Abstrak
Ang Tinta: Talino at Karunungan sa Pagkatuto ay isang e-portfolio na binuo sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang. Layunin nitong magbigay ng gabay at inspirasyon para sa mga mambabasa at naghahangad ng propesyong turismo. Sa pamamagitan ng e-portfolio na ito maipapakita ng mga manunulat ang kanilang angking iba’t-ibang uri ng proyekto na magpapaunlad ng kanilang karunungan sa pagkatuto sa paggawa. Una, mayroon itong seksyon para sa “Lakbay—Alam” na nangangahulugang sa turismo ang tuon sa pag-aaral o sa edukasyonal na paglalakbay. Kasunod naman nito ay ang “talumpati” isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na nagpapabatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Ang “Likhang—Lakad Sanaysay” naman ay naglalarawan ng mga destinasyon o aktibidad pang turismo na resulta sa malikhaing lugar ng turista. Kasunod naman nito ay ang “Usapang Turismo” na tumutukoy sa diskusyon o mga pananaw tungkol sa napapanahong isyu na may kaugnayan sa turismo. Sa huli, mayroong seksyon para sa “Bionote” na naglalarawan sa buhay ng isang manunulat at nagbibigay ng impormasyon hinggil sa kanilang mga nagawa ng sulatin. Layunin ng “Tinta” na magbigay inspirasyon sa mga mambabasa na magpatuloy sakanilang sariling paglalakbay ng kaalaman at pagtuturo sa nais nilang makamit na propesyong turismo.