Isang malaking karangalan at pribilehiyo ang ipabatid ang aming mainit na pagbati sa inyong lahat sa pamamagitan ng opisyal na website ng Sangguniang Kabataan ng Bugallon Proper.
Ang platapormang ito ay itinaguyod bilang tulay ng impormasyon at pagkakaisa para sa kabataang Centro. Dito itinatampok ang mga programa at proyektong layuning hubugin ang inyong kakayahan, itaguyod ang partisipasyon, at isulong ang pag-unlad ng ating komunidad.
Sa pahinang ito, inyong matutunghayan ang mga mahahalagang balita, anunsyo ng mga darating na aktibidad, at iba't ibang oportunidad na naglalayong hikayatin ang mas aktibong pakikilahok ng kabataan. Layunin ng inyong SK na maging katuwang ninyo sa pag-abot ng inyong mga pangarap, at tiyakin na ang boses ng kabataan ay laging naririnig at nabibigyang-halaga.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang website na ito upang mas mapalalim pa ang inyong pakikiisa sa mga adhikain ng ating barangay tungo sa isang mas progresibo, inklusibo, at makabuluhang kinabukasan.
Sama-sama nating itaguyod ang pagkakaisa, kaunlaran, at tapat na serbisyo para sa lahat.
Muli, maligayang pagdating at taos-pusong pasasalamat sa inyong suporta!
-SK Bugallon Proper
Committee Chairperson
HON. RANGEL JOSEPH C. SADABA
Members
Hon. Mc Reyson R. Imbag
Hon. Remo Ulysses D. Aduca
Hon. John Michael Melendez
Committee Chairperson
HON. REMO ULYSESS D. ADUCA
Members
Hon. Princess Krenzelle Z. Bañaga
Hon. Rangel Joseph C. Sadaba
Hon. Thrixie Melanie G. Raluta
Committee Chairperson
HON. MC REYSON R. IMBAG
Members
Hon. John Michael C. Melendez
Hon. Rangel Joseph C. Sadaba
Committee Chairperson
HON. THRIXIE MELANIE G. RALUTA
Members
Hon. Princess Krenzelle Z. Bañaga
Hon. Remo Ulysses D. Aduca
Committee Chairperson
HON. PRINCESS KRENZELLE Z. BAÑAGA
Members
Hon. Thrixie Melanie G. Raluta
Hon. Mc Reyson R. Imbag
Hon. John Michael C. Melendez
Committee Chairperson
HON. JOHN MICHAEL C. MELENDEZ
Members
Hon. Mc Reyson R. Imbag
Hon. Rangel Joseph C. Sadaba
Committee Chairperson
HON. JOHN MICHAEL C. MELENDEZ
Members
Hon. Remo Ulysses D. Aduca
Hon. Rangel Joseph C. Sadaba
Hon. Princess Krenzelle Z. Bañaga
Click the boxes below to access the documents using the provided links.
(I-tap ang mga box sa ibaba upang ma-access ang mga dokumento gamit ang mga ibinigay na link.)
Ano ito: Taunang plano ng SK.
Para saan: Ito ang guide ng SK sa lahat ng projects at activities para sa buong taon.
Bakit mahalaga: Para may malinaw na direksyon at purpose ang mga ginagawa ng SK para sa kabataan.
Ano ito: Mas malawak na plano ng SK na sakop ang tatlong taon.
Para saan: Dito nakalista ang mga big projects at long-term goals ng SK.
Bakit mahalaga: Para tuloy-tuloy ang mga proyekto kahit magpalit ng SK officials tinatawag natin itong sustainable planning.
Para saan: Dito kinukuha ang panggastos sa mga proyekto at activities ng SK para sa kabataan.
Bakit mahalaga: Para siguradong may maayos na sistema at sapat na budget sa mga plano ng SK, at hindi bara-bara ang paggastos.
Ano ito: Ulat kada buwan ng mga nagawa ng SK.
Para saan: Para makita kung may progress at natatapos sa mga plano.
Bakit mahalaga: Para masukat ang performance ng SK at mapakita na hindi lang nakaupo, kundi talagang kumikilos para sa kabataan.
