Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa/ narinig, napanood na programang pantelebisyon
at nabasa sa internet
Nakasusuri ng mabuti at dimabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood
Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral tulad ng pakikinig, pakikilahok sa pangkatang gawain, pakikipagtalakayan, pagtatanong, paggawa ng proyekto (gamit ang anumang technology tools), paggawa ng takdang-aralin at pagtuturo sa iba
Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan
Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain
Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling opinyon/ideya at saloobin tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan.
Hal. Suliranin sa paaralan at pamayanan
Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa kalooban gaya ng pagkuha ng pag-aari ng iba, pangongopya sa oras ng pagsusulit, pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya, at iba pa