Soulmate — Part 2
Ang bitter na si Tris at ang sweetb*tch na si Carren
Ayun na nga—ewan ko ba't pinagtagpo at nagka-sundo ang dalawang 'to. Kilala ko si Tris: ayaw niya ng pabebe girls (hahaha). Gusto niya 'yung babaeng RAK (rock): hindi maarte, prangka, maginoo pero medyo bastos. Si Carren naman—alam ko—type din ang tipong-Tris: chill, hindi mahigpit, gentleman pero may landi.
Side note: minsan nang nagka-seryosong relasyon si Tris—yung kaya niyang kalimutan sarili, bisyo, pati barkada for the girl. Ayaw namin noon kasi pati tropa nadadamay sa bawal.
Sige na, punta na tayo sa tambalang bitter at sweet.
SCENE #1 — The Throwback (Bitter Days)
Tris: "Tol, wala talagang kwenta mga babae, 'no? Lahat na gagawin mo pero ganun pa rin—IIWAN ka."
Ako: "Parang linya ko 'yan ah."
Tris: "Mahal ko siya. Lahat ginawa ko—gagawin ko pa kahit ano! Tsk."
Ako: "Baka konting tiis pa. Sabi naman niya maghintay ka, 'di ba?"
Tris: "Oo, pero ngayon ayaw na niyang maghintay pa ako."
(Tahimik ako.)
Chit: "Akala ko ba magsasaya tayo? Ba't puro drama? HAHA."
Mark: "Parang di ka naka-experience, Chit. Ikaw nga magbibigti pa dati nung iniwan ka ni Aicy. Sabagay, five years na panunuyo tapos iiwan lang. Haha."
Chit: "Oh, ba't napunta sa'kin? Matagal na 'yon. Naka-move on na 'ko. Sige na, tulungan na lang natin 'tong mukhang to."
Mark: "Sabi ko na nga ba, Chit, mahal mo pa ex mo. Hanggang ngayon hurt ka pa rin. :P"
Chit: "Mark! Isa ka na lang!"
Mark: "Okay, tama na. Haha. Alam mo Tris, ang babae parang manok pang-sabong—di pwedeng puro patuka, himasin mo rin. Haha."
Ako: "Ayan na naman, simula na ng kalokohan. Tris, ito lang: ang pag-ibig parang sugal—kung ayaw mong matalo, 'wag kang tumaya."
Chit: "Isa pang bitter. Wala kasing tumatagal sa'yo, Arth—puro ka kalokohan. Manhid."
Ako: "Tama naman 'di ba? Tris, p'wede namang laro-laro lang. Sineryoso mo—kaya ayan, nasaktan ka."
Jimmy: "Ayan! Iinom pa ba tayo? Kanina pa naghihintay ang baso."
Mark: "Oy, Bots? Clark? Ba't tahimik? Porno na naman pinapanood n'yo, 'no?"
Jun: "Ano pa ba. 'Share-it' n'yo rin sakin yan, Bots. Hahaha."
Tris: "Wala kayong kwenta. Tangina n'yo. Inom na lang. Walang matinong mangyayari pag ganyan usapan. Hahaha."
Ako: "Oh, tumawa na ang gago. Inom na. Lipat pa tayo mamaya sa kabila, maraming chicks dun. Tyak malilimutan mo yang Kathleen na 'yan."
SCENE #2 — The Throwback (Sa Kabilang Bar)
Chit: "Oy, ba't ang tahimik? Mukhang fail plano natin."
Mark: "Tanga. Mag-a-alas-seis pa lang, pa'no magkakatao? Kakabukas lang."
Ako: "Nga naman. Ang aga natin nagsimula. Absent pa tayo sa dalawang subjects."
Tris: "Mas okay nang absent kesa makita ko siya sa room. Di ko kaya."
Ako: "Ayan na nga. Lahat pa tayo nadamay—absent tuloy."
Chit: "Pasa tayo excuse letter bukas."
Mark: "Lahat tayo? Sabihin natin ano—sumakit ulo nating lahat?"
Ako: "LBM, dude. Sumama tiyan natin sa ulam sa canteen."
Mark: "Ang galing mo sanang magsinungaling. Sa dinami ng kumain sa canteen, tayo pa tinablan? Haha."
Ako: "Oo nga 'no. Di ko naisip."
Tris: "Order na. Magsaya na lang. Bukas na natin isipin 'yan."