Ano ito: Ulat tungkol sa perang natanggap at nagastos ng SK.
Para saan: Para ipakita kung saan ginamit ang pondo.
Bakit mahalaga: Para sa transparency — malaman ng kabataan at ng barangay kung saan napupunta ang pera ng SK. Layunin nito ang tapat at malinaw na pag-uulat sa pera.
Ano ito: Record ng mga pinag-usapan at napagkasunduan sa meeting.
Para saan: Para hindi makalimutan ang mga desisyon sa pulong.
Bakit mahalaga: Mahalaga ito bilang record at ebidensya ng mga planong gagawin. Kung may hindi pagkakaintindihan, puwede itong balikan.
Ano ito: Isang opisyal na dokumento kung saan nakasulat ang napagkasunduan o desisyon ng SK.
Para saan: Para maitala at maging legal na basehan ang mga proyekto, programa, o anumang hakbang na gagawin ng SK.
Bakit mahalaga: Para tuloy-tuloy at may malinaw na record ang mga proyekto kahit magpalit ng SK officers — tinatawag itong sustainable planning.
Ano ito: Mga patakaran o batas na pinapatupad ng SK.
Para saan: Nagsisilbing gabay para sa mga gawain ng SK at ng kabataan.
Bakit mahalaga: Para may malinaw na sistema at rules na sinusunod—nakakatulong ito para maging maayos at disiplinado ang mga programa at ang kabataan.
Join us! Be a part of the Katipunan ng Kabataan. Complete your profiling here! (Tara na! Maging bahagi ng Katipunan ng Kabataan. Kumpletuhin ang iyong profiling dito!)
Ang Katipunan ng Kabataan (KK) Database ay isang talaan o listahan ng lahat ng mga kabataang miyembro ng Katipunan ng Kabataan sa bawat barangay.
Para malaman kung sino-sino ang mga kabataang miyembro ng KK.
Lahat ng kabataang nasa edad 15 hanggang 30 at nakatira sa barangay ay awtomatikong miyembro ng Katipunan ng Kabataan.
Para mas mapadali ang komunikasyon sa mga kabataan.
Dito nakalista kung sino ang mga pwedeng abisuhan tungkol sa mga programa, pulong, at aktibidad ng SK.
Para maging basehan sa paggawa ng mga programa at proyekto para sa kabataan.
Nakakatulong ang impormasyon para malaman kung anong mga programa ang kailangan at makakatulong sa mga kabataan.
Para masiguro ang transparency at tamang pag-uulat.
Nakikita dito kung ilan ang natutulungan ng mga proyekto ng SK at paano ito naaapektuhan ang mga kabataan.
Para sa tamang eleksyon ng SK.
Ginagamit ang listahan para malaman kung sino ang may karapatang bumoto at tumakbo sa halalan ng SK.
Mahalaga ito para mas maging organisado at epektibo ang pamamahala ng mga programa para sa kabataan sa barangay. Dito nakikita kung sino ang mga kabataan na kasali at kung ano ang kanilang mga pangangailangan.
Ang Batang Centro Iskolarship Program ay isang opisyal na programa ng SK Bugallon Proper na nagbibigay ng financial assistance o tulong pinansyal sa mga kabataang college students na residente ng barangay na nangangailangan ng suporta para sa kanilang pag-aaral.
Tulungan ang mga kabataan na may kahirapan pero may mahusay na academic performance upang makapagtapos sa kolehiyo.
Hikayatin ang kabataan na maging responsable at aktibong kasapi sa mga programa ng barangay at SK.
Palakasin ang partisipasyon ng mga kabataan sa pag-unlad ng komunidad.
Dapat residente ng Barangay Bugallon Proper.
Kasalukuyang naka-enroll sa isang lehitimong kolehiyo o unibersidad.
Walang bumagsak na subject sa huling semester.
May magandang asal at aktibo sa mga aktibidad ng SK o barangay.
Kumpletong application form ng Batang Centro iSKolarship.
Certificate of Registration/Enrollment at kopya ng grades.
Certificate of Indigency mula sa barangay.
Valid ID at 1x1 na larawan.
