Mga Pag-uulat
Mga Pag-uulat
Mula sa report nina Fillbart at Koberick, mas naunawaan ko ang kahalagahan ng mga modelo ng komunikasyon tulad ng linear, transactional, at interactive. Nakatulong itong ipakita kung paano mas epektibong magpapahayag at makaiwas sa sagabal sa komunikasyon.
Sa presentasyon ni Febby, ipinaliwanag niya ang iba’t ibang anyo ng komunikasyon, lalo na ang di-berbal na aspeto. Naging malinaw sa akin ang mahalagang papel ng galaw, ekspresyon ng mukha, tindig, at iba pang hindi sinasalitang paraan upang maipahayag ang mensahe. Ang di-berbal na komunikasyon ay nagdaragdag ng lalim at damdamin sa bawat interaksyon.
Sa ulat ni Jessie, natutunan ko ang iba't ibang uri ng komunikasyon:
Intrapersonal para sa pag-unawa sa sarili,
Interpersonal para sa pakikipag-ugnayan,
Pampubliko para sa mas malawak na audience,
Intercultural para sa paggalang sa pagkakaiba ng kultura, at
Machine-Assisted gamit ang teknolohiya para mapabilis ang pagpapahayag.
Ang mga ito ay mahalaga sa mas epektibong pakikipagkomunika sa iba't ibang konteksto.
Sa ulat ni Camille, naintindihan ko ang halaga ng kakayahang komunikatibo sa kontekstong Filipino. Pinapakita nito na ang tamang paggamit ng wika ay nakabatay sa kaalaman, kasanayan, at pagkakaintindi sa kultura. Mahalaga ito para maging malinaw at makabuluhan ang pakikipag-ugnayan, lalo na sa pagtuturo gamit ang ating sariling wika.