Matipid sa paggamit ng kuryente at iba pang enerhiya na hindi galing sa mga renewable resources tulad ng solar at wind power.
Pinapanatili ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran. Sumusunod sa mga patakaran sa wastong pangangasiwa ng basura.
Nagpapahalaga sa maayos na pag konsumo ng malinis na tubig. Nakikilahok sa mga gawain na naglalayon na mapanatili ang malinis at sapat na suplay ng tubig.
Tinatangkilik ang mga lokal na produckto tulad ng mga lokal na prutas, gulay, isda, at iba pa.
Nagsasaliksik sa mga pamamaraan upang mapalago ang biodibersidad. Nakikilahok sa mga tree panting activities at nagpapalaganap ng kamalayan sa mga endagered species.
Nakikilahok sa mga kampanya upang mapabagal ang climate change. Nagbabawas ng carbon footprint, nagtatanim ng mga puno, at nakikiisa sa mga hakbangin para labanan ang pagbabago ng klima pisikal man o sa social media.
Aktibong nakikilahok sa mga organisasyong naglalayon na pangalagaan ang kalikasan tulad ng YES-O at Science Clubs.