Like and Follow our Facebook page
Abstrak
Ang mababang lebel ng pagbasa ay isa sa mga suliraning kinahaharap ng mga guro noon hanggang ngayon. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa epekto ng digi-laro o digital na laro sa kakayahang pagbasa ng mga mag-aaral sa baitang 7 sa Malacañang National High School, San Carlos City Division, Taunang Panuruan 2021-2022. Layunin nito na matukoy ang epekto ng digi-laro sa kakayahang pagbasa ng mga mag-aaral. Mayroong dalawampu (20) ang respondente sa pag-aaral na kabilang sa lebel ng pagkabigo o (frustration). Hinati sa dalawang grupo ang mga respondente, ang sampu (10) ay kabilang sa kontrol at ang ibang sampu (10) ay kabilang na eksperimental na grupo. Nagsagawa ng dalawang paraan ng pagpapabasa, ang tradisyunal na pagbasa (printed) sa mga kontrol na grupo at digi-laro naman sa eksperimental na grupo. Nagkaroon ng preliminaryo at panapos na pagsusulit sa dalawang grupo upang makita ang pagkakaiba ng resulta. Gumamit ng `descriptive equivalent sa paglalarawan ng marka sa bawat pagsusulit. Lumabas na epektibo ang paggamit ng digi-laro sa kakayahang pagbasa ng mga mag-aaral dahil sa makabuluhang pagkakaiba ng resulta ng panapos na pagsusulit ng dalawang grupo. Nagkaroon ng mean na 13.70 ang kontrol na grupo na may descriptive equivalent na Least Mastered at mean na 43.50 sa eksperimental na grupo na may descriptive equivalent na Mastered. Ang paggamit ng digi-laro ay nakatutulong na mapataas ang retensyon at pang-unawa sa binabasa. Malaking tulong ang paggamit ng digi-laro sa pagpapaunlad ng kakayahang pagbasa ng mga mag-aaral.