Ako: "Okay! Tol, dating gawi. Paki-ON ng mic—kakanta kami."
Waiter: "Sige, pero pakihubad muna uniform n'yo. Bawal estudyante."
Ako: "Aye! Aye! Captain!"
Hindi namalayan ang oras. Tawanan, asaran, pulutan. Kantahan kahit sintunado. Nakakalimutan ang sakit at problema. Walo kami sa barkada; isa lang ang di single—si Chit, pero feeling single pa rin. Kaya lahat ng kalokohan napapasukan—minsan may away pero naaayos din. Marunong naman kaming magpakumbaba... maliban na lang kung gulo talaga hanap nila.
Napuno na ang ibang tables. Sa likod: mukhang gangsters. Sa side: mga mukhang b*tches. Pinaka-likod: mga may edad—parang future version ng barkada. Hahaha.
Nang kumanta ang side table—anak ng tipaklong—ang gaganda ng boses. Halos lahat napatingin. Lalo na nung Tadhana ng Up Dharma. Pang-night out talaga.
Tris (sigaw sa kabila): "Kung nakita kita noon pa, hindi na sana ako nasaktan!"
Napalingon ang mga babae; mga lalaki sa likod, sumama ang tingin.
Ako: "Tris, 'wag bastos! Baka trouble 'yan."
Tris: "Edi trouble."
Ako: "Lasing na, amputa."
Sumingit sa kanta yung likod na table. Anak ng itik! Di ko sinasabing maganda boses ko pero grabe, ang sama sa tenga—tapos mash-up pa kung ano-ano. Mula "langit na may anghel" naging "videoke sa impyerno."
Tawang-tawa na 'yung kabilang girls; halatang pinagtatawanan 'yung kumakanta. Naku, ayan na—Gangsters vs. B*tches. HAHA.
Ilang kanta pa, isang lalaki sa likod tumayo—lumapit sa girls' table. May pagtatalo; mukhang lalaban din 'yung isang babae. Tinuturo-turo siya ng lalaki. Di na namin pinansin—gulo nila 'yan. Pero pinipigilan ko si Tris; parang lalabas na sa balat ang yabang.
Ako: "Hindi ka superhero, okay?"
Bumalik sa table 'yung lalaki—pero halatang may plano.
Nagaya na 'kong umuwi—mag-a-alas-diyes na, may pasok pa bukas. Pagtayo namin, tumayo rin 'yung mga chicks sa kabila. Sumabay palabas. Lumapit ang isa: "Pwede ba makisabay kahit hanggang kanto lang?"
Putcha. Ano pa magagawa namin? "Okay."
Sunod agad 'yung limang lalaki—mukhang sanay sa rambol.
Lalaki 1: "Tol, out kayo dito. Tuturuan lang namin ng leksyon 'tong mayayabang na 'to."
Tris: "Kilala ko sila."
Lalaki 2: "'Wag sana kayong makisali. Problema nila 'to."
Tris: "Babae pa rin sila."
Lalaki 1: "Kaya nga—dapat marunong lumugar."
Ako: "Tris, tumahimik ka na."
Ako (sa lalaki): "Tol, baka p'wedeng pag-usapan?"
Lalaki 2: "Kung makikisali kayo, hindi na."
Ako: "Oh girls, mukhang hindi na daw. P'wede bang iwan na namin kayo—"
Tris: "Tangina! Bakla ba kayo? Babae nga 'di ba?"
Lumakas boses ni Tris, itinulak pa 'yung isa. Tahimik sandali 'yung mga lalaki... akala ko nasindak—'yun pala, may parating na police car.
Lalaki: "Magkikita pa tayo." Umalis sila.
Oy, mukhang ihip ng hangin nagbago: magkaka-lablayf ng instant si Tris. Pasalamat may pulis—kung hindi, bugbog sarado kami. Haha.
Babae: "Hi, thank you guys! Ako nga pala si Carren; siya si Elaiza, Mikky, at Marie."
Ako: "Umuwi na kayo."
Carren: "Thank you ulit. Anong pangalan mo?" (kay Tris)
Tris: "Lloyd."
Carren: "'Di nga? Yung totoo. Seryoso ako."
Tris: "Tris. Kung gusto mo, Tristan—para mahaba."
Carren: "Nice meeting you! Thank you rin, guys. Kahit suplado kayo—THANK YOU! See you again."
Tris: "You're welcome."
