inihanda ni: Faye Nyzetere Santiago
Ang kwentong "Ang pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall" ay pantugkol sa dalawang magkasintahan na nahiwalay dahil sa alitan ng kanilang bansa. Dalawampu't dalawa si Amelie noong siya ay may trabaho sa kanluran na naging daan sa pagkakakilala nila ni Ludwik. Sila ay masaya, kahit ilang buwan pa lamang sila ni Ludwik ay nais na nilang ikasal. Isang araw, patungo na si Amelie sa kaniyang trabaho nang makita niyang wala nang mga tao na kasabay niya papuntang kanluran, yoon pala'y simula na ng alitan sa kanilang bansa. Hindi matanggap ni Amelie na wala na siyang trabaho, kaibigan at higit sa lahat ay ang kaniyang kasintahan. Tumagal cold war na ito sa bansa nila na naging daan ng hindi pagkikita ni Ludwik at Amelie ngunit may isang liham ni Ludwik si Amelie na nakasaad doon ang mga salitang "hihintayin kita" noon ay hindi siya naniniwala rito at sinabe sa sarili na huwag nang umasa ngunit taong 1989 nang buksan na nila ang Berlin Wall. Muling nagkita si Amelie at Ludwik at namuhay na silang dalawa ng masaya.