inihanda ni: Mike Castro
Humanismo- Ang kwentong "Pag-ibig Na Nawala At Natagpuan Sa Berlin Wall" ay Humanismo. Ang Humanismo ay binibigyang-pansin ng pananaw na ito ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay. Sa kwentong "Pag-ibig Na Nawala At Natagpuan Sa Berlin Wall", ang pangunahing tema ay ang kwento ng isang relasyon na nawala o nasira at muling natagpuan sa isang makasaysayang konteksto, ang Berlin Wall. Pinapakita nito ang kahalagahan ng pag-unawa, pag-ibig, at pagkakaisa ng mga tao, pati na rin ang kanilang pagsusumikap na malampasan ang mga problema o hadlang sa buhay nila, maging ang mga pisikal na hadlang tulad ng Berlin Wall, at mga emosyonal na hadlang sa kanilang mga relasyon.
Romantismo- Ang kwentong "Pag-ibig Na Nawala At Natagpuan Sa Berlin Wall" ay isa din na Romantismo. Ang Romantismo ay isang malaking kilusang pansining at pampanitikan sa Europa na sumibol noong huling bahagi ng 1800 at pagpasok ng 1900. Sa kwentong "Pag-ibig Na Nawala At Natagpuan Sa Berlin Wall", ang pag-ibig ng dalawang tao, kahit na nawala o naghiwalay na at nahirapan dahil sa Berlin Wall, ay nagpapatuloy at hindi tumitigil kahit bigyan pa sila ng problema o hadlang. Ang tema ng pag-ibig na hindi matitinag o masisira, isang tema na likas sa romantisismo, ay malinaw na lumulutang. Ang mga tauhan ay patuloy na nangangarap na magkita at magkasama muli, kaya kahit bigyan pa sila ng problema ang kanilang pag-iibigan ay nag papatuloy parin kahit may mga hadlang.