Address : MacArthur Highway, Brgy. Tikay, City of Malolos, Bulacan
School ID : 104882
Sa kasalukuyan, tayo ay nasa panahon ng pandemya. Sa mga nagaganap sa ating paligid na walang katiyakan, dapat tayo ay may kamalayan sa importansya ng pagiging konektado sa bawat isa. Sa katunayan, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng malakas na koneksyon sa aming komunidad sa paaralan ay mahalaga ang maitutulong upang maramdaman ng mga mag-aaral ang kaligtasan at pag-aaruga sa panahong ito.
Hinihikayat namin ang lahat ng miyembro ng pamilya na makipagtulungan sa aming paaralan at mga kaguruan patungkol sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Nauunawaan namin na maraming mga pamilya ang naapektuhan at naninibago sa New Normal na pamumuhay. Sa pagbabagong-kalagayan ng ating distance learning, kami ay nakikiusap na makipag-ugnayan kayo sa amin kung nakakaranas ng kahirapan sa pag-aaral ang inyong mga anak. Patuloy po kaming magbibigay serbisyo upang ipagpatuloy ang layunin ng aming Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd). "Education must continue." - DepEd Secretary Leonor Briones
Ang Paaralang Elementary ng Tikay ay naghahandog ng kumpletong basic education mula Kindergarten hanggang Grade 6. Sa kasalukuyan, ang aming paaralan ay may halos 800 estudyante, 24 guro at isang punongguro.