POLICY

Tamang Pagsusuot ng Uniporme

Ang pagsusuot ng uniporme ay naayon sa polisiya ng Kagawaran ng Edukasyon na sa katanggap-tanggap sa pagpasok sa paaralan. Upang masiguro ang pagkakakilanlan at ang kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa mga tagalabas na maaring makapasok at makahalubilo nila sa loob ng paaralan na maaring maglagay sa kanila sa alanganin, hinihikayat ang lahat na pagsusuot ng uniporme ang mga mag-aaral tuwing araw na may pasok at pagsusuot ng kanilang Identification Card o ID. Maaari naman nilang gamitin ang kanilang pang P.E. sa araw na sila ay may iskedyul para dito sa buong maghapong ilalagi nila sa paaralan para sa kanilang pang-akademikong klase.

 

PARA SA KALALAKIHAN

·       White T shirt o Polo shirt na may printed na logo ng SFNHS

·      Navy Blue/ itim na pantalon o  slacks

·      Itim na sapatos o rubber shoes  at puting medyas

 

PARA SA KABABAIHAN

·      White shirt o blouse with collor and necktie

·      Green checkred Pleated skirt/ pantalon o slacks na itim

·      Itim na sapatos o rubber shoes  at puting medyas

 

Sa kasalukuyan, ang pansamantalang pagsuot ng kasuotan na kung saan ang mag-aaral ay kailangang nakasuot ng puting tshirt/blouse at pantalon na hanggang maaari ay kulay itim o asul lamang at walang anumang butas(tattered jeans).Ang tshirt ay walang kahit anumang print o kung mayroon man ay maliit na print lamang na hindi nagsasaad ng anumang mahahalay o hindi magandang design, print o sulat ganun din ang print na nageendorso ng simunang opisyal ng pamahalaan.Ang mag-aaral ay papaayagang pumasok sa paaralan kahit ito ay hindi naka sapatos.

 

Pagsuot o Paggamit ng School ID

            Ang mag-aaral ay dapat na isuot ang kanilang mga ID na ibinigay ng paaralan simula sa pagpasok ng gate at habang sila ay nasa llob ng paaralan para sa kanilang pagkakakilanlan.

            Kung sakaling nawala ang ID ay dapat na maipagbigay-alam ito agad sa adviser  upang mabigyan sila ng temporary gate pass at ang mag-aaral na ang bahalang magbayad ng ID niyang bago kapag ito ay binigyan muli.

 

Gupit at Pag-aayos ng Sarili

Kailangang ang gupit ng lalaki ay yaong sila ay magmumukhang disenteng estudyante na nagpapakita ng pagiging maginoo. Ang gupit ay kailangang “clean cut” ito ay dapat na nakikita ang tenga at mata ng  mga mag-aaral .

Para naman sa mga babae, ay yaong magmumukha rin silang disenteng estudyante na nagpapakita ng pagiging binibini. Ang buhok ay hindi dapat natatakpan ang mga mata ng mag-aaral.

Lahat ng mag-aaral ay hindi pinapayagang maglagay ng pangkulay sa buhok.

 

Hikaw , body piercing ,Make-up

 Ang pagsusuot ng hikaw at pagkakaroon ng body piercing ng mga kalalakihan  ay pinagbabawal. 

Hindi pinahihintulutan sa mga kababaihan ang paglalagay ng make-up maliban kung mayroong mayroong mga palatuntunan sa paaralan .

Ang body piercing ay hindi pinahihintulutan sa mga kababaihan tanging isang pares lamang ng hikaw  sa tainga ang maaaring nilang isuot.

 

Malimit na  Pagliban/Pagkahuli sa Klase/ Cutting Classes

Ang mag-aaral na malimit na lumiiban /cutting classes/pgkahuli (10mins o higit pa ay ituturing na late). Ang mag-aaral ay maaari lamang na mahuli /lumiban/ at mag cutting classes sa klase ng 3 beses sa loob ng isang taon sa kanyang mga klase.