Carren: "Narinig ko sinabi mo kanina, kahit kumakanta ako. Bigo ka ba? Haha."
Tris: "Hah?"
Carren: "Bitter ka, ano?"
Tris: "Sweet ka lang siguro."
"At hanggang kanto na 'to. Okay na kayo dito? Delikado pag may kasamang babae," sabi ko.
"Bye guys, thank you ulit," wika nila.
Not bad for a good night.
SCENE #3 — The Awkward (Throwback)
"Yung taong mahal mo pero gusto mong kalimutan kasi sinaktan ka—
makaka-move on ka ba kung kaklase mo siya?"
TRIS' POV
Hayst. Pasok na naman. Ang pangit niya. Ang pangit niya. Ang pangit niya. Dapat ganyan lagi isipin ko para maka-move on. Game. Ang pangit niya.
"Nay, alis na ako!" sigaw ko.
Tangina, hangover. Teka, sino 'yung chick kagabi? Nakalimutan ko pangalan. Hehe. Pwede siyang panakip-butas—joke. Di naman ako gano'n ka-bitter. Gwapo ako, bawal masaktan. Kaya ko 'to. Hello school, hellyeah EX.
Pagdating sa school—awkward. Di ko siya kayang titigan. Sa tuwing nakikita ko siya, nadudurog pino ang puso ko. Pero di dapat mahalata. Maka-"Hi" nga.
"Hi, kamusta?" sabi ko.
Dedma. Hindi man lang tumingin.
Okay, gusto mo 'yan? Sabagay, kahapon lang tayo nag-break—este, waiting stage. Akala ng barkada "kami," pero truth? Wala. WALA. Sasagutin daw ako after 6 years of consistency bilang manliligaw. Sucks.
Ang dami pang bawal—according to God's plan. Kaya ko naman, kaso hanggang kailan? Ang hirap magmahal mag-isa. May nagmamahal daw sa'kin—si Lord. Pero two months pa lang, sakit na; six years pa kaya?
Di ako makafocus. Lalabas na 'ko. Pag laging may klase, di talaga ako maka-move on. Aarrrggh.
KATHLEEN'S POV
Buti lumabas na siya. (Lord, sorry sa iniisip ko.) Ang kapal niya mag-"Hi." Manhid. Walang puso. Buti na pinatigil ko na siyang manligaw—lumalabas na kulay: binalikan bisyo at barkadang lakwatsa.
Ewan ko ba—bakit sa unang beses kong magmamahal, siya pa. Ngayon, ayoko na. Lord, bigyan mo 'ko ng sign. Kailangan ba talagang masaktan pag nagmahal? Huhu.
Author (Me):
Kung makapag-drama 'tong dalawa—pang love story. Si Tris nag-walkout; si Kathleen tulala.
Prof: "Kathleen, how's your group project? I believe Mr. Tristan Montenegro is one of yours. Tumutulong ba siya?"
Kathleen: "Sir? Ho? Ano po 'yon?"
Prof: "I'm asking kung member n'yo si Mr. Montenegro."
Kathleen: "Aw, ganun po ba, Sir? Mukhang iba kasi yung una n'yong sinabi. Opo—sa kasamaang-palad, kagrupo ko siya."
Prof: "Magaling. Lambingin n'yo lang boys—tutulong 'yan. Huwag i-pressure; kausapin n'yo nang maayos. Acknowledge ideas nila—kahit weird—then explain kung bakit i-re-revise."
Kathleen: "Haist, okay." (Kainis din 'tong Prof na 'to. So mali ako, siya tama? Tamad lang siya at walang pangarap. Pero kailangan kita sa project na 'to. Dapat 'di mo mahalata na nasasaktan ako.)
Ayun. Kailangan magbati para sa project. Doon na ata nagtapos love story nila: plastik na ngiti, taguan ng sakit. Ewan kung moving on for the better o for the bitter.
Hanggang graduation—nila. Sa kasamaang-palad, naiwan kami ni Tris. Malay natin—God's plan. Haha.
SCENE #4 — Back to Present (Kristy's Birthday)
One year after nag-meet si Tris at Carren sa bar. .
Dating gawi: unli inumin, pulutan, tawanan. Buo pa rin barkada.
Tris: "Oy! Ba't di tayo mag-game?"
Chit: "Sige. Total may partner naman tayong lahat. Couple game."
Ako: "Oh teka! Paano ako?"
