Ang Brigada Eskwela ‘19 na may temang “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan” ay isinagawa sa Paaralang Elementarya ng Tikay mula ika-20 hanggang 25 ng Mayo taong 2019 alinsunod sa DepEd Memorandum 36, s. 2019 (2019 Brigada Eskwela Implementation Guidelines) at Schools Schools Division Memorandum 107 s. 2019 (Schools Division Implementation of 2019 Brigada Eskwela).
Unang araw. Sa isinagawang kick-off ceremony sa paaralan na pinamunuan ng punongguro IV na si NOVA B. SANTIAGO EdD. Ayon sa kanya, “Ang Brigada Eskwela ay layunin na tipunin ang lahat ng mga education stakeholders na lumahok at mag-ambag ng kanilang oras at pagsisikap, mga kagamitan upang tulungan ang paaralan na maihanda ang mga pasilidad para sa pagbubukas ng klase sa ika-3 ng Hunyo." Ang mga opisyal ng Baranggay ng Tikay kasama ang Sangguniang Kabataan, General Parent-Teacher Association (PTA) officers, 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program), Department of Public Works and Highways (DPWH) Provincial Office of Bulacan, National Food Authority (NFA) Provincial Office of Bulacan, Philippine and Supreme Pupil Government Officers ay nangako at nag-alok ng suporta at tulong sa paaralan.
Ikalawa hanggang sa ikaanim na araw. Marami ang nagbigay ng donasyon at serbisyo sa paaralan mula pa nang magsimula ang Brigada Eskwela. Dahil sa pagkakaloob nila ng suporta, tulong at donasyon, binigyan ng mga Certificates of Appreciation o Recognition ang mga stakeholders para kilalanin ang mga tao sa aming komunidad na naglaan ng kanilang oras at pagsisikap at sa mga ibingay na kagamitan sa Brigada Eskwela ng paaralan.
Naging matagumpay ang Brigada Eskwela ’19 ng paaralan sa tulong mga kaguruan, komunidad at education stakeholders sa pamumuno ng punongguro ng eskwelahan at Brigada Eskwela Coordinator na Bonifacio D. Gonzales.