Imbento ng mga Pilipino ang “lobat”. Tumutukoy ito sa baterya ng selfon na malapit nang maubusan ng enerhiya. “Battery low” sa Ingles. Salitang balbal ito na tumutukoy rin sa kawalan ng gana o lakas; panghihina mula sa dinanas na matinding pagod. Karaniwang naipapahayag ang sentimiyentong “Lobat ako,” upang ihudyat ang kapaguran ng pisikal na katawan. Ngunit may mga pagkakataon ding ito na ang nagpapahiwatig ng pag-ayaw ng indibidwal upang isagawa pa ang isang aktibidad. Wala nang gana, wala nang lakas.