Certificate of participation sa barangay o SK activities (kung meron).
Nagbibigay ng Cash allowance kada semestre.
Kapag nakapasok na sa programa ang isang iskolar, hindi siya matatanggal hangga't natutugunan niya ang mga pamantayan ng programa hanggang sa makapagtapos siya.
Galing sa Sangguniang Kabataan Fund ng Barangay Bugallon Proper.
May selection committee na binubuo ng SK Chairman at mga opisyal ng SK na siyang nagsasala ng mga aplikante.
Do you want to be part of the BATANG CENTRO iSKolar? Fill out the form below. Click the box here:
(Nais mo bang maging bahagi ng BATANG CENTRO iSKolar? Sagutan ang form sa ibaba. I-click ang kahon dito:
PARA KANINO ANG FREETARP PROGRAM?
Libreng tarpaulin printing para sa mga nakapasa sa Board Exam o Bar Exam bilang pagkilala at pagdiriwang sa kanilang tagumpay.
Sino ang pwedeng mag-avail?
Mga bagong board passers mula sa iba't ibang propesyon.
Mga bagong bar passers (mga abogado) na residente ng barangay.
Ano ang benepisyo?
Libreng tarpaulin na pwedeng gamitin para sa kanilang pagkilala o pasasalamat sa pamilya, kaibigan, at komunidad.
Paano mag-avail?
Mag-submit ng aplikasyon sa Online
Sundin ang mga alituntunin at proseso na ipapaliwanag ng barangay SK office.
BOARD/BAR PASSER KANA BA?
FREE TARP FOR NEW PROFESSIONALS!
SK Bugallon Proper offers a special program for newly licensed professionals from the Batang Centro community.
What are you waiting for? Fill out the form now and claim your free tarpaulin!
Ito ay isang programa ng Sangguniang Kabataan ng Bugallon Proper na naglalayong suportahan ang kabataan at kanilang mga pamilya sa larangan ng livelihood. Sa ilalim ng programang ito, makakakuha ng libreng biik, libreng serbisyo ng technician, at libreng bitamina, pampurga, anti-bacterial, artificial insemination at disinfectant.
✔️ Libreng biik
✔️ Libreng serbisyo mula sa livestock technician
✔️ Libreng bitamina, pampurga, anti-bacterial, disinfectant at artificial insemination.
Ano ang Tanging Gagawin ng Benepisyaryo?
📌 Magbigay ng sapat na pagkain para sa biik.
📌 Siguraduhing ligtas, malinis, at nasa maayos na kalusugan ang alagang baboy.
📌 Kapag nanganak ang baboy, magbabalik ng dalawang babaeng biik sa SK Bugallon Proper bilang bahagi ng programang ito para gamitin naman sa susunod na cycle ng dispersal program.
1️⃣ Magparehistro – Sagutan ang application form.
2️⃣ Screening at Evaluation – Susuriin ng mga SK Officials ang kwalipikasyon ng aplikante.
3️⃣ Approval at Distribution – Makakatanggap ng mga benepisyo ang napiling benepisyaryo.
Gusto mo bang magkaroon ng sariling alagang baboy?
➡️ Sagutan ang registration form ngayon!
Would you like to have a pig to raise? Fill out the form below! Click the box here:
(Gusto mo bang magkaroon ng alagang baboy? Sagutan na ang form sa ibaba! I-click ang kahon dito: )
PAKATANDAAN:
Karamihan sa mga aktibidad na nakasaad sa ibaba ay naisagawa nang walang ginamit na pondo mula sa SK Bugallon Proper. Naganap ang mga ito dahil sa inisyatiba ng mga SK Officials na maghanap ng mga sponsor. Ang tagumpay ng mga gawain ay naging posible dahil sa tulong at pagsusumikap ng mga boluntaryong nagbigay ng kanilang oras at lakas.
Pinatutunayan nito na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang gumamit ng malalaking pondo upang makapagpatupad ng mga programa at aktibidad. Dahil sa determinasyon at pagkakaisa ng SK Bugallon Proper, kahit walang malaking pondo ay nagagawa nilang maisakatuparan ang kanilang mga adhikain para sa kabataan at komunidad.