Kristy: "Syempre ako. Wala akong partner kung aayaw ka. Kaarawan ko, pagbigyan mo na 'ko."
Ako: "Andaya n'yo. Mas lalaki pa nga sa'kin 'to kung umasta."
(Tawanan.)
Chit: "Simple lang. Ikot bote—'yung mapatapat ang pwetan, siya maglalagay ng asin sa kahit saang parte ng katawan nung matatapatan ng ulo. Tapos didilaan ng partner. Gets?"
Mark: "Game! Warm-up muna—'wag muna sa exciting parts baka maaga tayo matapos."
Jimmy: "Agree. Kanina pa may gustong gawin 'tong dalawang mokong."
Mark: "Sino—si Bots at Clark?"
Jimmy: "Pati na si Arth. Hahaha."
Ako: "Ba't nasali ako d'yan! Tangina n'yo."
Mark: "Teka, asan si Jun at Elena?"
Jimmy: "'Wag n'yo na istorbohin. Nauna na. Hahaha."
Chit: "Game na nga. Puro kayo kalokohan."
Ikot bote. Unang ulo: kay Tris. Pwetan: kay Elaisa (GF ni Mark). Nilagay ni Elaisa asin sa leeg ni Tris; dinilaan ni Carren (GF ni Tris). Tawa kami—kiliting-kiliti si Tris.
"Di ko na kaya—humanda ka mamaya!" sigaw niya.
Mag-ON na sina Tris at Carren—ang bilis, 'no? Simula pa 'yung trouble night sa bar—love at first sight daw. Wow.
Pagkatapos ng stress na laro, trip naming interview-hin si Tris.
Chit: "Carren, pang-ilan si Tris sa mga boyfriend mo ngayon?"
Carren: "Anong pang-ilan? Siya lang mag-isa."
Chit: "Aha! Tris, pa'no mo naging GF 'to?"
Tris: "Nanligaw siya sa'kin."
Carren: "Wow ha? Teka, bakit nga ba tayo naging mag-boyfriend?"
Tris: "Ewan. Sabi mo gusto mo 'ko, eh type din kita. Ayun."
Ako: "Tanga sa one-night stand 'yon, sabi mo sa'kin. Hahaha."
Tris: "Haha oo nga pala, mhine. Doon nagsimula."
Carren: "Gago ka talaga. Sabi ko na eh—masyado kang honest. 😬"
Tris: "Iba na ngayon. Totoo na 'to. Kaya sa ginawa mo kanina—asan mo, mamaya di ka makakatulog."
Carren: "Ikaw lang naman ang natutulog. Mahina ka. Haha."
Ako: "Weh? Simulan n'yo na—mag-mamadaling araw na."
Mark: "Hahaha, tara. Kanya-kanya na, mga tol. Good night!"
Chit: "Mark, nakaligtas ka ngayon; next time ikaw naman. Tsaka bata pa si Elaiza—baka ma-child abuse ka."
Elaiza: "Siya pa nga tinuturuan ko—ang hina. Haha."
Mark: "Tsk. Bye, guys!"
Ang bilis ng pangyayari. Dati, walang hilig 'to sa babae—ngayon, baka matalo pa 'ko. Haha.
SCENE #5 — Sa Room (Ex Problems)
Carren: "Mhine, ba't wala kang kinukuwento tungkol sa ex mo?"
Tris: "Kailangan pa ba 'yon?"
Carren: "Hindi naman... gusto ko lang malaman kung ba't di tumagal."
Tris: "Boring ka-sex."
Carren: "Kahit kailan, di ka kumausap nang matino."
Tris: "Nakakapikon ka. Naghuhukay ka ng patay."
Carren: "'Yan na naman. Pag ex na topic, umiinit ulo mo."
Tris: "Pinakikialaman ko ba ex mo?"
Carren: "Minahal mo ba 'ko—hindi dahil sa katawan ko?"
Tris: "Mwa." (Halik sa noo.) "Tulog na tayo."
Carren: "😥"
Hirap, 'no? Mahal naman siguro ni Tris si Carren; di lang expressive. Mag-isang taon na pero di pa naririnig ni Carren ang "I love you" mula kay Tris. Dati, kay Kathleen—maski libro, upuan, cellphone—may "I love you." Iba talaga 'pag sweet naging bitter. Ewan ko ba't tumagal pa sila—sex lang ba nagpapatibay? Joke. 'Di ko sila iju-judge. Abangan na lang natin.
