Mga Lungsod-Estado, Sparta at Athens
Isang magandang araw, mga manlalakbay! Alam niyo ba na ang salitang yassou ay kasingkahulugan ng salitang hello at kumusta? Ito ay salitang Griyego na ginagamit sa mga casual at impormal na pagbati.
Nais niyo bang matuto pa tungkol sa buhay at mga pamamaraang Griyego? Kung gayon ay halina't sumama sa aming paglalakbay sa panahong nakalipas. Ating lakbayin at aralin ang Kabihasnang Klasikal ng Greece!
Maraming iterasyon ang mga kwento at kultura mula sa Classical Greece. Ang mga modernong perskeptibong ito ay nagmumula sa pop culture kung saan ay niroromantisa at hinihigitan ang mga orihinal na mga kwentong pinagkunan nito. Gayunpaman, maaari pa ring matuto at mamulat mula sa mga pagkekwentong ito.
Kung kaya't bago natin simulan ang ating talakayin ay magkakaroon muna tayo ng maikling palaro na ating tatawaging Kontemporaryong Pagkakakilanlan: Ang Sinaunang Greece ayon sa Pop Culture. I-click lamang ang link sa ibaba upang ma-access ang maikling palaro.
Pagkatapos ng maikling palaro ay atin nang simulan ang ating talakayin para sa paksang ito. I-click lamang ang mga pindutan sa ibaba o sumangguni sa Navigation bar para ma-access ang diskusyon ukol sa Klasikal na Greece, Sparta, at Athens.