Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) bahagi ng K to 12 curriculum na gagabay at huhubog sa mga kabataan ang tunguhin o outcome ng pag-aaral sa batayang edukasyon ay ang panlahatang pag-unlad taglay ang mga kasanayan sa ika–dalawampu’t isang siglo. Kabataang nagpapasya at kumikilos nang may pananagutan tungo sa kabutihang panlahat, lilinangin at pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral.
1. Pag-unawa. Mahalagang maipamalas niya ang kakayahang mahinuha ang mga konsepto at prinsipyong nagbibigay-paLiwanag sa sariling karanasan, mga sitwasyong namasid, sinuri at pinagnilayan gamit ang obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.
2. Pagninilay. Sa gitna ng mabilis na daloy ng impormasyon at ingay ng kapaligiran, kailangang mag-ukol ng panahon ang mag-aaral sa maingat at malalim na pag-iisip sa mga sitwasyong naobserbahan at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay.
3. Pagsangguni. Kailangang humingi siya ng payo o gabay sa mga taong may higit na kaalaman o kasanayan sa moral na pamumuhay at marunong magsala (weigh) ng mga impormasyong mula sa iba’t ibang uri ng media batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.
4. Pagpapasiya. Kailangang matuto siyang bumuo ng sariling posisyon, paniniwala, paninindigan o kilos na isasagawa batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.
5. Pagkilos. Mahalagang mailapat niya ang konsepto o prinsipyong nahinuha mula sa mga konkretong sitwasyon ng buhay at maipakita ang kahandaang isabuhay ang mga mabuting ugali (virtues) na natutuhan batay sa obhektibong pamantayan ng moral na pamumuhay.
GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT (GMRC)
MATATAG CURRICULUM
Ang Good Manners and Right Conduct at Values Education (GMRC at VE) ay isang pangunahing asignatura (core subject) sa Programa ng Batayang Edukasyon ng K to 12 ayon sa Republic Act No. 11476, ang GMRC and Values Education Act. Ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) o Kabutihang Asal at Wastong Pag-uugali ay tumutukoy sa tiyak at partikular na tinatanggap na mga batayang panlipunang pagpapahalaga, etiketa, at/ o tamang paraan ng pag-uugali na nagpapahayag ng paggalang sa mga taong nakakasalamuha. Samantalang ang Values Education (VE) o Edukasyon sa Pagpapahalaga ay tumutukoy sa proseso na nagbibigay ng pag-internalisa ng mga pagpapahalaga sa mga kabataan na naglalayong matuto ang mga mag-aaral ng mga etikal na saligan ng mga prinsipyo, kasama ang kakayahang kumilos batay sa mga prinsipyong ito, at ang napatibay na disposisyon na gawin ito.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isa sa mga asignatura ng Pinaunlad na Programa ng Batayang Edukasyon na K to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Tunguhin nito ang paghubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan ito na lilinangin at pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral. Upang maipamalas ito, kailangang magtaglay siya ng limang pangunahing kakayahan (macro skills): pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos.
Project PAMANA stands for Promoting Authenticity and Morality through Activities that Nurture and Appreciate Filipino culture and values.
The aim of Project PAMANA is to promote and uphold the authenticity of Filipino culture and values by engaging in activities that nurture a deep appreciation for our rich heritage. Through various programs and initiatives, Project PAMANA seeks to inspire a sense of pride and responsibility in preserving and passing on Filipino traditions, while fostering moral growth and community unity.
YORAIDYL I. LENON
Teacher III
JENNIFER C. ABDON
Teacher III
MYRNA A. ZARA
Teacher III
MICHELLE M. MALALUAN
Teacher II
MARIZA G. ESCABEL
Teacher I
SHEKINAH B. BREIZ
Teacher I
RINE ROSE E. VELASCO
Teacher I
MARIFE R. ESPINA
Master Teacher- I
EDNA E. FALCUNITIN
Principal I
Erickson T. Gutierrez Ed.D
School District Supervisor
Dr. Ma. Leticia Jose Basilan
Education Program Supervisor- ESP/HGP/ CGP
Mhalou B. Escala
ESP District Coordinator