon,
Pamantasang De La Salle,
2401 Taft Avenue, Maynila, PH