SCENE #6 — Tris & Carren's Anniversary
2 months after Kristy's Birthday. .
Syempre invited kami—all in.
"Isu-surprise natin si Carren." Ang alam niya, simpleng party lang.
Team effort. Pangarap ni Carren: maharana at masabihan ng 'I love you' for the first time—ng mahal niya mismo. Ito na 'yon.
Kompleto. Kainan, inuman. Ilang saglit pa—unti-unting lumabas lahat ng boys. Sa loob, girls lang, chikahan. Lahat alam ang plano—maliban kay Carren.
Pag tugtog pa lang ng intro ng gitara—kilig, hiyawan. Dinala nila si Carren palapit. Si Tris, highlight, pero nagtatago sa likod namin—kunwari cool.
I wanna make you smile... whenever you're sad...
Carry you around when your arthritis' bad...
All I wanna do... is grow old with you...
Habang kumakanta si Tris, di napigilan ni Carren ang luha—sobrang saya. Di pa tapos ang kanta, niyakap na niya si Tris. Nakaka-touch. Tumuloy pa rin kami para ma-seal ang moment.
...is grow old with... you...
Tris: "Mhine—yan ang pinili mong callsign natin, 'di ba? Sa una ayaw ko kasi... wala naman akong maibibigay sa'yo na masasabi mong 'sayo lang'. Mahirap... di ko man lang masabi na mahal kita; di ko maiparamdam. Pero salamat—nandito ka pa rin.
Lumayo ka konti—gusto kong makita mo itsura ko."
Carren: "Ayan ka na naman. Sweet na, non eh... Okay, lalayo na. ;("
Tris: "'Wag kang umiyak, pumapangit ka. Naalala mo sinabi ko nung una tayong magkita sa bar—nung nagka-trouble kayo?"
Carren: "'Yung sinigawan mo kami?"
Tris: "Ikaw lang sinigawan ko."
Carren: "Oo—'sana 'di ka na nasaktan kung dati pa tayong nagkakilala?'"
Tris: "Kung dati pa kita nakita, 'di sana ako nasaktan. Sana nakilala mo 'ko nang buo pa 'tong puso ko. Sana di ka nahirapan sa pag-iintindi sa'kin."
Carren: "Kaya nga siguro huli mo 'kong nakilala—kasi ako ang bubuo niyan."
Tris: "I LOVE YOU, mhine."
Carren: "Totoo ba 'to? Ano ulit 'yon?"
Tris: "Sabi ko, mahal kita."
Hiyawan barkada.
"Inuman na!" sigaw ni Chit.
"Oops, di pa tapos—may Part Two."
Tris: "Mhine, pahiram kamay mo. Try ko lang kung kakasya 'to. Pag hindi... sorry. Hehe."
Carren: "Seryoso? Kakasya 'yan. Alam kong kakasya."
Tris: "Pasensya—mumurahing singsing lang."
Carren: "Isuot mo na. Haha. At YES ang sagot ko."
Tris: "Magpakipot ka naman kahit konti."
Carren: "Okay. Haha."
Tris: "Carren Rines, gusto kitang pakasalan ngayon."
Carren: "Ano? As in ngayon?"
Tris: "Oo, ready na lahat. 'Di ba, mga chong?"
"Aye! Aye! Captain!" sagot ng squad.
Tris: "Oh... sagot na?"
Carren: "Oo na—YES na YES! Gusto ko ring maging asawa mo. Ngayon."
Yakap. Girls—puting tela para sa trahe. Boys—sound effects: tan tan taran...
Ako (kunwari pari/mayor): "Bilang nakakatanda, tungkulin kong magbigay-basbas sa inyo na pinagbuklod ng sama ng panahon. Sino ang tumututol sa kasal na ito?"
(Taas kamay lahat—script 'yan, relax.)
Tris: "Kaya mo ba 'kong ipaglaban—us against the world?"
Carren: "Humirit ka pa. Oo—hanggang kamatayan."
Ako: "Dahil sa di mapigil na pagmamahalan—tuloy ang kasal. Tris, sigurado ka na ba? Rak na 'to?"
Tris: "Opo, padre—este, mayor."
Ako: "Carren, bibigyan mo ba si Tris ng sandosenang anak—simula mamaya?"
Carren: "Opo, mayor—kahit kasing-dami ng estudyante niya."
