Binigyang kahulugan ang salitang transnasyonal na paglaganap at ekstensyon ng politikal, panlipunan, at ekonomikong mga proseso sa pagitan ng at lampas sa hurisdiksyon-mga hangganan ng isang estado/nasyon. Dahil sa perspektibang transnasyonal lumilipat na mula sa pagsusuring bukod-bukod na mga estado patungo sa sistemang global (Robinson, 1998). Sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng media, naging kongkreto ang pagtawid na ito ng isang bansa sa iba’t ibang bansa. Sangkap ito ng sistemang global. Naging mabilis ang paglaganap ng kulturang pabebe dahil tumawid na ang aegyo, kawaii, Hello Kitty sa Pilipinas. Lahat iyon mauugat natin sa mga anyong pangmedia. Tinalakay natin sa Hallyu kung papaanong ang kulturang popular sa sistemang global ay pinakikinabangan ng isang bansa upang magkaroon ng kapangyarihang ekonomiko at politikal. Kaugnay nito, kailangan ding kilalanin na hinahamon din nito ang identidad ng bansa. Hindi lamang paglaganap at ekstensyon ang perspektibang transyonal, may kaakibat itong implikasyon. Nakikita o naiisip mo ba kung ano ito sa kulturang pabebe sa bansa?