Ano ang Sparta?
Ang lungsod estado ng Sparta ay kilala bilang estado-militar. Ito ay tumagal mula 9th Century BC hanggang 2nd Century BC. Pinamumunuan ng dalawang hari upang matiyak na hindi lalabis sa kapangyarihan ang bawat isa at ang uri ng kanilang pamahalaan ay oligarkiya–isang uri ng pamahalaan na nakasalalay sa isang maliit na pangkat ng mga piniling tao. Pinamumunuan sila ng pangkat ng matatandang kalakihan na tinatawag gerousia. Pinapahalagahan ng mga Spartan ang pagsunod sa tungkulin at kalakasan.
Saan Kilala ang Sparta?
Kilala sa buong Greece dahil sa buhay na walang luho at malakas nitong mga mamamayan. Kilala rin dahil ang mga kababaihan nila ay may karapatang magkaroon ng ari-arian. Nakilala ang mga Spartan sa kanilang lakas, katapangan at dedikasyon.
Ano ang Buhay sa Sparta?
Sa kanilang pagsilang pa lamang, ang mga batang Spartan ay pag-aari na ng estado. Ang mga batang lalaki sa edad na pito ay ipinapasok sa agoge–ang kanilang lugar ng pagsasanay–at binibigyan ng mahigpit na pagsasanay. Sa edad na 20 ay nagiging ganap na sundalo ang mga Spartan na lalaki. Samantala, ang mga kababaihan naman ay ipinapasok sa eskwelahan at tinuturan ng housekeeping, literature, music, dance, arts, at iba pa.
— Mula sa Mga Mapa —
Sparta (Before 371 BC)
Sparta/Sparti (Present)
Sparta (TED-Ed)
Ngayong natalakay na natin ang Lungsod ng Sparta ay dumako naman tayo sa isa pang Lungsod-Estado ng Greece: ang Athens. Pindutin lamang ang mga buttons sa ibaba upang ma-redirect sa page ng nabanggit na lungsod-estado, sa page ng Klasikal na Greece, o sa home page ng website na ito.