Ano ang Athens?
Ang lungsod-estado ng Athens ay ang sentro ng klasikal na kasaysayan ng Greece. Ito ang naging pangunahing lungsod-estado ng Greece sa larangan ng politika, sining, at kaalaman. Ang sistema ng pamahalaan nito ay demokrasya.
Ang uri ng pagboto sa estado ng Athens ay mga kalalakihan lamang na nasa wastong edad at sila ay magbobotohan sa boule (tinawag na Council of the Five Hundred) na binubuo ng 500 na kasapi na nasa edad 30 pataas na pipili sa pamamagitan ng palabunutan.
Higit na pinapahalagahan ng Athens ang edukasyon at malayang pag-iisip.
Saan Nagmula ang Athens?
Sa simula ng 600 BC, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na attica. Ang rehiyon ng Athens ay hindi maalam sa pagsasaka kaya't marami sa mga mamamayanan nito ay nag-ta-trabaho sa mga minahan, gumagawa ng mga ceramics, mangangalakal, o mandadaragat. Hindi nanakop ang Athens ng ibang kolonya at ito ang naging dahilan upang sumali sa kanilang nayon ang ibang kolonya.
Anu-ano ang mga
Kontribusyon ng Athens?
Dito isinilang ang demokrasya mula sa mga repormang inilunsad nina Solon, Cleisthenes, at Pericles–ang mga tanyag na naging lider ng Athens.
Mula kay Cleisthenes: nilikha ang Council of the Five Hundred kung saan ay kumukuha ng 500 mamamayang representante na makikilahok sa konseho o pamamahala. Si Solon naman ay tanyag sa kaniyang pagkamakatarungan; siya ay nagpatupad ng maraming repormang politikal sa lungsod. At sa huli, si Pericles naman ang siyang nagdala sa Athens sa kaniyang Ginintuang Panahon (480-404 BC). Sa kaniyang pamamahala, naging artistic at intellectual hub ang lunsod kung saan hinihikayat ang pagdedebate, paghalal, paggawa ng batas, at free speech.
— Mula sa Mga Mapa —
Athenian Empire (5th Century BC)
Athens (Present)
Dito nagtatapos ang ating talakayin ukol sa Klasikal na Greece at ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens. Kung iyong ninanais ay maaari mong balikan at ulitin ang ating munting paglalakbay sa panahong nakalipas sa Klasikong Greece. Pindutin lamang ang mga buttons sa ibaba upang ma-redirect sa home page ng website, sa page ng Klasikal na Greece, o sa page ng Sparta.
Hanggang sa muli. Paalam!