Bakit nga ba isang Protesta ang Sikolohiyang Pilipino?
Ang Sikolohiyang Pilipino ay sumasalungat sa tatlong Asampsyon ng Kanluraning Sikolohiya
Ano ano itong tatlong Asampsyon ng Kanluraning Sikolohiya?
a. Ang tao ay hiwalay sa kanyang lipunan.
– Mas maraming sikolohista ang mas gusto pang magkulong sa kanilang mga laboratoryo at gumawa ng mga eksperimento. Nakakalimutan nila na ang tao ay nabibilang sa isang mas malaking komunidad. Anuman ang nakakaapekto sa kanya ay nakakaapekto rin sa nakararami.
– Hindi maaaring gumawa ng paglalahat batay lang sa mga eksperimento kung saan wala ang tao sa kanyang likas na kapaligiran.
– Sa SP, ang tao ay produkto ng kanyang kapaligiran.
– Umuunlad ang tao hindi lamang sa mga biological o genetic factors, kundi dahil na rin sa impluwensya ng mga sosyal, pulitikal at ekonomikong kalagayan na umiiral sa paligid.
– Habang hinububog ng tao ang lipunan, hinuhubog din siya nito.
b. Ang mga tao ay magkakasintulad. Hindi gaanong mahalagaang bansa at panahong pinanggalingan kaya't maaaring gamitin ang anumang teorya o eksamen sa pag- unawa sa kanila. Sa ibang salita, ang ang sikolohiya ay unibersal.
– Tendensiya tuloy ng mga sikolohista natin na mag-angkat ng mga teoryang kanluranin at sabihing dapat ilapat ito sa atin.
– Pilit tuloy ikinukumpara ang mga Pilipino sa mga banyaga na may ibang karanasan, kaisipan at oryentasyon kaysa sa atin.
k.Ang sikolohiya ay hindi kumikilala sa anumang sistema ng pagpapahalaga (ito ay value-free) o sa isang partikular na uri ng lipunan (ito ay class-bias free)
– Ang mga sikolohikal na pananaliksik ay ginagamit ng mga malalaking korporasyon upang isulong ang kanilang interes. (Halimbawa, pinag-aaralan kung saan maaaring maging mabenta ang isang produkto.)
– Ang pagpili pa lang ng paksa, may value nang pinapataw.
– May pagpapahalaga rin sa pagsala ng variable na pag- aaralan sa metodong gagamitin, atbp.