Mga pamamaraan upang mapalago ang pagiging Maka-Diyos.
Mga pamamaraan upang mapalago ang pagiging Maka-Diyos.
Mahalagang maglaan ng panahon para sa pananalangin upang mas lalong mapalapit sa Diyos. Gawin ang panalangin sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang kadakilaan, paghingi ng tawad sa mga maling gawain, at pagpapasalamat sa lahat ng biyaya na iyong natatanggap.
Isa sa pinaka mainam na paraan upang mapalalim ang iyong pananampalataya at debosyon ay ang pag-aaral ng doktrina. Humanap ng mentor o tagapayo upang magabayan ka sa iyong pag-aaral.
Bukod sa pag-babasa ng doktrina, maaring makilahok sa mga gawain ng simbahan upang mas lalong mapalalim ang pananampalataya. Sa pakikilahok, nag kakaroon din tayo ng pagkakataon na makihalubilo at makatulong sa iba.
Sa alin mang gawain, sa bahay man o sa paaralan, palaging isa-buhay ang katapatan. Umiwas sa mga kasalanan at maging mabuting halimbawa sa iba.
Ang pagtulong sa mga nangangailangan at ang paggawa ng mabuting gawa ay nagpapakita ng pagiging maka-Diyos. Sikaping makapag palaganap ng kabutihan sa mundo.
Sagutin ang post test sa ibaba upang subukan ang iyong pag-unawa sa paksa.
Kung nagkakaroon ng problema sa pag-access ng form, maaring gamitin ang link na ito.