Tagumpay, gusto ko ng tagumpay…

 

     Masilaw na! Masilaw na ang sikat ng araw. Handa na ba ako para sa naghihintay na tagumpay sa akin? Hays! Ito na…

 

     Nagagalak akong matutunan ang mga bagong leksyon na aking matutunghayan sa pag-aaral ko sa sekondarya. Nakakapanibago… nakakapanibago lahat. Ito na ba ang simula ng mas mahirap kong laban sa pag-aaral?

 

     Mga tanong ay nabubuo na sa aking isipan. Tagumpay at pangarap, maaabot ko kaya? Mga bituin sa langit, kaya ko kaya? Unang araw pa lang ay alam ko nang magiging mahirap ito ngunit nasa aking bokabularyo ang hindi pagsuko sa anumang laban na aking mararanasan.

 

     Tagumpay na makapagtapos… mga tagumpay na nais makamit sa kinabukasan. Saya… hirap… pagod… lahat ay aking nararanasan. Ngunit may pangarap ako… pangarap na makamit ang lahat na gustong maabot.

 

     Nakakahingal, nakakapagod, nakakastress. Napakahirap! Nahihirapan na ako, napapagod na ako. Nakakahingal ang laban para sa kinabukasan. Malalagpasan ko pa ba mga ito?

        

     Pangarap! Ako ay nangangarap… ang aking mga pangarap ay hindi lamang para sa aking sarili. Mga pangarap na ito’y para sa aking magulang, sa aking mga kapatid at sa aking bayan. Ako’y isang mag-aaral na may pangarap para sa kinabukasan.

 

     “Mga kabataan ang pag-asa ng bayan,”

 

     Oo! Ikaw, ako’t tayo ang pag-asa ng bayan. Mangarap tayong lahat, mga kapwa mag-aaral. Mahirap man ang buhay, nakakapagod man ang pag-aaral ngunit dapat natin isaisip na tayo’y naghahangad ng maginhawang pamumuhay. Mangarap ka lang, kapatid!