 

Off-Limits Areas

Ang mga mag-aaral ay hindi pinapayagan na pumunta sa mga lugar ng faculty room,principal’s office, area ng stage,canteen,guard area,library,park,covered court at lahat ng likod ng building paaralan kung sila ay hindi binigyan ng permiso ng guro na pumunta sa mga lugar na ito.

 

Bagsak na Asignatura

Ang mag-aaral na may tatlong (3) bagsak na asignatura o higit pa ay ituturing na repeater at kailangang ulitin ang grade level.

Ngunit kapag isa (1) o dalawang (2) asignatura ang bagsak ay kailangang maipasa muna ang bagsak na asignatura sa pamamagitan ng summer class.

Kapag naipasa ng mag-aaral ang binigay na summer class ng paaralan ay maaari na itong tanggapin at mag-enroll sa paaralan. 

 

Faculty Room/ Principal’s Office

            Ang opisina ng prinsipal pati na rin ang faculty room ay dapat na ituring na pribadong opisina para sa mga guro at prinsipal. Walang estudyante, bisita o magulang ang i-entertain ng walang opisyal na kailangan.

 

 

SANCTION PARA MINOR OFFENSES NA NILABAG SA PATAKARAN NG PAARALAN

 

UNANG PAGLABAG

·      Pagbibigay alam sa gurong tagapayo upang ipatawag ang magulang ng mag-aaral upang maka-usap at ipaalam ang maling gawi ng mag-aaral at ang kaniyang nilabag na patakaran sa paaralan. Ito ay itatala ng guro sa kaniyang adviser’s anecdotal records for student’s offenses.

 

IKALAWANG PAGLABAG

·      Pagpapatawag sa gurong tagapayo upang ipatawag ang magulang ng mag-aaral upang maka-usap at ipaalam ang maling gawi ng mag-aaral at ang kaniyang nilabag na patakaran sa paaralan.  At bibigyan ng pagkakataon na makausap ang Child Protection Committee para sa pagpapaalala at pagpapayo sa mga maling gawi ng  mag-aaral kasama ng kasunduan na kung saan nakalagay ang maaaring maging kaukulang disiplina sa mag-aaral.

 

IKATLONG PAGLABAG

·      Pagpapatawag sa gurong tagapayo upang ipatawag ang magulang ng mag-aaral upang maibigay ang karampatang parusa na pagbibigay ng 2 araw paglilinis sa paaralan pagkatapos ng kanyang klase.At pagkakaroon ng counseling ng guidance counselor/ designate sa mga maling gawing nagawa ng mag-aral.

 

MAJOR OFFENSES


·      Vandalism at iba’t ibang uri nito

·      Pagpapakita ng mahalay na gawi sa loob ng paaralan

·      Pandaraya o palsipikasyon ng mga tala ng paaralan

·      Pamemeke ng lagda ng magulang o tagapag-alaga, guro o kawani ng paaralan

·      Pagdadala ng mahahalay na magasin o babasahin o pelikulang ipinapapanood sa iba

·      Pagpigil, pananakot sa mga mag-aaral o mga guro o kawani sa pagtupad sa kanilang tungkulin o pagtuturo o pagpasok sa loob ng paaralan.

·      Malimit at paulit-ulit na paglabag sa alituntunin ng paaralan (Depende sa digri ng paglabag at kung ano ang nilabag)

·      Pango-ngotong ng salapi o bagay

·      Paghahamon ng away o pag-aamok na nagdulot ng kaguluhan sa loob ng paaralan

·      Maaring pasalitang pagbabanta, pananakot o malabis na panghihiya

·      Pagsali sa Fraternity o Sorority na nagdudulot ng pahamak o kaguluhan sa kapwa estudyante at paaralan.

