kuhang larawan ni Crisosotomo Ibarra
kuhang larawan ni Crisosotomo Ibarra
Matapos ang dalawang taong pagpapahinga sa larangan ng Isports at kabilaang kanselasyon ng Nasyonal at Internasyonal Events dahil sa COVID-19, umusbong muli ang mga kabataang Atleta sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa ginanap na Sultan Kudarat Athletic Association (SKAA) noong Marso 16 hanggang 19, taong 2023.
Nagtulong-tulong ang mga Punong Guro ng bawat paaralan sa lalawigan ng Sultan Kudarat upang matagumpay na maisagawa ang SKAA Meet 2023, hinati sa limang yunit ang mga Atleta upang mas mabilis na makilala ang mga Bayan na kabilang.
Lubos naman ang sayang naramdaman ng Ikalawang Yunit na kinabibilangan ng bayan ng Isulan at Esperanza nang itanghal sila bilang Overall Champion sa parehong taon.
Malaki man ang naging epekto ng COVID-19 sa larangan ng pampalakasan at naging rason upang matigil ang pagsasagawa ng maraming patimpalak sa bansa lalong-lalo na ang mga Isports Events, ngunit hindi ito naging hadlang sa mga kabataang Atleta na tumigil para sa kanilang pangarap.