Isinulat nina: Railey Bors Galang, Jamae Layug, John Raylan Malit at Aaron Joshua Montemayor
Ang industriya ng turismo ay isang pinakamahalaga sa industriya ng mga indibidwal na tao. Noong pandemya, ang COVID—19 ay nagkaroon ng malaking negatibong epekto para sa mga indibidwal na tao, kung saan ay bumagsak ang propesyong turismo sa kadahilanang maraming nawalang byahero at turismo. Sa kabila naman ng mga pagsubok at karanasan na nangyari sa turismo, patuloy pa din itong nagpalaganap ng maganda at positibong pangyayari sa internasyonal na industriya. Sa ating susunod na henerasyon pa, napakalahaga ng mas maraming tumahak para sa propesyong turismo. Sa kabilang banda, napakalaking pag-unlad nito sa ekonomiya at bansa. Higit pa rito, mas maipapakita natin ang kultura ng Pilipino sa iba’t ibang sektor ng bansa. Ang COVID-19 ay nagkaroon ng malaking epekto sa industriya ng turismo sa buong mundo. Ang mga paghihigpit sa paglalakbay, pagkakaroon ng lockdown, at mga sakit sa kalusugan ay humantong sa isang matinding pagbaba sa larangan ng turismo, na nagreresulta ng napakalaking pagkalugi ng kita para sa mga negosyo at kawalan ng trabaho para sa maraming manggagawa sa industriya. Ang industriya ay hindi handa para sa biglaang hinding pangkaraniwang pandemya, na ipinaranas ang matinding pangangailangan para sa nagaganap na krisis at pagiging handa sa ano mang sitwasyon na maaring mangyari.
Gayunpaman, ang industriya ng turismo ay nakaranas ng malalaking pagbabago, bilang resulta noong panahon ng COVID-19, ang mga pagbabagong makakaapekto sa pag-unlad ng industriya sa hinaharap. Ang industriya ng turismo ay dumadaan sa panahon ng pagbabago at pagsasaayos. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga aral o kaalaman mula sa mga pangyayari at problema na dulot ng pandemya, ang industriya ng turismo ay nagkaroon ng pagkakataon upang maging mas malakas, mas matatag, at mas dumami ang kanilang kaalaman sa mga iba’t ibang pangyayari na maaring maganap sa kani-kanilang industriya. Ang pagtutulungan ng mga tao ay mahalaga sa pagkamit ng hinaharap para sa industriya ng turismo na maging responsable, malikhain, at maging matalino sa mga pangyayari na nagaganap sa ating bansa. Ang Turismo ay tumutukoy sa paglalakbay ng mga tao sa iba't-ibang lugar upang masaksihan ang iba’t ibang parte ng mundo. Ito rin ay para makapaglibang, makapag-aral, o makapagnegosyo ang mga tao. Napakaraming aktibidad na ginagawa sa turismo na talaga namang nanghihikayat sa mga turista. Ito rin ay isang malaking bahagi hindi lang ng ekonomiya ng ating bansa, pati na rin ng mga karatig bansa. Kung pagmamasdan ng mga indibidwal na tao ang sitwasyon ng turismo ngayon sa industriya, napakaraming pagbabago ang naganap sa mga nakaraang taon. Una na rito ang epekto ng pag-unlad ng teknolohiya. Kung noon ay kinakailangan pang pumunta sa mga ahensya, ngayon maaari nang magpa-book ng flight o hotel sa pamamagitan lamang ng internet at gadyets. Bilang resulta nito, napakadali na lamang ng proseso sa paglalakbay. Ngunit maliban sa mga magagandang epekto nito ay mayroon din namang ikinakaharap na mga suliranin ang pagbabago nito sa industriya. Tulad na lamang noong nagkaroon ng pandemya, maraming bansa ang nagsara ng mga byahe bilang pag-iingat sa kumakalat na sakit.
Sa negosyo na naging kaugnay ng turismo, marami ang bumagsak dahil sa pagbaba ng bilang ng mga turista. Ngayong bumalik na sa normal ang lahat, unti-unti nang nakakabangon ang propesyong turismo. Isa pang suliranin ay ang dami ng turistang pumupunta sa isang tiyak na lugar. Dahil nga dito ay umuunlad ang lugar, lumalago ang ekonomiya, at nabibigyan ng trabaho ang mga tao. Ngunit sa kabila nito, naapektuhan nito ang kalikasan ng lugar. Napakalawak ng propesyong ito, alam naman ng mga indibidwal na hindi lahat ng tao ay sumusunod sa batas pangkapaligiran at ang ilan pa rito ay walang pakealam kung kaya't nawawala ang natural na ganda ng lugar. Isang halimbawa nito ay ang nangyari noon sa Manila Bay. Ayon sa mga nabanggit, ang naging pagbabago ng Turismo ngayon sa industriya ay pinaghalong mabuti at maganda.
Upang maipagpatuloy ang magagandang pagbabago ng Turismo sa industriya ngayon, may ilang mga solusyon o hakbang ang maaaring gawin. Laging tatandaan na malaki ang kontribusyon ng Turismo sa ekonomiya at kasaysayan ng ating bansa. Sa kabilang banda, narito ang ebidensiya na aming nakalap kaugnay sa propesyong turismo, ayon sa aming nakalap na ebidensiya tungkol sa turismo, ang pandemya ng COVID-19 ay nagdulot ng mga makabuluhang pagbabago sa industriya ng turismo, ngunit nagpakita rin ito ng mga pagkakataon para sa paglago at pag-unlad. Upang matiyak ang patuloy na tagumpay ng industriya, mahalagang magpatibay ng mga napapanatiling kasanayan, mamuhunan sa teknolohiya, at unahin ang kapakanan ng kapwa turista at lokal na komunidad. Bilang konklusyon, ang turismo ay isa sa mga pinaka-apektadong sektor ng pandemya, ngunit nagpakita ito ng kakayahang bumangon. Nagbago ang industriya, lalo na sa paggamit ng teknolohiya, na nagpadali ng paglalakbay ngunit nagdulot din ng ilang problema. Maraming lugar ang naapektuhan dahil sa sobrang dami ng turista, na nagdulot ng pinsala sa kalikasan. Mahalaga na magpatupad ng mga hakbang para mapanatili ang balanse sa pagitan ng pag-unlad at pangangalaga sa kalikasan. Sa kabila ng mga hamon, nananatiling mahalaga ang turismo sa ekonomiya at kultura ng bansa.