Ang Buwan ng Wika ay taunang ginugunita upang ipaalala sa ating mga Pilipino ang kahalagahan ng wikang humuhubog sa ating lahi o kultura. Sa taong ito, sa kabila ng pagharap natin sa maraming pambansang suliranin bunsod ng Covid-19 pandemya ay hindi pa rin natin kinakaligtaang bigyang pugay ang ating wika. Sa pamamagitan nito, naipakikita ang tunay na identidad at pagkakaisa bilang isang sambayanang patuloy na nagpupunyagi upang maging isang maunlad na bansa.
Alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997, na nagpapahayagng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31, ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Lauis sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino ay nakikiisa sa pagdiriwang nito. Ang tema ng pagdiriwang ay “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”.
Ang pagdiriwang ay mula Agosto 1-31, 2021 at isasagawa ng birtwal o online sa aming Opisyal na FB Page Link: Lauis National High School Page at sa aming YouTube Channel: bit.ly/LauisNHSYTChannel
Ang mga gawain/paligsahan ay bukas para sa lahat ng mga guro at mag-aaral na lumahok at makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagpapakita ng angking talino at talento sa mga sumusunod na gawain.
1. Paggawa ng Poster
Tema: Wikang Katutubo: Tanghalan ng Yaman at Kalinangang Katutubo
Mekaniks:
A. Ang kailangan ay isang A4 na coupon bond at anumang uri ng coloring materials para bigyang kulay ang obra.
B. Kuhanan ang iyong sariling likha(poster) at isang larawan na hawak ang iyong obra (upang patunay na ikaw ang lumikha nito)
C. Ipasa ang iyong gawa sa pamamagitan ng pribadong mensahe (private message/PM) sa facebook ng iyong gurong tagapayo o guro sa Filipino.
Pamantayan sa Gagawing Paghuhusga
Kraytirya Puntos
Kaugnayan sa Paksa 40%
Kalinisan 20%
Orihinalidad 20%
Kaangkupan ng Kulay 20%
Kabuuan 100%
2. Paggawa ng Islogan
Tema: Mga Wikang Katutubo sa Pagbuo ng Pambansang Panitikan
Mekaniks:
A. Ang mga gagamitin ay isang A4 coupon bond, lapis at pentelpen/marker.
B. Ang islogan ay bubuuin ng 20 salita na hindi kasali ang mga kataga ( sa, ba, kasi, kaya, na, daw/raw, din/rin, naman, yata, pala, nga, lang, man, muna, pa, ang, mga)
C. Ipasa ang iyong gawa sa pamamagitan ng pribadong mensahe (private message/PM) sa facebook ng iyong gurong tagapayo o guro sa Filipino.
Pamantayan sa Gagawing Paghuhusga
Kraytirya Puntos
Masining na Panghamon 20%
Kaugnayan sa tema 30%
Pagkakatugma-tugma 15%
Bilang ng mga salita 10%
Orihinalidad 25 %
Kabuuan 100%
3. Paglikha at Pagbigkas ng Tula (Spoken Poetry)
Tema: Wikang Katutubo: Wika ng Lahi, Wika ng mga Bayani
Mekaniks:
A. Ang kalahok ang gagawa/susulat ng tula.
B. Hindi bababa sa tatlong minuto (3mins) at hindi naman lalampas sa limang minute (5mins) ang pagtutula.
C. Ang kalahok ay nakasuot ng katutubong kasuotan
D. Ang pagtula ay ibibidyu at ipapadala sa pribadong mensahe (private message/PM)
sa facebook ng iyong gurong tagapayo o guro sa Filipino.
Pamantayan sa Gagawing Paghuhusga
Kraytirya Puntos
Piyesa ng Tula/Orihinalidad 25%
Pagkasaulo 20%
Dating sa Madla 15%
Bigkas at Tinig 20%
Kumpas at Ekspresyon ng Mukha 20%
Kabuuan 100%
4. MAGLALATIK-TOK
Tema: Wikang Filipino: Bigkis ng Magkakalayong Pulo
Mekaniks
A. Lumikha ng isang sayaw sa pamamagitan ng TIKTOK na aangkupan ng isang katutubong musika o awiting Pilipino.
B. Maaring isahan o pangkatan ang pagsayaw.
C.Ang pagsayaw ay ibibidyu at ipapadala sa pribadong mensahe (private message/PM) sa facebook ng iyong gurong tagapayo o guro sa Filipino.
Pamantayan sa Gagawing Paghuhusga
Kraytirya Puntos
Interpretasyon (indayog) 60%
Hikayat(Damdamin/emosyon) 20%
Sangkap Teknikal 15%
Dating sa Madla 5%
Kabuuan 100%
Iba pang Panuntunan
1. Ang lahat ng entry ay dadaan sa pre-screening bago ito ipo-post sa opisyal na facebook page ng Lauis National High School kung saan magaganap ang ikalawang yugto ng paligsahan.
2. Ang mga mapipiling kalahok/entry ay magpaparamihan ng reaksyon (like/heart) sa facebook.
3. Ang pinal na iskor ng mga magsisipagwagi ay mula sa 70% ng Facebook reaction at 30% mula naman sa inampalan.
4. Ang mga mananalo ay iaanunsyo sa Agosto 31, 2021 live sa facebook page ng Lauis National High School.
5. Tandaan na sa lahat ng timpalak na nabanggit, ang disisyon ng inampalan ay pinal at hindi na mapasusubalian pa ng kung sino man,
6. Huling pasahan ng Entry ay hanggang Agosto 26, 2021.
Mga tapapagtaguyod ng programa:
MARITES M. MERCED
Koordineytor sa Filipino
DONALYN M. MAQUIO LEIZL E. ECALNIR JAMIE A. DE GUZMAN
Guro sa Filipino Guro sa Filipino Guro sa Filipino