Ito ay bansang matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Europa at parte ng Balkan Peninsula. Ang kalupaan ng Greece ay pangunahing binubuo ng mga kabundukan–75% ng lupain nito ay mga kabundukan. Mabato, hiwa-hiwalay, at hindi patag ang kalupaan nito. Dahil dito ay mahirap pamunuan ang sinaunang Greece sapagkat nahahati ito sa iba't-ibang mga rehiyon na may kani-kanilang pamahalaan; ang mga rehiyon na ito'y tinatawag na mga lungsod-estado.
Ito ang unang kabihasnang klasiko sa mediterranean na nanghihiram ng mga ideya mula sa ibang sibilisasyon tulad ng Egypt at Persia. Ang Classical Period ng Greece ay tinatayang nasa 5th at 4th Century BC. Ang panahon na ito ang siyang nagbigay ng mga mahahalagang kontribusyon ng Greece sa mathematics, astronomy, literature, politics, at iba pa.
Ang katawagan sa Greece noong kapanahunang ito ay Hellas. Ito ang pangalan na ginagamit ng mga Griyego para sa kanilang bansa na patuloy nilang ginagamit sa kasalukuyang panahon.
Important Terms in
Classical Greece ———
1. Lungsod-Estado - Isang malayang pamayanan o lungsod na may sariling pamahalaan. Ang mga halimbawa nito ay ang lungsod-estado ng Athens at Sparta.
2. Polis - Isang maunlad na lungsod o pamayanan. Ito ay mas maliit at ang siyang bumubuo sa mga lungsod-estado na sumasakop sa isa o higit pang mga polis.
3. Acropolis - (Greek acro, nangangahulugang mataas) Ang pinakamataas na punto o lugar sa isang polis. Dito nakabase ang lungsod at ito ang karaniwang sentro ng pamahalaan nito.
4. Agora - Ito ang sentro ng mga ekonomikal at pampamayanang aktibidad ng isang polis. Dito ay maaaring magkaroon ng diskusyon, debate, pag-aaral, paglalako o pagtitinda, at marami pang iba.
— Mula sa Mga Mapa —
Ngayong natalakay na natin ang mga mahahalagang katawagan sa Klasikal na Greece ay dumako naman tayo sa dalawang pinakatanyag na mga lungsod-estado nito: ang Sparta at ang Athens. Pindutin lamang ang mga buttons sa ibaba upang ma-redirect sa page ng mga nabanggit na lungsod-estado o sa home page ng website na ito.