Isinulat nina: Railey Bors Galang, Jamae Layug, John Raylan Malit, at Aaron Joshua Montemayor
Mga kababaihan at mga ginoo, mga iginagalang na panauhin, at mga kapwa manlalakbay, nakatayo ako sa harapan ninyo ngayon upang ibahagi sa inyo ang kuwentong Turismo. Magandang araw sa inyong lahat!
Turismo…. Sa inyong palagay ano nga ba ang turismo? Aking pinangungunahan na, isa ito sa mga tanawin na nilikha ng Poong Maykapal. Mga magagandang tanawin na matatagpuan sa iba’t ibang sulok ng ating bansa, ngunit ano nga ba ang nararapat nating gawin nang sa gayon ay pangalagaan, mapanatiling maganda, at kaaya-aya ang ating turismo? Ano nga ba ang magandang maidudulot nito sa mga estudyante na kinahihiligan ang propesyong turismo?
Bagamat maraming nahihirapan pagdating sa pagsasalita ng iba’t ibang wika, hindi ito hadlang upang hindi makamit ang propesyong turismo na ninanais ng mga estudyante. Ngunit, ang wika ay dulo lamang ng isang pagsubok at malaking bato ng yelo, nariyan din ang isyu ng mga pagkakaiba sa kultura. Ibig kong sabihin, sino ang nakakaalam na sa ilang bahagi ng mundo, ang personal na espasyo ay isang gawa-gawa lamang? Kung ako ay determinado sa propesyong turismo, hangad ko rin na ikaw ay determinado na makapasok sa mundo ng turismo. Sa kabila ng mga mabibigat na pagsubok, determinado pa rin akong subukin ang mundo ng turismo, Ibig kong sabihin, ano ang silbi ng paglalakbay kung hindi mo itataboy ang iyong sarili sa iyong comfort zone? Kaya, huminga ako ng malalim at pinapalakas ang aking sarili para sa magandang kinabukasan.
Simulan natin, isang propesyon ang kinahihiligan ng mga estudyante pagdating sa pagkuha ng kani-kanilang mga kurso na nais. Ang turismo ay isa sa mga kaakit-akit na industriya na patuloy na umuunlad sa loob ng maraming taon, na nakakahikayat sa mga tao na tuklasin ang mga bagong destinasyon o mga lugar at makaranas man ng iba't ibang kultura. Isa sa mga pangunahing dahilan ng pag-unlad ng turismo ay ang pag-unlad ng industriya, na nagdulot ng malaking tulong, isa na dito ang mga pagsulong sa transportasyon, na ginagawang mas madaling malakbay o mapuntahan ang mga destinasyon. Ito ay nagtapos o humantong sa pagtaas ng mga ambasador sa paglalakbay at mga manggagawa sa paglilibot, na tumutulong sa mga malalaking pangangailangan para sa paglalakbay sa paglilibang.
Ngunit paano nga ba natin masisiguro ang patuloy na tagumpay at pag-unlad sa industriyang ito? Ang sagot ay nasa edukasyon at pagsasanay. Upang magtagumpay sa turismo, kailangan ng malalim na kaalaman sa mga aspeto tulad ng pamamahala ng hospitality, serbisyo sa mga kustomer, pagpaplano ng mga kaganapan, at pag-unawa sa iba't ibang kultura. Ang mga paaralan at mga programa sa pagsasanay ay nagbibigay ng basehan sa mga praktikal na kaalaman na kinakailangan sa larangang ito. Bukod dito, ang mga internships at praktikal na pagsasanay ay tumutulong sa mga estudyante na magamit ang kanilang natutunan sa totoong mundo. Sa pamamagitan nito, nahuhubog ang mga magiging lider ng industriya na may sapat na kasanayan para sa epektibong pamamahala at mahusay na serbisyo. Ang edukasyon at pagsasanay ay tumutulong upang mapanatili ang mataas na kalidad ng serbisyo at ang patuloy na pag-unlad ng industriya ng turismo.
Sa makabuluhang modernong panahon, ang pagsulong sa teknolohiya at transportasyon ay nagbibigay-daan na ngayon upang makatulong na mapadali ang pagpunta ng mga tursita sa nais nilang lakbaying lugar o bansa. Hindi na hadlang ang paglalakbay para sa turista na gustong makarating sa kanilang destinasyon, kaya’t mas maraming tao ang nanghihikayat na maglakbay at maglibang sa kanilang buhay. Pansin niyo? Dahil dito, mas marami ang naging kumpanya ng turismo, ang lahat ng ito ay nagpapakita ng mas malaking pag-unlad sa turismo. Ito ay nagbibigay ng magandang oportunidad sa ekonomiya ng ating kinabibilangan, ito ay nagbibigay ng malaking kita, at nalalakbay ang mga iba’t ibang nakasanayang kultura at tradisyon. Ang turismo ay hindi lamang simpleng paglalakbay, ito ay isang malaking sektor para sa mga indibidwal na nais ang propesyong turismo.
Ang paraan na ating kailangan gawin upang mapanatili ang kagandahan at kaaya-aya ng turismo, ay una, kailangan natin panatilihin ang katahimikan. Ano nga ba ang tinutukoy kong katahimikan? Halimbawa na lamang kung wala tayong peace at order, paano na lamang ang mga pasaherong maglalakbay? Ipagpalagay niyo, maraming turista ang matatakot, dahil na lamang sa walang kaligtasan ang lugar. Pangalawa, kailangan din natin panatilihin na malinis ang ating kapaligiran, bakit nga ba natin kailangan gawin ito? Dahil walang dadayo na mga turista kung ang pasyalan ay madumi at hindi kaaya-aya.
Ang turismo ay may ginagampanang isang mahalagang gawain sa pagpapaunlad ng daigdig at ng mga kultura. Habang naglalakbay ang mga tao sa iba't ibang bahagi ng mundo, ay natanasan nila ang iba't ibang paraan ng pamumuhay, paniniwala, at tradisyon, na nagpapalawak ng kanilang mga pananaw o kaisipan, at nagpapaunlad ng paggalang sa isa't isa sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pagpili ng isang propesyon sa turismo, ang mga tao ay may pagkakataon na makapag-ambag sa daigdig, na bumubuo ng isang kaugnay-ugnay na mundo.
Marami mang pagsubok at kasawian ang ating mararanasan, ngunit sa kabila ng mga ito ay may magandang kahihinatnan. Dahil ang bawat hamon ay sulit para sa isang sandali kapag ang lahat ay nahuhulog sa magandang paglalakbay, at ito ay hindi lamang tungkol sa patutunguhan, ito ay tungkol mismo sa paglalakbay. Ang mga taong nakasalubong ko habang nasa daan, ang aking mga karanasan, at ang mga kuwentong kinokolekta ko—ito ay tungkol sa pag-aaral na angkop at pagiging bukas-isip; ito ay tungkol sa paghahanap ng kagandahan sa hindi inaasahan at paggawa ng mga alaala na magtatagal habang buhay.
Ika nga ng Eraserheads sa kantang Alapaap “Gusto mo bang sumama?”, kaya sa lahat ang aking kapwa manlalakbay, sumama kayo sa aking paglalakbay patungo sa magandang kinabukasan. Huwag hayaan ang mga hamon na humadlang sa iyo. Huwag hayaang takutin ka ng mga hadlang sa wika o pagkakaiba sa kultura. Dahil sa huli, sulit ang lahat para sa sandaling iyon na magkakasama ang lahat.
Mabuhay ang mga kapwa kong manlalakbay, Maraming Salamat!