Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino
a. nakikisama sa kapwa Pilipino
b. tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong
c. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang multimedia o teknolohiya. Napapanatili ang pagkamabuting mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pakikilahok.
Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasya para sa kaligtasan.
Hal:
4.1. paalala para sa mga panoorin at babasahin
4.2. pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalaala kung may kalamidad
1. Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran
a. pagiging mapanagutan
b. pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran
2. Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang pangangailangan
a. pagiging vigilant o mapanuri sa mga illegal na gawaing nakasisira sa kapaligiran
Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan
a. paggalang sa karapatang pantao
b. paggalang sa opinyon ng iba
c. paggalang sa ideya ng iba
Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas para sa kabutihan ng lahat.
a. pangkalinisan
b. pangkaligtasan
c. pangkalusugan
d. pangkapayapaan
e. pangkalikasan
Nakakagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t ibang multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan
Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig