Prologue
Soulmate. Sabagay, marami pa ring naniniwala d'yan. Marami ang naghihintay. Marami din ang umaasa na lang na dumating ito sa buhay nila. Parang sa paaralan—may schoolmate, classmate, at seatmate. Marami kang pwedeng magustuhan. May makakabangga ka, pero hindi ibig sabihin siya na 'yon. May isa lang sa inyo na tanga—hindi tumitingin sa dinadaan. May makakatabi ka, may sparks daw. Pero hindi pa rin siya 'yon, baka minamanyak lang. May slow‑mo moment daw, pero minsan baka papansin lang. Ibig kong sabihin, hindi ganun kadali ang buhay pag‑ibig.
Kung tutuusin, lahat naman puwedeng maging soulmate. Wala naman talagang taong nakalaan lang para sa atin. Nakasalalay 'yan sa kung paano mo pinapahalagahan ang mga taong tunay na nagmamahal sa 'yo. Hindi ko naman sinasabi na kailangan mong mahalin ang taong mahal ka, pero kailangan mo lang silang pahalagahan—kasi baka sa huli bumaliktad ang mundo. Mahal mo na, pero wala na siya.
Masyadong komplikado ang buhay. May darating, may aalis, may maghihintay at may mang‑iiwan. Pero wala kang karapatang sisihin ang mga taong nanakit sa 'yo. Tanong mo, bakit ka nasaktan? Kasi nagmahal ka. Oh... anong problema doon? Nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Sa ganung paraan natututo ka.
Tanong ulit: bakit ka nasaktan? Kasi iniwan ka niya, kasi hindi ka na niya mahal. Mas masakit pa nga kung nasa tabi mo siya pero iba naman ang nasa puso niya. Make sense, dude.
Tanong mo pa: bakit ka nasaktan? Kasi manloloko siya. Kasi paasa. Kasi sinungaling. Pero balik ka lang sa unang sagot mo: nasaktan ka kasi nagmahal ka. Mahirap magmahal, di ba? Mahirap din ang maghintay sa wala. Hindi puwedeng maghihintay ka lang na walang ginagawa. Kailangan mo ring tumakbo. Maglakad kung pagod ka na. Gumapang kung nahihirapan. Ang importante, usad‑pagong ka man, may patutunguhan ka.
Ang sarap mabuhay. Bakit ka bitter? Kasi hindi ka marunong tumanggap ng pagkatalo. Buhay mo naman 'yan eh, ano bang magagawa ng ibang tao? Pero ikaw, may magagawa ka. Hindi pa huli ang lahat. Kung naniniwala ka talaga sa soulmate, hanapin mo. Ihanda mong masaktan ang sarili mo, paulit‑ulit. Dapat handa kang umiyak at paulit‑ulit na umiyak. Kasi sa bawat luhang inilalabas mo, nililinis niyan ang mata ng puso mo. Doon mo makikita ang taong tunay na nagmamahal sa 'yo. Siguro doon mo masasabi: "Ito na ang soulmate ko."
Kung magmamahal ka, ibigay mo lahat ng makakaya mo. Para kung sa huli hindi man kayo magkakatuluyan, hindi ka magsisisi. Dahil ginawa mo ang lahat para magtagal kayo.
Ito ang kwento ng dalawang taong parehong naghahanap ng pagmamahal. Parehong may madilim na nakaraan. Parehong nasaktan. Parehong walang tiwala. Parehong natutong paglaruan ang pag‑ibig. Pero sa huli, parehong nagsakripisyo at nagmahal muli.
SCENE #1 — Camera On
Enrollment pa lang, nang makita ko siya... parang napa‑slow motion ang mundo. Ang ingay ng pila, pero bigla akong nabingi. "Tol, ramdam mo ba? Ang bagal ng mundo," sabi ko kay Tris, bestfriend ko. "You're high as f*ck," sagot niya. Akala niya sabog na naman ako. Haha. Pero totoo, tol. Kita mo 'yung dalawang chicks sa dulo ng pila? Yung nakatingin dito—akin 'yon.
"Oh sige, wala namang aagaw d'yan. Ilusyonado," pang‑asar ni Tris. Hindi talaga matanggal‑tanggal ang mata ko sa kanya. Mukha na tuloy akong manyakis, pero ano bang magagawa ko? Lalo na't nakatitig din siya sa 'kin. Haha, biro lang. Nagkasalubong lang kami ng tingin at 'yun na 'yon. Nahulog na agad loob ko. Matagal ko na kasing hinahanap ang katulad niya—'yung sa unang tingin pa lang, alam mong magkakasundo at tatagal kayo.
Bago ang lahat—ako nga pala si Arth. Shortcut ng Arthur. Senior na kami. Siguradong freshman 'tong mga chicks na 'to kasi ngayon ko lang sila nakita. Hindi ko nakuha pangalan niya that day, pero alam kong magkikita pa kami. Natapos ang araw na 'yon na siya lang ang nasa isip ko. Himala, na‑excite ako sa pasukan.
SCENE #2 — 3 Days Bago ang First Day of Class
Hulaan n'yo kung sino ang nakita ko. Oo, siya na naman! Pero dedma lang, ni hindi man lang tumingin sa 'kin.
"Hoy, panget! Kala mo maganda ka? Tumingin ka dito," bulong ko sa sarili ko. Kala niyo sumigaw ako? Hahaha. Ayun, kompleto na naman ang araw ko.
Tris: "Oy, tulala ka na naman. Tara, kape tayo."
Ako: "Softdrinks na lang... masyado siyang hot eh."
Tris: "HAH? Humirit ka na naman ba? Tsk."
(Habang humihigop ako ng softdrinks...)
Ako: "In love ata ako."
Tris: nabulunan "Ikaw? In love? Eh mas matigas pa sa bakal yang puso mo!"
Ako: "'Yun na nga eh. Sa sobrang hot niya, natutunaw ako."
Tris: "So... yung freshman na nakita mo nung enrollment?"
Ako: "Ganun na nga."
Tris: "Tangina. Eh sabagay, mukhang bagay kayo. Naglalaro din ata ng apoy 'yon. Hahaha."
Binatukan ko siya. Epal talaga.
Fast-forward → 24x.
Sige, dito na tayo sa first day of class. Whooaaa! Sobrang excited ko.
PAAKK! Nakabangga ako sa hagdan. AARRGGHH! Kumalat lahat ng dala niya.
"Sorry!" sabi ko.
"TANGA," sagot niya.
Tangina, ako lang ba ang tanga dito? Huhu. Ako kasi, imbes na "Always Keep Right," nasa kaliwa ako. Hahaha. Ang sakit, literal at figurative.
Wala akong nagawa kundi tulungan siya. Ang ganda sana niya, pero grabe, ang sungit.
"Sorry ulit, Miss," sabi ko.
"TANGA ulit," sagot niya.
Parang sasabog na ako. BAD DAY ever. Ganun ba siya ka-bitter para hindi man lang magpatawad? Nagsorry na nga ako! Haysst. Mga babae talaga—isang pagkakamali mo lang, tanggal agad ang tsansa.
Makapasok na nga. Sigurado, miss na ako ni Prof.
Pagpasok ko pa lang sa pinto...
"ARTHURO CARPIO!!! Late ka na naman!" sigaw ni Prof.
"Hehe, traffic, Sir. At Arth na lang po tawag n'yo para di kayo mahirapan," pang-asar kong sagot. (Mas lalo siyang nagliyab sa inis.)
"Traffic? Nasa Maynila ka ba? Probinsya 'to iho, pa'no magkaka-traffic?"
"Traffic po sa allowance," bulong ko. Halos pumutok kakatawa mga kaklase ko.
"Dito ka sa harap para di ka laging tulog d'yan sa likod!" utos ni Prof.
"Okay po," sagot kong kunwari mabait.
"Oops... sa harap ba talaga, Sir? Magpapakabait na po ako, wag lang d'yan sa harap," drama kong sagot.
"HARAP o LABAS?!"
"Harap po! Di na kayo mabiro."
"Ayan. Dito ka sa tabi ng bago mong kaklase para mahiya ka naman," sabi ni Prof.
"HUH?" gulat ko.
"Nabibingi ka ba? Sabi ko, dito ka sa harap!"
Pag-upo ko pa lang, ramdam ko nang swerte ako.
Prof: "Miss Cella, magpakilala ka muna sa mga bago mong classmates."
At pagtayo niya... BOOM. Para akong nalaglagan ng kidlat. Siya 'yon! Yung babaeng nagpahina ng puso ko nung enrollment. Hindi lang pala schoolmate—classmate ko pa! At katabi ko pa ngayon. JACKPOT!
"Salamat, Prof!" bigla kong nasabi. Napasigaw pa ako. Awkward tuloy.
Classmate: "Hi! I'm Ammie Cella, transfer from another school. Nice to meet you all!"
Tulala na naman ako. Wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi niya. Ang nakita ko lang—yung bibig niyang bumubuka at sumasara, yung kumpas ng kamay niya, at yung mga matang parang kumikindat habang nagsasalita.
After one hour na tulala lang ako...
"Goodbye, Sir!" sabi ng klase. Nag-alisan na sila. Ako? Tulala pa rin.
Prof: "Mr. Carpio, congratulations! Ang bait mo ngayon. Lumabas ka na, ila-lock ko na 'tong room."
"What a day! Anong nangyari sa 'kin?" tanong ko sa sarili ko.
SCENE #3 — Ammie's POV
Ammie: Best! Naalala mo 'yung mukhang manyakis nung enrollment? Kaklase ko pala siya... at katabi pa! Nakakatakot, kasi kanina habang nasa harap ako at nagpapakilala, nakatitig lang siya sa akin. Ewan ko ba—parang ang sama ng intensyon.
Sissy: Ganern? Sampalin mo agad, best, para magtanda.
Ammie: Di ko naman ata kayang gawin 'yon.
Sissy: Eh di ipagulpi mo na lang sa boyfriend mo!
Ammie: Wag na. Mukhang sanay sa bugbugan 'yun eh. Baka si BF ko pa ang magulpi.
Sissy: Hala ka! Report natin sa pulis.
Ammie: Guidance muna, pwede? Hayaan mo na, wala pa naman siyang ginagawa. Pero 'pag sumobra siya—makakatikim talaga 'yon.
Sissy: Go bestie! Hehehe.
SCENE #4 — Back to Me, Guys
2nd day of class. Ayun, paupo na ako nang biglang...
Prof: "Mr. Carpio, balik ka na sa likod."
Ako: "Bakit po, Prof?"
Prof: "Basta, sa likod ka na. Alam kong mas komportable ka doon."
Ako: "Mas komportable po ako dito sa harap, Prof. Promise!"
Prof: "Likod o labas?"
Ako: "Sige po... sa likod na ako."
Nakakainis. Gusto ko nga sa harap, ililipat pa ako sa likod. Anong nakain ng kalbong Prof na 'to? Hayst. Pero okay na rin kaysa palabasin ako—at least kita ko pa rin siya.
Prof: "Our lesson for today is related to matter. Before that—what is matter? Mr. Carpio, do you want to answer? Nakita kitang nagtaas ng kamay."
Ako: "Ahh... hindi, Sir. May kinamot lang ako."
Prof: "I believe you already encountered the word matter when you were in high school."
Ako: "Ahh... medyo hindi kami close n'yan, Sir."
Prof: "I believe you have an idea about matter."
(Dahan-dahan akong tumayo, nag-isip ng mababaw na sagot...)
Ako: "Okay, matter... sila 'yung mga bagay na kaya mong makita, mahawakan, maramdaman... pero hindi mo kayang baliwalain. Parang pag-ibig: kahit gaano pa siya kapasaway, makulit, pangit man siya, o malayo ang agwat n'yo sa buhay... kapag mahal mo siya, lahat ng iyon will never matter. Yun, Sir! What matters is what we feel for that certain thing. So, matter is what we see and feel?"
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Pero to be honest—wala talaga akong alam. Naririnig ko lang lagi sa tabi-tabi, gaya ng sabi ng lola ko: "Age doesn't matter," kahit nag-asawa pa ulit siya sa edad na 62.
Prof: "Enough! You may take your seat, Mr. Carpio. Well... you have a point. Some more answers? Yes, Miss Cella."
Ammie: "Matter is anything that occupies space and has weight."
Prof: "Very good, Miss Cella."
Blah, blah, blah... fast-forward 24x. Hindi na ako nakinig. Eh, in-English lang naman yung sagot ko tapos "Very good" agad? Wow, favoritism!
SCENE #5 — Ammie's POV
Ammie: "Best, gumana ang plano. Binalik siya ni Prof sa likod kasi sinabi ko na hindi ako komportable katabi ko siya. Parang may sapi."
Sissy: "Oohhh... bakit ka malungkot?"
Ammie: "Eh, parang ang sama ko eh. Sinabi ko kasi kay Prof na manyak siya."
Sissy: "HAHAHA! Totoo sinabi mo 'yon? Buti nga sa kanya!"
Ammie: "Mali tayo eh. Parang hindi naman. Oo, mukha siyang ganun... pero napaka-judgmental ko. Huhu."
Sissy: "Hayaan mo na! Kung ako nga, hindi lang ganun gagawin ko. Papatanggal ko lahat ng mukhang manyakis sa paaralan na 'yan."
Ammie: "Ayan ka na naman. Oo, alam ko kung bakit ka ganyan. Tara na nga, magsaya tayo."
Sissy: "Sige. Eh ikaw lang naman mag-eenjoy sa party kasi kasama mo boyfriend mo."
SCENE #6 — Back to the Author
Estee... back to me.
Get-together ng barkada, may party kaming pupuntahan. WOOOAAHHH. Hindi naman siguro ako napahiya sa sagot ko kanina—okay naman sabi ni Prof. Kaya tara, mag-celebrate!
Maaga pa lang, nagsimula na ang inuman. Iba talaga kapag kasama barkada—lahat ng katarantaduhan pinapasok. Magulo ang table namin, parang palengke. Ang dami naming kakilala, iba-iba ang nakikisama, mapa-babae o bakla. Pero karamihan, di tumatagal. Para kaming may extension cord ng atay.
Sayawan na! At sa sayawan—alam nila—hinding-hindi ako aatras. May signature dance moves na nga ako. Kahit pataas ng mesa o ibabaw ng kisame, game!
Pero sa gitna ng kasiyahan... bigla akong nadurog.
(Pag ang bakal pala nasobrahan sa init at binuhusan ng tubig, madaling madurog.)
Nakita ko siya. May kasamang iba. Boyfriend niya ba? Bakit ba kasi ang dali kong umasa? Eh sa totoo lang, hindi ko naman tinanong kung may boyfriend siya. Kung di ko pa siya naging kaklase, baka di ko rin alam pangalan niya. Wala naman akong ginagawa para mapansin niya. Eh bakit ang sakit? Tanga ko talaga. Maka-inom na nga lang.
Lasing na lasing na ako. Wala na akong kontrol. Napasobra ata.
Sa bahay ng barkada, habang nakasandal sa malamig na tiles ng banyo...
"Bakit ba lagi na lang ganito? Ha?! Lagi na lang ako ganito! Ginagawa ko na lahat para magtagal, ginagawa ko na lahat para maging masaya sila... pero bakit di pa rin nakukuntento? Bakit iniiwan pa rin ako?"
Napasuka ako habang nakatingin sa inidoro. At parang sumagot pa siya:
"TANGA! TANGA! TANGA KA!"
Putek. Ang kubeta pa talaga ang bumalik ng sermon sa 'kin. Sa takot, napaatras ako't napatakbo palabas.
Kinaumagahan... nagising ako sa damuhan. Hindi kalayuan sa bahay ng barkada. Hamog sa buhok, tuyong laway sa labi. Epic night? Hahaha. Epic hangover.
SCENE #7 — Absent & Sakit
3rd day of school. Absent. Ang sakit.
4th day of school. Absent. Masakit pa rin.
5th day of school. Absent. Ang sakit-sakit.
Woahhh... tama na. Move on mag-isa, dude. Kaya 'to.
Simula noon, di ko na siya pinapansin. Siguro hanggang maghilom ang sugat at mawala ang sakit. Wala naman siyang kasalanan. Ako lang 'yung assuming.
Pero sa school, ako pa rin ang "cool" na estudyante. Kunwari chill, kunwari walang problema. Pero sa loob? Alam na alam kong cool-lang ako. Esssss. Joke!
Okay na rin. Di naman niya alam na nasaktan ako, eh.
SCENE #8 — Ammie's POV
Ammie: "Best, nakita mo 'yung reaction niya sa party?"
Sissy: "Oo. Mukha siyang kawawang asong nauulol."
Ammie: [Tahimik.]
Sissy: "Ohhh, ba't wala kang imik?"
Ammie: "May mali eh. May hindi tama sa kanya."
Sissy: "May hindi rin tama sa 'yo. Ang weird mo."
Ammie: "Inaasahan ko kasi na mangbabastos siya. Sa titig niyang 'yon... akala ko lalapit, hahawakan kamay ko, susuntukin si Matt. Parang kontrabida sa teleserye."
Sissy: "Wow, ganda mo rin eh noh? Ikaw na, te! Ilusyonada. Hindi porke may pagnanasa ang tao, ibig sabihin obsessed na."
Ammie: "Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Hahaha. Sabagay nga naman. May kakaiba lang kasi sa mga tingin niya nung gabing 'yon. Alam mo, di siya pumasok ng tatlong araw."
Sissy: "So updated ka pa sa attendance niya? Baka hangover lang. Sabihin mo nga sa 'kin, babae ka. Ano ba siya para sa 'yo?"
Ammie: "Eh wala. Kaklase lang. Na-giguilty lang ako. Mukhang hindi naman kasi siya masama."
Sissy: "Ayan na ha! Mahal mo ba boyfriend mo? Sabagay, kelan ka ba naging seryoso? Ang bilis mo nga magpalit ng boyfriend."
Ammie: "Kasalanan ko ba kung di sila nagtatagal sa 'kin?"
Sissy: "Whatever."
SCENE #9 — Back to the Lonely Me
Ayun, okay na ako. Lalo na't marami namang babaeng pwedeng landiin. Yung sasabay lang sa trip, walang personalan.
Kristy: "Arth, sabay ka mamaya? Night out tayo."
Ako: "Sige, bah. Magkano?"
Kristy: "Sagot ko na. Birthday ko ngayon."
Ako: "Ay oo! Birthday mo nga pala. Surprise pa sana kita."
Kristy: "Wag ka nang lumusot. Lagi ka namang ganyan eh. Wala kang time. Sa tagal nating magka-friendship, di mo pa rin alam birthday ko."
Ako: "Ano ba gusto mong gift?"
Kristy: "Wag na. Alam ko namang wala kang pera. Punta ka lang, okay na 'yon. At syempre wag kang uuwi. Oras lang hinihingi ko, tatawad ka pa ba?"
Ako: "Aw. Okay! Papapogi lang ako."
SCENE #10 — Kristy's Birthday
TBH, siya ang pinaka-cool na babae sa buhay ko. Boyish, medyo kalog. 'Yung tipo ng kaibigan na kahit kailan mo lang siputin, okay lang. Kung may problema siya, tatawag; puntahan mo man o hindi, maiintindihan ka. Pero pag ikaw may kailangan, instant. Bestfriend/girlfriend vibes, pero walang commitment.
Party mode: unli inumin, pulutan, tawanan. Barkada, buo pa rin.
Tris: "Oy! Ba't di tayo magkaroon ng game?"
Chit: "Sige ba! Total may partner naman tayong lahat. Couple game."
Ako: "Oh teka! Anong may partner lahat? Pano ako?"
Kristy: "Syempre ako. Wala akong partner kung ayaw ka. Isa pa, kaarawan ko ngayon. Pagbigyan mo na ako."
Ako: "Andaya n'yo! Mas lalaki pa nga sa 'kin 'to kung umasta."
(Tawanan ang barkada.)
Chit: "Sige, simple lang. Pa-ikot ng bote. Kung kanino matapat ang pwetan, siya ang maglalagay ng asin sa kahit anong parte ng katawan nung matatapatan ng ulo. At didilaan 'yon ng partner. Gets?"
Mark: "Game! Pero warm up muna. Wag muna sa exciting parts. Baka maaga tayong matapos."
Jimmy: "Sang-ayon ako diyan. Alam n'yo namang kanina pa gustong gawin 'tong dalawang mokong na 'to."
Mark: "Sino? Si Bots at Clark?"
Jimmy: "Pati na si Arth! Hahaha."
Ako: "Bat nasali ako d'yan?! Tangina n'yo! Hahaha."
Nagsimula ang ikot ng bote. Unang natapat kay Tris. Pwetan kay Elaisa, girlfriend ni Mark. Nilagay niya asin sa leeg ni Tris, dinilaan naman ni Carren (GF ni Tris). Halakhakan.
Ikalawang ikot: natapat kay Kristy ang ulo. Si Bots, pinaka-pilyo sa tropa, naglagay ng asin sa pusod niya.
Ako: "Tangina! Alam ko na iniisip mo. Wag mo ituloy!"
Pero mapilit si Bots. Tapos cheer pa barkada: "Go Kristy!"
Ako: "Sabi ko na nga ba. Ayaw ko na."
Kristy: "Wag kang KJ, mandurugas. Alam naming madalas mong ginagawa yan!"
Ayun, instant kwento na naman. Fast forward sa iba pang kalokohan, laro, tawanan.
Sa huli—tinupad ko pangakong di uuwi. Tabihan siya sa pagtulog. Pero hanggang doon lang. Ayaw ko na 'yung dati. Nakakakonsensya.
SCENE #11 — Back to School
Pasok na naman. Kakatamad. Dating gawi: sa likod, matutulog, lalabas after magkwento si Kalbo (Prof). Wala na talagang excitement sa school.
Na-isip ko: Pano kaya kung kulitin ko na lang si Ammie? Alam kong papatol 'to at maiinis sa 'kin. Bright idea! Sa wakas, may mapagtitripan na ako. Total naka-move on na ako, hindi na ako tatablan.
"Pssst." Pa-asar na ingay ko sa likod. Napatingin halos lahat sa unahan... maliban sa kanya. Aba, matigas din pala.
"Prof, pwede lumipat sa unahan? Di ko makita sinusulat n'yo. Malabo kasi... este, malabo mata ko," sigaw ko.
Prof: "Aba! Kailan ka pa nagka-interes sa sinusulat ko?"
Ako: "Ngayon lang po! Este... di ko po kayo marinig. Ano ulit 'yon?"
Prof: "Sabi ko, lumipat ka na habang may pasensya pa ako."
Ako: "Yes! Hihi."
Sa kalagitnaan ng storytelling ni Prof—este, discussion pala—sinimulan ko nang istorbohin si Miss Ganda. Dinrawing ko si Prof sa pinaka-pangit na paraan na kaya ko. Kunwari nagti-take notes. Nakita kong pigil na pigil si Ammie sa tawa. Namumula siya kakapigil. Inis na inis pero natatawa rin.
Sinulat niya sa papel: "F*CK YOU." At iniharap sa 'kin. Akala ko magsusumbong siya, pero hindi. Well, dahil doon, naisip ko: Cool din pala siya.
Sinagot ko: "I LIKE YOU," isinulat ko sa ibabaw ng panot na ulo ng drawing.
Nag-reply siya: "BORED ka ano?"
Sulat ko balik: "NGAYON HINDI NA."
Sa simpleng paper chat na 'yon, naging close kami. Araw-araw na akong pumapasok. At syempre, sa tabi niya na ako lagi umuupo.
Isang araw habang palabas kami ng room...
Ammie: "Alam ko naman gusto mo eh."
Medyo natigilan ako.
Ako: "Anong gusto ko?"
Ammie: "Manghihiram ka ng assignments at mangongopya sa exam. Kaya nakikipagkaibigan ka sa 'kin."
Ako: "Ahhm... ganun na nga. Pano mo nalaman?"
Ammie: "Halata naman. Di ka nag-aaral, puro ka katarantaduhan. Matalino ka sana eh... tamad ka lang."
Muntik na akong hindi makahinga.
(Ayan na naman... tinutukso-tukso ang puso ko. Hahaha.)
Kulang ako sa atensyon, aminado ako. Gusto ko yung may taong concerned sa 'kin at nagtitiwala sa 'kin. Dahil sa sinabi niya, nakalimutan kong minsan na akong nasaktan dahil umasa. Tangina. Isang iglap lang, mahal ko na ulit siya.
"Hoy! Okay ka lang ba? Bilisan mo," sigaw niya, kasi natulala na naman ako.
Buwan ang itinagal ng masaya at "cool" na pagkakaibigan namin. Hanggang sa di ko na kaya—gusto ko na lang sabihin. Gusto ko lang malaman niya na mahal ko siya... mula pa noong una.
SCENE #12 — Sa School Lobby
Nagkita kami ni Larry, barkada ko sa pinagtatrabahuan ko dati (working student life).
Larry: "Tol, dito ka pa rin? Haha."
Ako: "Oo. Mahal ako ng school, eh. Hehe. Ikaw, anong sadya?"
Larry: "Mag-aapply sana sa office niyo. Clerk."
Ako: "Big time na ah. Asensado."
Larry: "Hindi naman. Uy, kaklase mo pala si Ammie?"
Ako: "Oo. Kilala mo?"
Larry: "Girlfriend ko!"
Ako: "Aww..."
Larry: "Biro lang! Girlfriend ng kaibigan ko. Si Felix. Yung sabay natin dati sa bahay."
Ako: "Totoo? Si Felix? Pero nung party, di naman si Felix kasama niya eh."
Larry: "Ay oo, wala na 'yon. Kilala mo rin si Matt?"
Ako: "Ganun ba. Wow ha. Sige tol, alis muna ako. May pasok pa eh. Ingat."
Larry: "Aw, okay. Ingat din."
SCENE #13 — BOOOOMMMM
Ganun na lang pala 'yon? Ako, taon bago magmahal ulit. Siya? Ang bilis. Iba na agad.
Awtsu! Arth, ang tanga mo. Pangalawa mo na 'yan. Tama na please. Nasasaktan ka ng walang dahilan. Tapos isisisi mo pa sa iba. Kasalanan mo 'to. Ang bagal mo.
Tsk. Wala na talagang pag-asa. Move on ulit, dude. Maraming babae diyan.
Pero ang sakit. Ang sakit ng puro ka assume. Kunting kabaitan lang, in love ka na agad. Kunting kindat, type agad. Nagmalasakit lang, may feelings ka na. Wow ha.
Gising, Arth! Kinakausap mo sarili mo. Ano tawag dito? BALIW!
SCENE #14 — Sa Canteen
Hangover pa ako habang kumukuha ng baso para uminom ng tubig. BOOM! Nadulas ang isang estudyante. Natapon sa damit ko ang kape. Ang init! Pero okay lang—babae kasi.
Ako: "Di ba ikaw yung nakabangga sa 'kin dati sa hagdan?"
Siya: "Oo... sorry po."
Ako: "TANGA!"
Siya: "Sorry talaga!"
Ako: "TANGA TALAGA!"
(Karma ang bilis, pre. Pero tangina, mainit talaga. Napaso yata dibdib ko. Tsk. Tanga.)
Mga estudyante sa paligid: "Grabe naman. Nag-sorry na nga. Parang hindi ka tao. Parang hindi ka lalaki."
Okay. Sanay na ako d'yan. Lagi na lang akong masama. Hindi daw ako tao—demoniyo raw ako. Kung alam niyo lang...
Haist! Ang hirap ng buhay. Ang bilis niyo mag-judge. Alam niyo ba buong istorya? Masama na kung masama, mukha lang akong masama. Eh 'yung iba nga, nagbabait-baitan pero sangkatutak ang scandal.
(Aww, sorry. Joke lang po.)
SCENE #15 — Ammie's POV
Ammie: "Best... tao pa ba ako?"
Sissy: "Sa ginagawa mo? Tao ka pa kaya."
Ammie: "Huhu. Di na ako masaya eh."
Sissy: "Ba't nanggagamit ka ng ibang tao?"
Ammie: "Di ko alam. Akala ko sasaya ako ulit."
Sissy: "O, masaya ka na ba?"
Ammie: "Hindi eh."
Sissy: "Ewan ko sa'yo. Bigti ka na lang, te."
Ammie: "Birthday ko pa bukas eh."
Sissy: "Sige. After na lang ng birthday mo."
Ammie: "HUHUHU. Thank you, best."
SCENE #16 — Back to the Monster
Haist! Ang bilis ng araw... Lunes na naman? Papasok ba ako? Kakatamad.
Beep! Beep! May message ako. Unknown number.
"Hi! Papasok ka ba? Birthday ko ngayon, punta ka sa bahay. – Ammie"
Pano niya nakuha number ko? At ano naman kung birthday mo? Nagbi-birthday rin tong puso ko sa sakit.
Makabihis na lang. Nag-reply ako:
"Oo papasok ako, happy birthday mahal. I Love You :)"
Ang landi ko, 'di ba? Kahit masama loob ko, nagawa ko pa ring maging cool. Para kunwari walang nangyari. Ayaw ko rin namang mahalata niyang nasasaktan ako.
SCENE #17 — Sa School
Ammie: "Buti pumasok ka. Punta ka mamaya ha? Magtatampo ako pag wala ka."
Ako: "Okay. Pupunta ako."
Ammie: "Salamat sa greetings! Kakatuwa."
Ako: "Hahaha."
(Kung alam mo lang na alam kong may bago kang boyfriend... di mo 'to gagawin sa akin. Naiinis na ako. Kung isumbong kaya kita sa boyfriend mo? Kung ako boyfriend mo, baka natamaan ka na sa akin. Joke lang! Pero totoo, minsan nami-misinterpret ko lang ginagawa niya kasi may feelings ako.)
SCENE #18 — Ammie's Birthday
Panay beep ng phone ko. Di ko pinapansin. Ayaw ko talagang pumunta—kasi alam kong masasaktan lang ulit ako. Makikita ko pa siyang kasama yung taong mahal niya. Mahal na mahal ko, pero paulit-ulit na sinasaktan ang puso ko.
Pero ang kulit ng mga text:
"Asan ka na? Magtatampo ako, di kita papansinin."
"Nasa bahay kami, namiss mo candle blowing."
"Kainan na, may cake pa. Habol ka."
"Alam mo ba yung bar malapit sa park? Andito kami. Masaya dito, kanta ka."
"Nagtatampo na ako."
Sa dami, lalo lang akong nawalan ng gana. Nakakahiya na eh. Pero maya-maya, di ko na matiis. Nag-reply ako:
"Papunta na. Sorry traffic."
Pagdating ko, may nakahanda nang upuan para sa akin.
Ammie: "Maupo ka! Ay ito nga pala boyfriend ko, si Felix. Hehe. Felix, si Arth—kaibigan ko."
Felix: "Oo, magkakilala kami. Nagkasabay na dati."
Ammie: "Totoo? Haha. Classmate ko siya. Siya yung palagi kong kinukwento sayo na makulit sa klase."
Felix: "Buti nga bumait na 'yan. Haha."
Ako: (Tahimik lang. Pero ang sakit. Kaibigan. Kaklase. Makulit. Wow. Parang downgraded version ng sarili ko.)
Ammie: "Uminom ka. Alam kong mahilig kang uminom."
Ako: "Sige mamaya. Kakakain ko lang. Baka masuka ako."
Ammie: "Ito song book. Kumanta ka. Bawal umalis pag di kumanta."
Ako: "Naku, pangit boses ko. Haha."
Ammie: "Okay lang. Wala namang maganda boses dito eh. Hahaha."
Haist! Napilitan tuloy akong kumanta. Paborito ko—"Fallen" ni Janno Gibbs. Intro pa lang, parang mapapaluha na ako.
Our little conversation...
was turning into little sweet sensation...
Hindi ko natuloy. Kunyari di ko alam lyrics, pero sa totoo, pigil na pigil lang ako.
I think I'm fallen... fallen in love with you.
And I don't, I don't know what to do...
Ako: "Kayo naman. Di ko na alam 'to."
Pero sa loob-loob ko: Tangina. Bakit ba ang sakit?
Mahabang inuman, mahabang pagtitiis. Pa-cool pa rin. Picture-picture. Ako pa kumuha ng shots nila. Halos mabutas na screen ng phone ko sa kakapindot.
At tuwing tumitingin siya sa akin, may lungkot sa mata niya. Para bang may gusto siyang sabihin. Gusto ko na sanang itanong kung mahal ba talaga niya si Felix. Pero hindi ko kayang sirain ang relasyon nila. Kaibigan lang ako. At wala sa history ko ang mang-agaw.
Kantahan pa rin. Tawanan pa rin. Maliban sa amin dalawa. Si Felix, lasing na. Nakikipagkwentuhan sa barkada niya. Ako, inom lang ng kaunti. Minsan napapatingin ako kay Ammie. Minsan din siya, sa akin. Nag-uusap ang mata namin—pero pareho kaming piniling tumahimik.
Uwian. Siya, hatid ni Felix. Ako, diretso uwi.
Natapos ang pinakamasaklap na gabi ng buhay ko. Haist. Matulog na lang ako.
SCENE #19 — The Next, Next, Next Day (Ammie's POV)
Ammie: "Bestiee..."
Sissy: "Ano na naman? Kala ko ba nagpakamatay ka na?"
Ammie: "Si Arth..."
Sissy: "Alam ko. Napansin ko kayo nung birthday mo. Landi mo te."
Ammie: "Bestie naman eh. Alam mo namang gumaganti lang ako. Gusto kong maging karma sa mga lalaki... pero ngayon, ako ulit yung binalikan ng karma."
Sissy: "Karma mo 'yan. O ano ngayon gagawin mo kay Felix, aber?"
Ammie: "Wala na kami. Cool off lang sabi ko... pero sabi niya break na daw. Huhu."
Sissy: "Ano?! Ganun na lang yun?"
Ammie: "HUHU."
Sissy: "Bat ka naiiyak?"
Ammie: "Masama ba ako?"
Sissy: "Hay naku! Syempre hindi. Mabait ka kaya. Kaya nga bestie kita eh. Hayaan mo sila. Buti nga sa kanila. Isa pa, di dapat pagkatiwalaan yang si Felix. Sobrang tahimik pero parang daming tinatago."
Ammie: "Kaya nga nag-cool off kami eh. Na-wrong send siya sa akin: 'Happy anniversary, I LOVE YOU mhine.' Eh months pa lang kami. At iba naman tawagan namin. Huhu."
Sissy: "Nakew! Yan na nga ba sinasabi. Mga sinungaling talaga yang mga lalaki."
Ammie: "Si Arth..."
Sissy: "Ano si Arth? Wag mong sabihing kayo na ha?"
Ammie: "Huhu... ganun na nga? Hehe. Biro lang. Dati ko pa naman siya gusto. Kaso parang di rin mapagkakatiwalaan. Puro kasi biro. Nagpaparamdam nga pero dinadaan sa biro."
Sissy: "Wag mong papansinin 'yan. Sasaktan ka lang."
SCENE #20 — Back to Me
The day after her birthday.
Nagsend ako ng group message. Kasama dun si Ammie. Isang quote tungkol sa sarili ko, tapos nilagyan ko ng hashtag: #PAASA.
Nagulat ako nang bigla siyang nag-reply:
"KUNG ALAM MO LANG."
Kung alam ko lang na ano? Napatanong ako sa sarili ko. Nagbaligtad na naman mundo ko. Ano kaya ibig niyang sabihin?
Hindi na ako nag-reply. Pero gusto ko siyang kausapin. May gusto talaga akong sabihin. Siguro kailangan ko nang sabihin lahat—kasi hirap na hirap na akong itago. Paulit-ulit lang akong nasasaktan.
SCENE #21 — Sa School
Iniiwasan na niya ako. Siguro ayaw na niya sa akin.
Gusto ko lang naman linawin na hindi siya yung tinutukoy ko sa #PAASA. Sarili ko 'yon—ako mismo yung pinaasa na magiging masaya pa.
Alam kong hindi ko na siya mababawi sa iba. At tanggap ko naman na kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Pero hindi ko kayang sabihin ang totoo... na matagal ko na siyang mahal.
Ang balak ko, tatanungin ko lang tungkol sa reply niya. Pero nang tinanong ko, umiwas siya. Ayaw sumagot. Hanggang sa nadulas ako.
Nasabi ko lahat—lahat ng gusto kong sabihin. Lahat ng sakit mula pa noong una. Lahat ng dapat niyang malaman.
At nakita ko. Naniniwala siya. Nakita ko sa mga mata niya. Ramdam ko na totoo rin sa kanya.
Ammie: "Kung alam mo lang, matagal na kitang gusto... kaso puro ka biro. Pero ngayon... MAHAL NA KITA."
Mahirap paniwalaan. Pero galing mismo sa bibig niya. At ang mga salitang iyon ang naghilom sa lahat ng sugat sa puso ko.
Tanga ba ako kasi naniwala ako? O mas tanga ako kung hindi ako maniniwala?
#tanongkolangkulang
SCENE #22 — School Party
Hindi pa kami nun, pero break na sila. At ako? Nagiguilty. Oo! Nag-aagaw ang saya at lungkot sa mata ko.
Hindi ko masasabing malinis ang past relationship ko. Minsan din akong naagawan—at masakit 'yon. Alam na alam ko ang pakiramdam ng maagawan at maiwanan ka. Kaya pag naiisip ko yung ginawa ko, masakit din. Pero pag tinitingnan ko siya? Nawawala lahat ng guilt.
First dance namin 'to. Disco ball. Maingay ang music, pero sa kanya lang ako nakatingin.
Ammie: "Masaya ka ba?"
Ako: "Oo naman. Nagiguilty lang ako."
Ammie: "Kay Felix? Hindi naman ikaw dahilan bakit kami naghiwalay."
Ako: (nagulat) "Eh sino?"
Ammie: "May girlfriend siya, at matagal na sila. Na-wrong send siya sa akin. At nakita din ng friend ko yung ID niya. Nawala niya, at sakin ibinigay. May picture ng babae sa likod—at hindi ako 'yon."
Ako: "So niloko ka niya?"
Ammie: "Ganun na nga. Ang tanga ko kasi."
Ako: "Pareho lang tayong tanga. Kaya siguro magkasundo tayo."
Ammie: "Gusto mo, sagutin na kita?"
Ako: "Wag muna. Liligawan pa nga kita."
Ammie: "Sige. Kung yan ang gusto mo, papahirapan muna kita."
Ako: "Kaya ko 'yan. Haha."
Ammie: "Sigurado ka? Gusto mo talagang magsakripisyo?"
Ako: "Pag mahal mo ang isang tao, kahit gaano kahirap... hindi sakripisyo 'yon. Pagmamahal pa rin 'yon."
Ammie: "Ganun?"
Ako: "Maliban na lang kung gusto mo pang magpako ako sa krus sa Semana Santa."
(Hahaha, nagtawanan na lang kami.)
Maraming nangyari nung gabing iyon. Sobrang saya namin. Ilang ulit man akong sumuko, sa kanya pa rin ako bumabalik.
Siguro hindi perfect ang love story namin. Common, simple. Pero ito rin naman ang madalas mangyari sa totoong buhay.
At hindi pa dito nagtatapos.
SCENE #23 — First Formal Date (at the Cemetery)
Ammie: "Bat dito?"
Ako: "Samahan mo ako. Araw ng mga patay ngayon. May dadalawin lang ako."
Ammie: "Kamag-anak mo?"
Ako: "Hindi. Puso ko—patay na patay sa'yo."
Ammie: "Korny mo."
Naupo kami sa damuhan habang nagkukuwentuhan. Paligid, puro kandila at tao para sa mga mahal nila sa buhay.
Hinawakan ko kamay niya. At kumuha ako ng damo.
Ako: "Eto muna singsing mo. Wala pa akong pambili ng tunay eh. Pero gawa 'yan sa ligaw na damo." [isuot]
Ammie: "Seryoso?"
Ako: "Ammie Cella... pwede ba kitang maging girlfriend? Kahit contractual lang, six months okay na sakin. Pag nag-expire, magre-renew na lang ako ulit."
Ammie: "Oo ba. Kahit habang buhay pa. Kaso, araw ng mga patay anniversary natin... okay lang ba sa'yo?"
Ako: "Ayaw mo nun? Lagi tayong may handa sa anniversary natin. Haha. Pasensya ka na, hindi ako sweet."
Ammie: "Okay lang. Ayaw ko ring kahati mga langgam."
Habang tumatagal, mas nakilala namin ang isa't isa. Mas lalong lumalim, mas lalong tumatag. Pinag-usapan namin ang past. Tinanggap. At nagsimula muli.
Lagi kaming masaya—pareho kasi trip namin. Mahal na mahal ko siya. At mahal na mahal din niya ako.
Hindi pa dito nagtatapos ang kwento namin... pero natagpuan ko na ang hinahanap ko.
Masasabi ko na ngayon:
"ITO NA ANG SOULMATE KO."
📌 PAALALA: Ang estorya, tauhan, at lugar ay bunga lamang ng malikot na imahinasyon ng may-akda. Kombinasyon ng totoong pangyayari at gawa-gawang kwento lamang. Walang personal na intensyon—tanging pagbibigay ng aliw at munting aral sa mga mambabasa.
Salamat sa pagbabasa. Hangad kong maging bahagi din ng inyong buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng munting inspirasyon. JAH Bless!
— AYENG