Sa panahon ngayon marami sa mga kabataan ay hindi na bibigayan ng sapat na karapatan, kalayaan at oppurtonidad dahil sa kahirapan, sistema o maging sa mga paniniwala ng matatanda. Sa panahon ngayon maraming kabataan ang hindi nakakapag tapos sa nais nilang kurso dahil sa kahirapan o dahil ang magulang na ang pumipili ng kurso ng kanilang anak dahil sa paniniwala na iyon ang mag aahon sakanila sa kahirapan. Ang mga ganitong suliranin sa isang kabataan ay may malaking epekto hindi lng sa kanilang mental na kalusugan kundi sa sarili. Sa mga ganitong usapin ay dapat nang binibigyan ng sapat na karapatan ang kanilang anak upang pumili ng kanilang mapapasukan para na rin sa mas malaking oppurtonidad na kanilang makakamtan sa darating na panahon.