Sikolohiya sa Pilipinas (Psychology in the Philipines)
Lahat ng mga pag-aaral, libro (texbook), at sikolohiyang makikita sa Pilipinas,banyaga man o makapilipino. Halimbawa: Ang aklat na galing sa ibang bansa at inilagay sa isang silid-aklatan dito sa Pilipinas ay maaring maging isang bahagi na ng silid-aklatang iyon. Kaya ito ay may kinalaman sa kabuuang sikolohiya ng ating bansa kasama na ang mag sariling sikolohiya at ang sikolohiya na nadala ng dayuhan sa bansang Pilipinasmaging ito man ay sa anong paraan at anyo.
• Tao sa bahay - madalas na ating ginagawa dahil ito ay hindi na kailangangkusain, pag-isipan o sadyain. Ang mga taong napapadaan o bisita ay maaaririn nating matawag na tao sa bahay.
Sikolohiya ng mga Pilipino (Psychology of Filipinos)
Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na maykinalaman sa mga Pilipino. Halimbawa: Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko kung saan may kanyan-kanyang nakaugaliang mga kultura kung kaya’t itong nagkakaiba’t-ibang pangkat etniko ng Pilipinas ay ang bumubuo sa tinutukoy na Sikolohiya ng mgaPilipino.
• Taong-bahay - maaring maihalintulad sa Sikolohiya ng mga Pilipino na kahit ang mga bisita ay maituturing na taong-bahay kung kanilang nanaisingmamalagi sa bahay.
Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology)
Nilalayong anyo ng sikolohiya sa Pilipinas. Sikolohiyang bunga ng Karanasan, Kaisipan at Oryentasyong Pilipino.
• Taumbahay - higit na malalim ito kumpara sa mga nauna. Ito ang mga taongtalagang nakatira sa loob ng bahay.