Emergency and Disaster Relief Operations
(Ang nasalarawan ay sina SK Chairperson Rowen Domingo at mga kasamahan sa Philippine Army Reservist noong Search and Relief Operation ng Bagyong Nika, Si SK Domingo ay isang aktibong miyembro ng Philippine Army Reservist)
Sa tuwing may sakuna o hindi inaasahang pangyayari, agad na tumutugon ang aming grupo sa pamamagitan ng Emergency at Disaster Relief Operations.
Layunin ng mga aktibidad na ito na maihatid ang agarang tulong tulad ng pagkain, tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Sa tulong ng mga boluntaryo at katuwang na organisasyon, naipadama natin ang malasakit at pagkakaisa ng komunidad sa oras ng pangangailangan. Ito ay tunay na bayanihan sa gitna ng unos.
Donation Drive: Shoes and Goods
Dahil sa kabutihang loob ng mga nag-sponsor, nakatanggap tayo ng mga libreng sapatos na buong pusong naipamahagi sa mga batang matagal nang nangangarap magkaroon ng sariling sapatos.
Ganoon din, ang mga pangunahing goods na ibinahagi ay naging tulong at pag-asa para sa ilan nating mga kabarangay na tunay na nangangailangan.
Isang simpleng hakbang, ngunit may dalang malaking epekto sa puso at buhay ng ating komunidad.
School Partnership Activities
Bilang bahagi ng aming layunin na mapalakas ang kabataan at mapatatag ang ugnayan sa komunidad, aktibo kaming nakilahok sa iba’t ibang gawain kasama ang mga paaralan. Naging posible ito sa pakikipagtulungan ng mga guro, administrador, at mga estudyanteng-lider.
Mula sa pagbibigay ng mga talakayan at pagsasanay, hanggang sa pagsuporta sa mga programa at aktibidad ng paaralan, hangad naming maging katuwang sa paghubog ng mga susunod na lider ng ating bayan.
Ang mga gawaing ito ay patunay ng iisang layunin ang pagtutulungan ng barangay at paaralan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan.
Community Clean Up Drive
Dahil sa mga nagdaang sakuna na labis na nakaapekto sa ating barangay, aktibong nakikibahagi ang mga kabataan sa proseso ng rehabilitasyon upang muling maibangon ang komunidad.
Hindi rin matatawaran ang kanilang dedikasyon, dahil tuwing huling Sabado ng bawat buwan, kusang-loob silang nagbibigay ng serbisyo para sa paglilinis at pagpapanatili ng kaayusan sa barangay.
Isang patunay na ang kabataan ay tunay na kasangga sa pagbangon at pagbabago.
Signage Installation, Road Reconstruction and Solar Light Installation
Dahil sa kalituhan ng ilang turista kung saang direksyon dadaan patungong Rolling Hills, minabuting maglagay ng signage upang magsilbing gabay para sa mga bisita. Gayundin, ang daang ito ay matagal nang bako-bako at delikado, na naging sanhi ng ilang aksidente.
Bilang tugon, sama-samang kumilos ang mga boluntaryong mamamayan, sa pangunguna ng SK ng Barangay Bugallon Proper, upang ayusin at pagandahin ang daan para sa mas ligtas at maayos na paglalakbay ng lahat. Bukod dito, naglagay din kami ng mga solar lights upang mas mapabuti ang visibility at kaligtasan sa gabi, lalo na para sa mga dumaraan.
Medical and Dental Mission
Bilang tugon sa pangangailangang medikal at dental ng ating mga kabarangay, matagumpay na isinagawa ang Medical at Dental Mission sa tulong ng mga doktor, dentista, at boluntaryong tagapaglingkod.
Layunin ng programang ito na maghatid ng libreng serbisyong medikal at dental, tulad ng check-up, bunot ng ngipin, konsultasyon, at pamamahagi ng gamot lalo na sa mga walang kakayahang makapagpagamot.
Ang aktibidad na ito ay hindi lamang tungkol sa kalusugan, kundi isang patunay ng malasakit, bayanihan, at pagkakaisa para sa mas malusog na komunidad.