PROJECT REAL
The project REAL aims to develop students reading and comprehension skills. This is shaped and planned by the English Department teachers and assisted by English Club officers, Library Club officers and some volunteers from higher levels. The project REAL stands for Reading Empowerment for Assisted Learning. The project supported students to present themselves in front of the class actively and prepared them to higher demand of education in the near future.
BAWAT BATA BUMABASA
Ang pangkalahatang layunin ng proyektong ito ay ang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa partikular na ang mga nasa antas ng kabiguan at pampagkatuto.
Mga tiyak na layunin:
1. Magabayan ang mga mag-aaral sa pagbasa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga interbensyon
2. Mahikayat ang mag-aaral na bumasa
3. Mataya ang pagkatuto at kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa
(Ang larawan sa kaliwang bahagi ay ang balangkas ng programa.)
Sa datos, ang kabuuang bilang ng babae sa baitang 7 ay 381, at 11 sa mga ito ay hindi kumuha ng pagtataya. Mayroon namang 412 na lalaki sa baitang 7 at 21 dito ang hindi kumuha ng pagtataya. Sa kabuuan, sa 793 na mag-aaral sa ika-7 baitang, 32 ang hindi kumuha ng pagtataya.
Sa antas ng pagbasa/pag-unawa, 9% ang may kabiguan, 44% ay pampagkatuto, at 47% ang malaya.
Sa antas sa pagkilala ng salita, 2% ang may kabiguan, 9% ay pampagkatuto, at 89% ang malaya.
Mula sa resultang ito, natukoy ang mga mag-aaral na kailangang sumailalim sa programa ng pagbasa.
Sa pangwakas na pagtataya, ang kabuuang bilang ng babae sa baitang 7 ay 371, at 15 sa mga ito ay hindi kumuha ng pagtataya. Mayroon namang 402 na lalaki sa baitang 7 at 46 dito ang hindi kumuha ng pagtataya. Sa kabuuan, sa 773 na mag-aaral sa ika-7 baitang, 61 ang hindi kumuha ng pagtataya.
Sa antas ng pagbasa/pag-unawa, 1% ang may kabiguan, 17% ay pampagkatuto, at 82% ang malaya. Sa datos makikita na tumaas ang porsyento ng mag-aaral na malaya sa antas ng pagbasa/pag-unawa.
Sa antas sa pagkilala ng salita, 2% ang may kabiguan, 12% ay pampagkatuto, at 86% ang malaya. Sa datos makikita na nanatili sa dalawang porsyento ang bilang ng mag-aaral na may kabiguan sa pagkilala ng salita, habang bahagyang nabawasan ang bilang ng mag-aaral na malaya sa antas ng pagkilala sa salita.
Inaasahan ang patuloy na pagpapaunlad na gawain hanggang sa mga susunod na baitang.