Isinulat nina: Railey Bors Galang at John Raylan Malit
Ang turismo ay nagturo sa atin ng hindi lamang tungkol sa kasiyahan, kundi isang malaking bahagi ng ating ekonomiya sa bansa. Napagtanto ko din na ang kita sa propesyong turismo ay may negatibo at positibong epekto sa ating sektor, lalo na sa kalikasan at lokal na komunidad. Gayunpaman, mas mapapabilis na ang paglalakbay ng mga tao sa pamamagitan ng pag-unlad ng transportasyon. Kasunod nito, ang madali na sa mga tao ang makapaglakbay sa mga tanawin na kaakit-akit. Kaya ang turismo ay hindi lamang libangan kundi isang oportunidad para sa karamihan.
Ang pag-aaral ng turismo ay mukhang magtuturo sa akin ng bawat hakbang sa paglalakbay tulad na lamang ng pamamasyal sa iba’t-ibang kultura ng bansa. Sa aking pananaliksik tungkol sa turismo, natutunan kong respetuhin ang tradisyon ng mga lokal simbolo na lamang ng paggalang. Sa bawat lugar na aking sinaliksik, mas lumalalim ang aking pang-unawa pagdating sa propesyong aking nais makamtan. Bukod sa magaganda at kaaya ayang tanawin ang aking natatanaw sa pananaliksik, nakita ko rin ang kahalagahan ng paglalakbay sa isang lugar, bago pumunta rito. Kaya ang turismo ay naging daan upang maipahayag ang kaaya-ayang tanawin sa iba’t-ibang kultura.
Sa pagtatapos, ang pag-aaral ng turismo ay nagbigay sa akin ng malawak na kaalaman upang harapin ang paglalakbay balang araw. Natutunan ko na mas mahalaga ang paggalang sa iba’t-ibang kultura kapag ako’y maglalakbay na patungo sa magandang tanawin ng mundo. Sa pamamagitan ng turismo, natuto ang mga turismo na maging magalang at sensitibo sa mga kanilang nasasambit na salita. Kaya dito, nakita ko ang kahalagahan ng pag-uugali, pakikisama, at paggalang sa kung saan man ako magpuntang bansa ay dadalhin ko pa rin ang nakaugaliang yon.