Ako: "Kung gayon, kasal na kayo. Pero mamaya na ang halikan, okay?"
Mabuhay ang bagong kasal!
(Di man legal, pero rumerespeto ang barkada. Inuman na!)
SCENE #7 — Tris' POV
Oo—natuto rin akong magtiwala at magmahal muli. Sa totoo, sinukat ko lang kung hanggang saan niya 'ko kayang tiisin. Aminado akong panakip-butas siya sa una—pinagsisihan ko 'yon. 'Wag sana niyang malaman, pero alam kong ramdam niya. Tanga na siguro ako kung pakakawalan ko pa siya sa kabila ng lahat ng isinakripisyo niya para sa'kin. Salamat, barkada—kung wala kayo, baka gumagapang pa rin ako sa sakit ng pagmo-move on. Hellyeah, guys.
Kita ko ang saya sa mukha ni Carren. Pinaghintay ko siya bago ko sinabi ang totoo—matagal ko na siyang mahal. Natakot lang akong masaktan ulit kaya pinili kong maging manhid. Ang ending—siya pala ang nasasaktan ko.
Matapos ang anniversary at wEEEHHding, sinimulan kong ipakita sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Ganun din siya—kahit naiilang, kasi bago. Dahan-dahan.
SCENE #8 — Carren's POV
I'M SO SORRY. Huhu.
Di ko inasahang gagawin 'to ni Tris. Nasasaktan ako, nagiguilty—kasi gusto ko na sana siyang iwan noon. Nakipagkita pa 'ko sa ex bago ang anniversary namin. Di ko na kasi alam kung ano kami ni Tris. We had sex, pero iba 'yung hinahanap ko—'yung maramdaman kong mahal ako: I love you araw-araw, good morning/good night texts, monthsaries—'yung basics. Akala niya okay lang sa'kin na ganun siya. Pero deep inside, sakit.
Guilty ako. Mahal ko si Tris mula nang sinagot ko siya, pero sa tagal, di nagbago ugali niya—masyadong negatibo, di marunong mag-"sorry." Simula pa lang, inintindi ko siya. Okay lang daw na mag-lakwatsa ako, basta kapag nag-text siya na kailangan niya 'ko, dapat nandun ako. Kung kayo nasa sitwasyon ko—maiintindihan n'yo.
Kaya ko pa sanang ayusin. Sasabihin ko sa ex ko na hindi totoo 'yung mga sinabi ko—galit lang ako noon. Pero huli na. Nagsisisi ako. Sana naghintay na lang ako. Huhu. Help, please.
Teka—phone ko! Lagot—nasa cabinet ni Tris...
SCENE #9 — Isang Pagkakamali
Tris: "Carren! Phone mo—naiwan mo kanina."
Carren: "Mhine? Oo, nagmamadali kasi ako. Naiwan ko sa taas ng cabinet."
Tris: "Nakita ko—may tumawag: si Ralph. Ex mo."
Carren: "Si... sinagot mo ba?"
Tris: "Hindi. Pero nabasa ko 'yung text conversation n'yo mula umpisa. Pasensya na—pinakialaman ko phone mo."
Carren: "Convo namin ni Ralph?"
Tris: "Oo. Nabasa ko na lahat."
(Natahimik si Carren.)
Carren: "Mhine... SORRY. Magpapaliwanag ako."
Di niya mapigilan emosyon; di niya alam gagawin—napaupo sa sahig at umiyak, nagmamakaawa.
Nangyari ang kinatatakutan niya. Magsosorry pa sana siya sa ex at buburahin ang convo. Di niya akalaing babasahin ni Tris—dati kasi, wala namang pake si Tris sa gamit niya. DATI 'YON.
Alam ni Carren ang FB password ni Tris, pero si Tris—ni minsan di humingi ng password ni Carren. Si Carren madalas tagareply sa group chat; si Tris, ni minsan di hinawakan phone niya—kasi nga wala siyang pake. Dati.
Ouch. Papakinggan pa ba ni Tris si Carren—o dito na matatapos love story nila? Paano 'yung kasal?
