Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kayang tulong para sa nangangailangan tulad ng biktima ng kalamidad at pagbibigay ng babala/impormasyon kung may bagyo, baha, sunog, lindol at iba pa.
Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa kaguluhan, at iba pa (pagmamalasakit sa kapwa na sinasaktan / kinukutya / binubully
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa pamamagitan ng mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan paggalang sa natatanging kaugalian/paniniwala ng mga katutubo at dayuhang kakaiba sa kinagisnan
Nakabubuo at nakapagpapahayag nang may paggalang sa anumang ideya/opinion
Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa
Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba
Nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang layunin ay pakikipagkaibigan
Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan