Repleksyon ng Bawat Aralin
Repleksyon ng Bawat Aralin
REPLESKYON SA MODELO NG KOMUNIKASYON
Sa aking pag-aaral ng mga modelo ng komunikasyon, napagtanto ko na ang komunikasyon ay isang complex na proseso. Hindi lamang ito simpleng pagpapalitan ng salita. May mga iba’t ibang salik na nakaaapekto sa kung paano natatanggap at naiintindihan ang mensahe.
REPLEKSYON SA ANYO NG KOMUNIKASYON
Sa aking pag-aaral ng mga klasipikasyon ng di-berbal na komunikasyon, napagtanto ko na ito ay maaaring maging mas makapangyarihan kaysa berbal na komunikasyon. Minsan, ang ating mga kilos at senyas ay maaaring magsalita nang higit pa sa ating mga salita.
REPLEKSYON SA URI NG KOMUNIKASYON
Ang komunikasyon ay parang koneksyon. Nakakatulong ito para magkaintindihan tayo at maipahayag ang nararamdaman o iniisip. Sa tamang usapan, mas nagkakaroon ng pagkakaintindihan at mas lumalalim ang relasyon ng mga tao.
REPLEKSYON SA KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO SA KONTEKSTONG FILIPINO
Ang pag-aaral ng kakayahang komunikatibo sa kontekstong filipino ay nagpapaalala sa akin na ang wika ay higit pa sa mga salita. Ito ay sumasalamin sa ating kultura at pagkatao. Natutunan ko na mahalaga ang pag-unawa sa konteksto at pagpapahalaga sa ating wika para sa epektibong komunikasyon.