Mga katangian ng isang taong Makabansa
Mga katangian ng isang taong Makabansa
Nagpapakita ng magandang ugnayan sa ating bayan sa pamamagitan ng positibong pananaw sa pagsisikap na magkaroon ng malalim na partisipasyon sa pag-unlad ng ating bansa.
Humihinto at inilalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at kumakanta ng pambansang awit ng ating bansa. Sa ganitong aksyon ay maipapakita natin ang ating pagmamahal sa ating bansa.
Aktibong partisipasyon sa mga gawain ng bayan tulad ng paglilinis ng kapaligiran, pagboto sa eleksyon at iba pang mga proyekto ng pamahalaan.
Pagtangkilik sa 'Gawang Pinoy', pagbili ng mga produkto at pagsuporta sa ma lokal na negosyo.
Binibigyang halaga ang pagtulong sa ating pamayanan sa pamamagitan ng paglahok sa mga proyekto na magagamit sa ikagaganda at ika-uunlad ng ating bansa.
Masusing binabalikan ang kasaysayan batay sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian. Inaaral ang implikasyon ng mga kaganapan noon sa mga kasalukuyan at sa hinaharap. Inaalala ang mga bayani at mga ambag nila sa lipunan.
Sinusunod ang batas at mga regulasyon ng pamahalaan at mga tungkulin bilang isang mamayang Pilipino
Pagiging mapanuri at inaalam ang katotohanan sa mga napapanahong isyu ng lipunan.