SCENE #10 — The Break-Up
Tris: "Sorry, Carren. Alam kong may pagkukulang ako. Alam ko na rin 'yung tungkol sa ex mo—dati pa. Kaya di na ako nagtatanong. Di ko pinapakialaman gamit mo kasi ayokong makakita ng bagay na related sa ex mo. Ayokong magselos. Di ko magawang magtiwala—oo. Hanggang nag-uusap at nagkikita kayo ng ex mo, hindi ko 'yon kaya. Di ko alam kelan kayo nagsimulang mag-usap, pero malinaw sa'kin 'yung nakita ko. Sapat na para pakawalan ka. Kasi sumuko ka—di mo man lang sinabi sa'kin. Sabagay, pati ako sumuko na sa sarili ko—masyado akong natakot masaktan kaya pinili kong manahimik at maging manhid. Pero maniwala ka—minahal kita sobra. Hindi dahil sa katawan mo, hindi dahil minahal mo 'ko—minahal kita kasi 'yon ang naramdaman ko. 'Wag kang mag-alala—hindi ako nasaktan. At 'wag mong ipakitang nasasaktan ka. Sorry, pero pakakawalan na kita."
Carren (umiiyak): "Hindi mo ba muna ako papakinggan?"
Tris: "Malambot na ang puso ko—hindi na 'to mababasag."
Carren: "Mahal kita. Oo, sumuko nga ako. Pero minahal kita."
Tris: "Pero sumuko ka."
Carren: "Kasi ang hirap mong ipaglaban."
Tris: "Sana sinabi mo man lang. P'wede ka namang magmahal ng iba—bakit sa ex mo pa? Minsan ka na niyang sinaktan nang sobra."
Carren: "Kasi nasanay na 'ko sa sakit na 'yon. Pero 'yung sakit galing sa'yo—hindi pa. At mas masakit 'to kasi araw-araw mo 'kong sinasaktan—paunti-unti."
Tris: "Kaya ba sumuko ka?"
Carren: "Oo. Pero nawala lahat 'yon nung anniversary natin. Do'n ko na-realize na mali ako. Sinikap kong ayusin... pero huli na."
Tris: "Ayokong maghintay ka. Love yourself. Kalimutan mo na 'ko."
Carren: "Sa dami ng mali mo, di kita sinukuan—hanggang sa napuno ako. Pero sa akin, isa lang, di mo na ko mapatawad? Okay, Tris. Pagod na 'ko. Pagod na 'ko maging alipin ng pagmamahal ko sa'yo. Pagod na 'ko kakaintindi sa'yo. Manhid ka. Ngayon malinaw kung bakit di kayo tumagal ng ex mo—ma-PRIDE ka. Gusto mo ikaw lang lagi ang iniintindi. Okay—break na tayo. Sana makakita ka ng magmamahal sa'yo nang higit pa sa ginawa ko. Goodbye."
SCENE #10.5 — Back to the Author
OUCH.
Hindi ko kaya 'yon. Tatapusin ko na ba? Nakakainis—ang saya na sana, tapos ganito?
Ilang buwan lumipas—nalungkot kami, syempre. Sobrang saya namin nung "kinasal" sila, tapos hahantong sa ganito? Hays, buhay. Hirap maghintay, hirap sumugal, hirap magmahal.
Ano kaya mangyayari kina Tris at Carren—magbabalikan pa ba?
Si Carren—bumalik sa ex. Hindi pa naman "sila," need lang daw ng comfort. WOW. Lalong magagalit si Tris.
Si Tris—back to dati: BITTER. Huling araw na magkasama kami, nakita namin si Kathleen—pero dedmahan pa rin sila. Mga bata talaga.
Kung naghintay sana si Tris kay Kathleen... nuke! Limang taon na lang sana. Pero, kung naghintay siya, di niya sana naranasan ang masasayang araw with Carren. Gets? Hehe.
May pag-asa pa kay Kathleen—di pa nagpapaligaw. Marami pa raw siyang gagawin sa buhay, sa pamilya, kay Lord. Mabuti na rin 'yon.
Kung ako sa'yo, Tris—maghintay ka na lang ng five years. Hahaha.
Basta ako, focus muna ako sa study ko, este sa kay Ammie. Syempre baka ako na next na ikasal 🤣
Hanggang dito muna... abangan ang susunod na kabanata. Paalam. HEHE.
Paalala
Ang estorya, tauhan, at lugar ay bunga ng malikot na imahinasyon ng may-akda. Kombinasyon ng totoong pangyayari at gawa-gawang kwento lamang; walang personal na intensyon—tanging pagbibigay ng aliw at munting aral.
Salamat sa pagbabasa. Sana maging bahagi kami ng buhay n'yo sa munting inspirasyon. JAHbless!
— AYENG