Isinagawa ang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2019 na may temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral sa bawat baitang. Ang bawat mag-aaral ay nagpakita ng talento ayon sa nasabing tema.
Ang programa ay naisagawa ng matagumpay sa paggabay ng mga guro at ng Filipino School Coordinator Bb. Joyce T. Villavicencio,
Isinagawa ang Pandistritong Tagisan ng Talento sa Filipino sa Paaralang Elementarya ng Tikay. Kalahok sa kumpetisyon ang limang paaralan sa distrito 3: CMIS-Catmon, Dakila ES, San Pablo ES, Santor ES at Tikay ES. Ipinakita ng mga mahuhusay na mag-aaral ang kanilang husay sa Madulang Pagkukuwento at SULKAS-TULA (Sulat Bigkas ng Tula).
Ang programa ay naisagawa ng matagumpay sa paggabay ng Pansangay na Pampurok (Virginia M. Divina) katuwang ang mga Pampaaralang Tagapag-ugnay sa Filipino at Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino na si Bb. Joyce T. Villavicencio.