Ugaliing isara ang mga appliances at ilaw pagkatapos gamitin. Magsaliksik at gumamit ng mga energy-efficient na kagamitan tulad ng LED bulbs. Panatalihin sa maayos na kalagayan ang mga kagamitan upang maiwasan ang maksayang pagkonsumo ng enerhiya.
Ugaliing mag segregate ng mga basura. Ihiwalay ang maari pang i-recycle o pakinabangang muli. Sa tuwing mamimili, gumamit ng mga recyclable na sisidlan.
Siguraduhing nakasara at maayos ang lahat ng daluyan ng tubig. Isara muna ang gripo sa tuwing naglalagay pa lamang ng toothpaste, nagkukuskos ng mukha, o naglalagay ng sabon sa kamay.
Lumahok sa mga tree planting activities. Magtanim ng mga halaman sa inyong bakuran.
Hanggat maaari, iwasan ang paggamit ng pribadong sasakyan upang makabawas sa carbon emission at mapanatili ang malinis na hangin. Maaring gumamit ng bisikleta.
Makakabawas sa transportasyon ng mga produkto kung ang mga lokal na mamayayan ay tatangkilik sa mga lokal na produkto nito. Ang pagsuporta sa mga ito ay higit na makakatulong ito sa ekonomoya ng lokal na kumunidad.
Magsaliksik at makilahok sa mga symposium at iba pang environmental acitivites. Ibahagi sa iyong kamag-aral ang mga natutunan sa pagpapahalaga sa kalikasan.
Sagutin ang post test sa ibaba upang subukan ang iyong pag-unawa sa paksa.
Kung nagkakaroon ng problema sa pag-access ng form, maaring gamitin ang link na ito.