·      Paninigarilyo sa loob ng kampus

·      Nasira ng mga gamit at pasilidad ng paaralan

 


SANCTION PARA MAJOR OFFENSES NA NILABAG SA PATAKARAN NG PAARALAN

 

UNANG PAGLABAG

·      Magkakaroon ng pakikipag-usap sa Child Protection Committee at pagpapatawag sa gurong tagapayo upang ipatawag ang magulang ng mag-aaral upang maka-usap at ipaalam ang maling gawi ng mag-aaral at ang kaniyang nilabag na patakaran sa paaralan. Bibigyan ng 5 araw na suspensyon at pagbibigay ng serbisyo sa loob ng paaralan katulad ng paglilinis sa loob at labas ng silid aralan.

 

IKALAWANG PAGLABAG

·      bibigyan ng 7 araw na suspensyon at pagbibigay ng serbisyo sa loob ng paaralan katulad ng paglilinis sa loob at labas ng silid aralan.

 

·      Irerekomenda ang mag-aaral sa City Social Welfare and Development Office (CSWD)/ Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa karagdagan at kaukulang counseling at interbensyon sa mag-aaral at magulang. Hihinatayin ang rekomendasyon at assessment ng  MSWD sa mag-aaral at gagawin ng paaralan ang kanyang tungkulin  na nakasaad sa rekomedasyon.

 


GRAVE OFFENSES


·      Pagpapasok o paggamit ng droga o kahalintulad nito gaya ng marijuana, shabu, at iba pa.

·      Pagnanakaw

·      Pagdadala ng baril, patalim o mga nakakasakit at nakakamatay na mga bagay

·      Pagdadala ng pampasabog o mga bagay na may kinalaman sa terorismo

·      Nakasunog ng mga gamit at pasilidad ng paaralan.

·      Pagsusugal sa anumang paraan habang nasa loob ng paaralan

·       Pagdadala, pag-iinom ng nakalalasing na inumin o pagpasok ng lasing

·      Pananakit at pambubogbog na nagdudulot ng pisala sa katawan ng kapwa mag-aaral.

·      Nakapatay ng kapwa mag-aaral sa kapwa mag-aaral.

 

 

SANCTION PARA GRAVE OFFENSES NA NILABAG SA PATAKARAN NG PAARALAN

 

UNANG PAGLABAG

Irerekomenda ang mag-aaral sa Municipal Social Welfare and Development (MSWD) para sa karampatang interbensyon. Ang bata ay agad na susupendihin sa pag-aaral.

 

Dismissal

            Lahat ng mag-aaral na patuloy na nasasangkot sa MAJOR AT GRAVE OFFENCES ng paaralan matapos silang sumailalim sa imbestigasyon o disciplinary action ay maaring maalis sa paaralan.



SAFETY RULES

 

1.    Lahat ng mag-aaral ay nararapat na alam ang lahat ng tuntunin ng paaralan upang maiwasan ang anumang maaring pagkapinsala ng buhay at ari-arian.

2.    Ang paaralan ay syang responsable sa kapakanan ng mga guro at non-teaching staff at mga mag-aaral nito. Ngunit anumang kapahamakan ang mangyari sa kanila ng dahil sa sariling kapabayaan ay hindi magiging sagutin ng paaralan.

3.    Ipinagbabawal ang magpagala-gala sa mga pasilyo o hallways ng paaralan habang nagkaklase.

4.    Sa panahon ng emergency tulad ng sunog at earthquake manatiling kalmado at mahinahon. Sumilong o kumubli sa matitibay na bagay (ilalim ng mesa o upuan).

5.    Sa tuwing may baha o bagyo, alinsunod sa alituntunin at regulasyon ng Kagawaran ng Edukasyon, awtomatikong suspendido ang klase sa kindergarten kapag mayroong Storm Signal No. 1 sa isang lugar na bayan at probinsiya. Suspendido naman ang klase sa Elementarya.Ang paaralang Sekondarya na nakararanas ng Storm Signal No. 2, ipinaalala  ng Kagawaran ng Edukasyon  na dapat suspindihin ang klase.