Alinsunod sa DepEd Order No. 47 s. 2014, Deped Order No. 11, s. 2016, at Deped Order No. 07, s, 2019 “School Calendar for 2020-2021” ang Tikay Elementary School ay isinagawa ang Supreme Pupil Government (SPG) Election for SY 2020 – 2021.
Noong ika-4 Pebrero, ang mga estudyanteng nais mapasama sa 2 partido: Partido Malaya at Partido Republika, ay nagpasa ng kanilang certificate of candidacy (COC). May isinagawang pagsusuri sa kanilang COC upang malaman at matiyak ang kagustuhan ng mga kakandidato para sa eleksyon ng SPG. Noong ika-7 ng Pebrero ay inanunsyo ang listahan ng ng mga kandidato.
Noong ika 10-12 ng Pebrero, ang campaign period ay nagsimula. Ang mga kandidato sa bawat partido ay nagpunta sa bawat sild-aralan para manghikayat ng mga estudyanteng boboto sa kanila mula sa ika-3 hanggang 6 na Baitang.
Noong ika-14 ng Pebero, inanunsiyo ang 14 na bagong halal na SPG officers SY 2020-2021. Nanumpa din sila noon ika-19 ng Pebrero.
Alinsunod sa DepEd Order No. 25, s. 2018, “School Calendar for School Year 2018 – 2019,” ang Tikay Elementary School ay isinagawa ang Supreme Pupil Government (SPG) Election para sa SY 2019 – 2020.
Noong ika-4 ng Pebrero, dalawang partido ang lumahok sa nasabing eleksyon: (1) Partido Malaya at (2) Partido Republika. Ang mga kakandidatong opisyal ng bawat partido ay layunin na maupo sa posisyon. Ang mga kandidatong estudyante ay nagpasa ng kanilang certificate of candidacy.
Ang pagsusuri ng certificate of candidacy (COC) ay inaalam ang kwalipikasyon ng mga estudyante na gustong maging kandidato. Ito ay isinasagawa upang tiyakin at suriin ang kagustuhan ng mga estudyante na maglingkod bilang opisyal ng SPG. Matapos suriin, inihayag na ang listahan ng mga kandidato sa bawat partido noong ika-8 ng Pebrero.
Noong ika-11-12 ng Pebrero, ang panahon ng kampanya ay isinagawa. Ang mga kandidato ay nagpunta sa bawat silid-aralan para ipakilala ang kanilang mga sarili sa mga estudyanteng botante mula sa ika-3 hanggang ika-6 na Baitang. Parehong partido ay hinikayat ang mga botante na suportahan at iboto sila sa paraan ng pagpapahayag ng kanilang mga plano sa hinaharap kung sakali sila ay manalo sa eleksyon.
Ang mga SPG officers SY 2018-2019 ay nagpunta sa bawat silid-aralan upang kolektahin ang mga balota ng mga estudyanteng botante sa paggabay at pagtulong ng mga guro. Nang matapos ang botohan, binilang ng mga dating SPG officers ang mga boto. Sa sumunod na araw ay ipinaskil ang bawat bilang ng mga boto ng mga kandidato. Lahat ng mga kandidato ng Partido republika ang nanalo sa eleksyon ng SPG.
Noong ika-19 ng Pebrero, ang mga bagong nahalal na opisyal na SPG para sa SY 2019 – 2020 ay ipinakilala at nanumpa sa kanilang mga responsibilidad at tungkulin sa paaralan.
Naisagawa ng matagumpay ang eleksyon ng SPG para sa SY 2019-2020 sa patnubay ng SPG school coordinator na si Gng. Natalia D. Valerio.