Iginuhit ni Crisostomo Ibarra
Iginuhit ni Crisostomo Ibarra
a e i o u…
Marami na ang bilang ng mga mag-aaral sa sekondarya ang nahihirapan pa rin magbasa. Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi di na bilang sa daliri ang dami nila. Malaking suliranin na ito sa sektor ng edukasyon mula pa noon. Hindi lang sektor ng edukasyon ang nagkakaroon ng malaking problema pagdating sa suliraning ito, kundi mismo ang buhay ng isang mag-aaral na kabilang dito.
Noong dumating ang pandemya, mas lalong lumaki ang porsyento ng mga batang nasa sekondarya ang hindi marunong magbasa. Natuklasan naman ng Kagawaran ng Edukasyon ang epekto nito sa pag-aaral ng isang estudyante. Ayon sa Bise Presidente at DepEd Sec. Sara Duterte, walumpu’t isang porsyento (81%) ng mga mag-aaral bansa ang may problema sa pagbasa at pag-unawa sa mga simpleng teksto. Sa mga pananaliksik, pitumput-walong porsyento (78%) ang may problema sa pag-unawa ng mga leksiyon sa Agham.
Ang mga statistikal na ito ay nagpapakita na ang pagbabasa ay nagbibigay ng malaking tulong sa pag-aaral ng isang Pilipinong mag-aaral. Marami nang paraan ang ginawa ng gobyerno upang masolusyunan ang suliraning ito. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi pa rin nawawala ang mga mag-aaral na may problema sa pagbabasa.
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay gumagawa na ng mga paraan upang matulungan ang mga mag-aaral na may problema sa pagbabasa. Ang Developmental Reading ay isa sa mga programmang itinayo ng Kagawaran ng Edukasyon upang matulungan ang mga mag-aaral na nahihirapan magbasa. Layunin ng programmang ito ay upang makapagbigay ng tulong sa mga mag-aaral na nahihirapan magbasa.
Mga programmang katulad ng Developmental Reading ay dapat itatag, hindi lang sa mga paaralan kundi pati na rin sa mga learning centers. Mga programmang ganito ay makakatulong upang mapagaan ang suliraning nakapatong sa balikat ng sektor ng edukasyon sa Pilipinas. Ang pagbabasa ay pag-asa, hawak nito ang susi sa tagumpay sa pag-aaral. Ating tulungan ang mga Pilipinong mag-aaral. Ani nga ni Jose Rizal, ang mga kabataan ay pag-asa ng bayan at kaya, ang pagbabasa ay ating pag-asa.