Nagsimula ito bilang salitang panlait sa pag-aasal na parang bata. Nanggaling ang salita sa pinagsamang unlaping ‘pa” at pag-aangkop sa wikang Filipino ng salitang Ingles na “baby” bilang bebe. Inilararawan ng pabebe ang taong umaarteng kyut at nag-aasal na parang bata. Sa panimulang pagsipat ng manunulat, nakikipagtagpo kaysa nakikipagtunggali ang pabebe sa isang aspekto ng tradisyonal na kultura ng ating bansa.